XVl

312 6 0
                                    

Anne...

"Kamusta ka na? O-okay ka na ba?"

Yan ang bungad sa akin ni Jacob. Puro katanungan na hindi ko pa masagot.

"Ei-invite sana kita mamaya. Labas tayo kasama sina Troy at Star."

"Sure, what time ba?"

"Maybe 5 or 6."

"Oh, okay. Susunduin kita mamaya."

"Jacob..."

Tumingin siya sa aking mga mata. Seryoso at halatang handa siyang makinig sa anumang sasabihin ko.

"Walang kaalam-alam si Troy about sa nangyari sa atin. Kaya please, please lang... Makisama ka. Dont let him know about what happened to us. Hindi ko alam kung anong magagawa niya sayo kung mali man ang pagkaintindi niya sayo."

Nakita ko ang gulat at pagtataka sa kanyang ekspresyon. Tinitigan ko siya sa mata para malaman niya na hindi ako nagkikipag biruan sa kanya.

"Okay... So,  Anong iaact ko later? "

Mababakas sa kanyang mukha ang pait at kalungkutan.

"Act normal Jacob."

Bumuntong hininga na lamang siya at tumango. Muli siyang tumitig sa mga mata ko.

"I love you..."

"I-I'll go now. See you later."

Iniwan ko siya ng may kirot sa dibdib.

Oo, mahal ko siya. Pero pakiramdam ko'y hindi tama ang pagmamahal ko sa kanya.

Star...

Nandito na kami ni Troy sa meeting place namin.

"Mahal, gusto ko sana bumili ng shirt. Yung couple tayo."

"Pwede rin naman, Mahal. Maybe next week? Examination natin ngayong week eh."

"Sige-- Oh, nandito na sila."

Nakita ko sila na magkaakbay at nakangiti. Anong meron? Akala ko ba eh...

"Hi guys! Ano, punta na tayo?"

Tumango na lang ako bago bumeso kay Anne. Nakipag bro hug naman si Troy kay Jacob. Wala talagang kaalam alam ang Mahal ko.

Nasa loob na kami ng sasakyan ni Troy, tinatahak ang daan.

"Bakit ang tahimik naman ata?"-Troy

"Baka wala lang mapag usapan."

"T-tsaka pagod kami eh. M-may pinuntahan pa kami kanina."-Anne

"Ah..."

Nagtataka ako... Bakit hindi napapansin ni Troy ang awkwardness sa loob ng sasakyan? Manhid na ba to?

Syempre hindi, mahal ako nyan eh
(^ω^)

At nakarating na nga kami sa isang exclusive bar. Nagpareserve na rin kami ng VIP room para sa amin.

Nang makapasok kami sa loob ay agad kaming naupo at sumandal. Nakakapagod din kayang bumyahe.

May naka ready na ring inumin or us.

"So, kamusta naman kayong dalawa Noel?"

Bigla akong kinabahan...

"We're okay naman. Still inlove with each other."

Tumingin si Anne kay Jacob at sinamantala naman iyon ni Jacob para halikan ang kanyang noo. Napatingin sa akin si Anne.

"Good to know, Noel. Make sure na you'll never hurt my Princess okay?"

"I will Hance."

Ngumiti na lamang si Troy at hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin.

"Hey tama na ang drama! Let's party!"

Agad kaming kumuha ng inumin at nag cheers.

Uminom, sumayaw, kumanta at nadapa. Yan ang kaganapan sa loob ng VIP room dahil sa kalasingan. Mabuti na lang at naisipan kong magkunwaring umiinom. Wala kasing mag aasikaso sa amin pag lahat kami lasing.

"Woy yikaw Twoy! Uminowm ka na!"-Anne

" I dont Aaaannnneeee.... Nahihilo na akooo...."-Troy

See? Mga alien na kasama ko -_-

"Mabuti pa guys umuwi na tayo. 10 pm na oh? May examination pa tayo tomorrow afternoon. Kailangan pa nating magpahinga."

Nagsitawanan lang sila na parang baliw. Hayst! Ang hirap naman ng ganito!

Lumabas ako para humingi ng tulong sa mga bouncer na isakay sila sa sasakyan.

Ngayon, ipinagdadrive ko ang tatlo kong mga kaibigan ng dahan dahan. Baka kasi magsuka sila pag binilisan ko.

Una kong hinatid si Anne sa bahay nila. Nabanggit niya kasi sa akin noon kung saan siya nakatira. Naalala ko pa until now. Si Jacob, bilang ex niya, syempre alam ko kung saan siya nakatira.

Napagdesisyonan ko na sa bahay na muna matulog si Troy. Tinext ko na sina Tito at Tita na dito muna siya sa bahay matutulog.

Inihiga ko siya sa kama at iniayos ng higa. Grabe kabigat ng lalaking to!

"Hmm... Star! Nashaan na tayow?"

"Wag ka ng makulit Troy!"

Paano ba naman kasi, hinihila ako tapos yayakapin! Hayst!

"Shaan shi Anne? Shi Anne shaan!"

"Ano ba yan Troy wag ka ngang sutil! Umuwi na si Anne!"

Tumingin naman sa akin si Troy at ngumiti.

"Oy miss! Miss!"

"Anong miss ka dyan?!"

"Ang shungit naman ni mish! Itatanong ko lang shana kung may kapatid kang Ishtar. Kamukha mo kashi gf ko eh hahahaha!"

Ano ba yan! Napagkamalan pa akong ibang babae!

"Alam mo ba, yung gf ko? Si Star? Napaka bait! Maalaga at mapagmahal! Ang shwerte shwerte kow nga sha kanya dahil mahal niya ako. Siya lang ang babaeng mahal ko at pakakashalan ko! Siya yung asdfghjkl---"

Napaka loyal naman pala ng lalaking ito eh. Kahit saan mo iwan, ikaw pa rin ang mahal.

At sa sobrang kadaldalan niya, hindi ko na naiintindihan mga sinasabi niya.

"Oy mishhhh, uwi na ako! Hinahanap na ako ng ashawa kong shi ishtar! Lagot ako sa kanya pag di ako nakauwi!"

Natawa na lang ako sa mga pinagsasasabi niya. I really love this man!

Nang maayos ko na ang lahat at nang nakatulog na siya, dumiretso na ako sa banyo para magshower.

Humilata na ako sa kama at tinitigan ang kisame.

Paano kaya kung hindi ko siya nakilala? Ganito pa rin kaya ako kasaya?

Siguro'y itulog ko na lang. Nakakapagod kayang maghatid at magbuhat ng mga kasama mong lasing.

Love make us feel alive...

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon