VI

362 11 2
                                    

Troy...

"Troy!!!"

Boses palang, kilala ko na. Bakit nandito siya sa bahay ng ganitong oras?

*knock! Knock! Knock!

Agad akong tumayo mula sa pagkahiga at binuksan ang pinto.

"Troy!!!"

Isang babae ang yumakap sa akin ng napakahigpit.

"Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras na? Ngayon ka pa lang ba uuwi?"

"Chill Troy!"

Pumasok siya sa kwarto ko at inilapag ang kanyang gamit sa study table ko tsaka humiga sa kama ko.

"Alam mo ba... HINAWAKAN NIYA YUNG KAMAY KO!!!! KYAH!!!!!!"

"Anne! Too loud. Eleven p.m na oh? May mga tulog na."

"Nakakakilig kasi eh!!! Ang sweet sweet niya! Sobra!"

Umupo na lang ako sa swivel chair ko at gumawa ng plano para sa future house ko at ng magiging asawa ko. At sana siya yun...

"Anong ganap?"

"Nagkwentuhan kaming dalawa ni Jacob kanina. Ang ganda pala ng eyes niya color brown."

"Tapos?"

"Gusto rin pala ni Jacob ang architecture pero mas pinili niya ang Civil engineering."

"Then?"

"Hinalikan niya ako sa lips!!!"

Nang marinig ko ang mga katagang yun ay agad akong nagtiim ng bagang at napahawak ng mahigpit sa aking mechanical pencil sanhi ng pagka sira nito. Dahan dahan akong humarap sa kanya at hindi ko alam ang itsura ko ngayon.

"Anong sinabi mo?"

"Hinalikan niya ako sa lips."

"At pumayag ka naman?!"

"Eh mahal ko naman siya eh!"

"Eh ano ngayon kung mahal mo?! Kayo na ba?! Kilala mo na ba siya?! Tapat ba siya?!"

"Para sakin, oo! Kasi ramdam ko na mahal niya ako! Na gusto niya ako! Ano bang mali sayo at pati paghalik sa labi ko eh pinuproblema mo?!"

"Im just concern, Anne! Concern ako sayo kasi mahal kita!"

"Mahal din naman kita eh! Bestfriend kita di ba kaya mahal kita! Pero hindi mo na kailangang pakialaman ako dahil buhay ko to! May sarili kang buhay kaya yan ang pakialaman mo!"

"Ganyan mo na lang ba ako tatratuhin?! Na parang wala lang ako sayo?!"

"Kaibigan lang kita Troy! Ano bang kadramahan ang iniisip mo?! Kung gusto mong magdrama, wag ako ang dramahan mo!"

Mula sa pagkakaupo niya ay rumayo siya at kinuha ang bag niya sabay alis ng kwarto ko.

Agad kong nadampot ang lampshade ko at inihagis ito ng napakalakas. Agad akong tumayo at sinipa ang swivel chair. Napaupo na lang ako sa sulok ay inilagay ang mga braso ko sa tuhod ko at ang kamay ko naman ay nasa aking buhok. Bakit ngayon pa nangyari to kung kailan balak ko ng umamin sa kanya bukas?

Star...

Gumising ako ng maaga para makapasok ng maaga sa school. Hahahaha ang ganda kasi doon. Lalo na at nagkaroon ako ng kaibigan.

Nagtataxi ako araw araw dahil ayokong magpahatid. Kapag may sundo kasi feeling ko may tagapagbantay ako. Ayaw ko ng ganon haha!

Nandito na ako sa tapat ng gate. Papasok na sana ako ng campus ng makita ko si Troy na bumababa sa kanyang service.

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon