||

531 9 2
                                    

Anne

"Troy!!!"

"Ano na naman?"

"Sungit! Samahan mo lang ako sa labas. Nakakaasiwa yung amoy ng aircon dito."

"Ok."

Lumabas na kami at dumeretso sa garden. May isang bench doon at yun ang inupuan namin. Yun ay nakaharap sa isa pang fountain pero may ilaw.

"Paano kung may manligaw sa akin Troy?"

"Edi iligaw ka niya."

"Troy naman eh!!!"

"Joke lang. Edi kikilalanin ko. Para malaman ko kung nasa magandang kamay ba ang Prinsesa ko."

"Aw!!! Ang sweet naman!!! Dapat talaga may gf ka na eh! Ang sweet sweet mo kaya!"

"Aral muna tsaka may hinihintay ako."

"Aba! Ang swerte naman niya! Sino siya?

"Basta. Wala ka na dun!"

"Ang sungit mo talaga! Uupakan na kita eh!"

"Hahahaha ito naman di pa nasanay."

"Eh sino ba kasi yun?"

"Basta. Ipapakilala ko rin siya sayo."

"Ay! May tanong pa ako."

"Ano yun?"

"Paano kung arrange marriage ang nangyari  satin. Papayag ka?"

"Syempre hindi! Ang pangit mo eh!"

"Leche ka! Ang ganda ganda ko dito eh!"

"Hahahaha joke lang naman. Maganda ka talaga. Oh, wag mang iinis ah!"

"Hahahaha ano ano ano? Maganda ako?"

"Hay naku..."

"Hahahaha chos lang. Ano, papayag ka ba?"

"Oo naman. Mabait, maalaga at maganda ka kaya ok lang."

"Sus!!! Iba talaga ang karisma ko!"

"Hahahaha baliw."

"Troy."

"Hmm?"

"Sa buong buhay mo ba, nagmahal ka na?"

"Oo naman. Mahal ko ang parents ko, friends pati ikaw."

"No! I mean, yung iba..."

"Oo naman. Yung babaeng ipapakilala ko sayo, mahal ko yun."

"Ah..."

Tumingin ako sa fountain at natulala.

Troy

"Hoy, anong ginagawa mo? Nakanganga ka na diyan oh!"

"A-huh?"

"Hay naku. Sabi ko bakit ka nakanganga diyan?"

"Eh naattract lang ako sa ilaw eh."

"Hay, halika nga. Maglakad lakad tayo bago ka mabaliw diyan."

Tumayo ako at inalok ko si Anne na tumayo para makapag lakad na kami. Agad naman niyang tinanggap ang kamay ko.

Naglakad kami sa damuhan habang dinarama ang napakalamig na hangin. Hawak ko ngayon ang kamay ng babaeng mahal ko. Oo, siya ang sinasabi kong mahal ko. Di ko lang alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Anne."

"Hm?"

"Upo tayo."

"Sure."

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon