|||

425 8 0
                                    

Troy

Nagising ako ng dahil sa parang may mabigat akong pinapasan. Nang minulat ko ang aking mata ay nakita kong nakayakap sa akin si Anne at ginawa niya akong unan. So adorable...

Iniayos ko ang higa niya sa kama at tumayo upang magawan na siya ng almusal.

Favorite almusal niyan ay ang toasted bread with peanut butter. Ewan ko ba kung anong lasa ng kinakain niya.

"Manang, where's Mom?"

"Ahm, umalis ng maaga kasama si sir Milandro."

"Ah, thank you po. Ahm, Manang. Ako na lang po ang gagawa ng breakfast namin ni Anne."

"Sige anak."

Nagsimula na akong magprepare ng kakainin namin ni Anne. Dapat espesyal ang kakainin niya dahil espesyal din siya sakin.

"Alam mo, may napapansin ako sa iyo." Ani Manang habang naghuhugas.

"Ano naman po yun Manang?"

"May gusto ka kay Anne no?"

"M-manang naman eh. Paano niyo nasabi?"

"Unang una sa lahat."

Isinantabi muna niya ang paghuhugas ng plato.

"Lagi mo siyang tinatanong sa akin kung tumawag ba siya. Pangalawa, lagi kong napapansin na masyado kang caring sa kanya gaya ngayon. Kailangan ikaw pa ang gagawa ng breakfast niya. Pangatlo, pag magkwekwento ka sakin, siya lagi ang topic. Pang apat, imposibleng di ka mahuhulog sa kanya. Mabait, magalang, maalagain at masunurin pa. Sa tagal niyo pa namang magkaibigan. At panglima, nakikita ko yung mga pictures niya na nakaipit sa notebook mo, maging sa closet mo."

"P-paano niyo na-nakita yun?"

"Naglinis ako ng kwarto mo at inayos ko ang mga notebooks at libro mo at nahulog nga iyon. Noong isang araw ay naglagay ako ng damit mo sa closet tapos nakita ko ang mukha niya eh."

"A-ahm..."

"Hahahaha! Ikaw talaga iho! Hindi ko sasabihin sa kanya. Basta ang akin lang ay sabihin mo na sa kanya bago pa mahuli ang lahat."

"Manang, natatakot po kasi akong mawala siya kapag sinabi ko ang nararamdaman ko."

"Anak, hindi masamang umamin. Lumayo man siya sayo, sigurado akong babalik at babalik siya sayo dahil nga ay kaibigan ka niya."

"Sana nga po Manang."

Nginitian ako ni Manang at tinapos na niya ang kanyang mga huhugasan bago siya umalis sa kusina. Nang ok na ang lahat ay naghain na ako at inakyat si Anne.

"Anne, Princess. Its time to wake up."

Nakita ko siyang nagpout ng kanyang labing mapupula at kumunot ang kanyang noo. So so so cute!!!

Ginusot niya ang kanyang mga mata at unti unting dumilat.

"Good morning Princess."

Agad niyang tinakpan ang bunganga bago magsalita.

"Good morning Prince. Mumog lang ako hehehe."

Tumayo siya at dumiretso sa cr sa kwarto ko.

Sabay kaming bumaba at dumiretso sa kusina upang kumain.

"Yum yum yum!!! Sinong nagluto nito? Si Manang ba?"

"Nope, its me. Special ka sakin eh."

"Wow!!! Ahahahaha so sweet!!! Sana ganyan ka sweet sayo ang maging boyfriend ko."

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon