Troy...
"Troy!!! Nakita ko siya kanina! Nginitian niya ako!!!"
"Anong gagawin ko? Titili din?"
"Ewan ko sayong masungit ka!"
Paano ba naman kasi, apat na linggo na niyang binabanggit ang pangalang Jacob Sarjento! Ano bang meron sa kanya?
Nandito kami ngayon sa canteen at bimumibili ng makakain.
"Hey Anne."
"Oh! Hi Jacob."
"Pwede ba kitang makasabay kumain?"
"Ahm Anne-"-Me
"Sure! Lets go?"
"Sure."
Naglakad na sila palabas ng canteen at iniwan ako ng babaeng yun.
Ang nangyari, kumain na lang ako mag isa. Bakit kasi ang torpe ko? Ng dahil sa pagkatorpe kong ito ay baka mawala pa ang babaeng pinaka mamahal ko.
"Pwede bang tumabi sa iyo?"
"Ahm, sure."
Agad siyang umupo sa harap ko at inilapag din ang tray na may lamang pagkain niya.
"Bakit nag iisa ka lang?"
Sino ba to? Hindi ko kasi siya nililingon eh.
"Wala..."
"Ay hahahahaha ok. Im Star Manansala."
Tumingala ako nang makita ko ang kamay niya tanda na gustong makipag shakehands.
Maganda siya, maputi, kaakit akit ang kanyang singkit at kulay itim na mga mata at may mahabang itim na buhok.
"Im Troy Hance Montellano."
Inabot ko ang kamay niya tsaka ngumiti. Ngumiti rin siya sa akin gamit ang kanyang nagrorosas na mga labi.
"Nice to meet you Troy."
"Nice to meet you too Star."
"So, anong year ka na?"
"Im Second year college."
"Oh. Same lang pala tayo. Sorry kung feeling close ako ah? Bago lang kasi ako dito eh."
"Ah ganun ba? Ok lang Star. Sorry nga pala at medyo nagsungit ako."
"Ok lang yun Troy. Siya nga pala, anong course ang kinuha mo?"
"Architecture ang kinuha ko. Gusto ko kasing magdesign ng mga buildings nung bata pa ako kaya ngayong college na ako, tinupad ko na ang pangarap ko."
"Aha!!! Same tayo ng course! So meaning, classmates tayo?"
"Hahahaha yeah..."
"Hahahaha yes! May kaclose na ako! Ahm, Troy?"
"Yes?"
"Pwede bang maging friends tayo? Ahm... Alam ko na ngayon lang tayo nagkakilala pero... Sana maging friends tayo hehehe."
"Sure, no problem."
"Sa wakas! Hahahaha kasi naman. Ang sungit ng ibang babae rito."
"Hahahaha dont worry, friends naman na tayo di ba?"
"Sa bagay hahahaha tara kain na tayo."
Ngumiti siya sakin at ngumiti rin ako sa kanya. Kumain na kami at nagkwentuhan pa. Napakafriendly niya. Hindi siya yung klase ng babaeng mahilig makipagflirt.
"Matanong ulit kita, bakit ka nag iisa dito?"
"Ahm, may pinuntahan kasi yung bestfriend ko."
"Ah ganun ba... Naaalala ko nung nandoon pa ako sa dating pinapasukan kong school, nagkabestfriend ako don and take note, lalaki siya. Lagi kaming magkasama at minsan nakikiovernight. Close kasi ang mga parents namin. Then one day, bigla na lang akong nakaranas ng selos kasi lagi niyang kasama yung girl na nasa ibang section. Hanggang sa umamin ako sa kanya na may gusto na pala ako at sinabi niya ring mayroon siyang gusto sakin pero kailangang mapigilan. Dahil sila na pala nung girl na lagi niyang kinakausap..."
Binalot ang sistema ko ng kaba at pag aalala....
"Yun ba ang bestfriends? Yung may tinatago pang lihim?"
"Hindi naman kasi lahat ng lihim eh pwedeng sabihin."
"Pero bakit di niya sinabi na nililigawan na pala niya yung babae? Hayst! Hahahahaha lets move on. Wala ng mangyayari kung babalikan pa natin ang mapapait na nakaraan."
Napa isip ako sa mga bagay na ikinuwento ni Star... Paano kung mangyari yun sa amin ni Anne? Yung magiging sila ni Jacob at once na umamin na ako, tsaka niya ako iiwasan?
Erase erase erase! Hindi mangyayari sa amin yun. Naniniwala ako sa kanya na wala siyang inililihim sa akin.
"Hey? Ok ka lang ba? May nasabi ba akong masama?"
"A-ahm... Wala naman."
"Akala ko naman eh may kasalanan na ako sayo."
Ngumiti lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Nandito kami sa hagdan. Papunta na kasi kami sa classroom.
"Anong name ng bestfriend mo?"
Agad naman akong lumingon sa paligid. Nasaan na nga ba ang babaeng yun?
"Hey Troy? Sorry kung madaldal ako. Heheheh"
"Ah, its ok Star. Siya nga pala si--"
"TROY!!!"
Agad akong napatingin sa likod ko at sinakubong ng mahigpit na yakap.
"Alam mo ba Troy, nung lumabas kami ng campus, pinayungan niya ako tsaka nilibre niya ako at nakalimutan ko palang sabihin sayo na kinuha niya number ko nung pagkatapos naming magkita sa store!!! Tapos ramdam ko yung care niya sakin!"
So hindi niya ramdam yung akin?
"Gagawin ko?"
"Hala naman eh! Ang sungit sungit!"
"By the way, She is Anne Louis Sanchez, my Bestfriend. Anne, she is Star Manansala, transferee and my friend."
"Hi Anne! Nice to meet you!"-Star
"Nice to meet you too, Star."-Anne
"Punta na tayo sa classroom."
Ipinagpatuloy namin ang paglalakad. Sa kanan ay si Star at si Anne ay nasa kaliwa. Dati, kapag naglalakad kami, lagi niyang hawak ang braso ko. Ngayon, ang hawak na niya ay ang cellphone niya. Malamang katext niya si Jacob. Dati, kapag magkasama kami, ayaw niya ng tahimik kaya lagi niya akong dinadaldal pero ngayon, wala na siyang pake sa paligid niya basta nakatoon lang ang atensyon niya sa cellphone niya.
Hanggang kailan kaya siya magiging ganyan? Hanggang sa mauntog siya? Hanggang sa matauhan siya? Hanggang sa masira ang cellphone niya? Hanggang sa maging sila? Hanggang sa mapatay ko na ang lalaking gustong kumuha sa puso ng babaeng mahal ko? O hanggang sa magpakamatay na lang ako dahil sa tingin ko ay wala ng pag asang maging kami?
Mahal ko si Anne, pero ang ikinababahala ko ay ang pag amin ko sa kanya. Baka iwasan niya ako, hindi niya ako pansinin at hindi na siya magpakita sakin. Hindi ko kayang wala siya sa tabi ko, hindi ko kayang nakikita siyang may kasamang iba, hindi ko kayang nakikita siyang masaya sa iba at lalong hindi ko kaya kapag nasa kamay na siya ng iba...
Ang daming pagbabago kay Anne simula ng makilala niya si Jacob. Hindi na siya bumibisita sa bahay, hindi na niya ako tinatawagan kapag gabi, hindi niya na ako nakaka usap, at lagi na lang niya akong iniiwan sa ere. Ano pa bang dapat kong gawin para mapansin niya ako at maramdaman niyang mahal na mahal ko siya?
Nang nasa tapat na kami ng classroom ay pinagbuksan ko sila ng pinto. Pumasok naman sila at pumasok na rin ako bago ko isara ang pinto.
BINABASA MO ANG
From Best Friends To Sweet Couple
Roman d'amourMinsan, hindi mo maiiwasang mainlove sa bestfriend mo. Dahil sa closure, moments, at tiwala sa isat isa, may isang mafafall at isang lilisan. Dahil pag nangyari ito, masisira ang relasyon nila pati na ang friendship nila. Mababago ang lahat ng meron...