Xll

322 4 2
                                    

Star...

Nagising ako ng maramdaman ko ang isang haplos sa aking pisngi.

"Good morning Mahal."

"Paano ka nakapasok dito?"

"Bukas yung pintuan mo. Di naka lock. Gutom ka na ba?"

"Yup. Ikaw? Di ka pa ba kumain? Halika, lulutuan kita."

"Di pa ako kumakain. Hinihintay kasi kita. Tsaka dont worry my love, nagluto na ako."

Hinawakan niya ang aking mga kamay at tinulungan tumayo. Binitawan niya ako at hinarap ang aking kama.

Inayos niya ang mga unan na ginamit ko pati na rin ang kumot na nalukot na ngayo'y tila plantsado na.

"B-bakit mo ginawa yun?"

Hinawakan niya akong muli at iniupo sa tapat ng salamin. Hinawi niya ang lahat ng buhok ko sa likod bago ito sinuklay."

"Para di mo na gawin yun."

"Eh magtutupi lang naman ng pinagtulugan eh."

Nang maayos niya na ang buhok ko ay inipit niya ito.

"Ayaw lang kitang mahirapan. I can do this everyday, basta para sayo."

Tumayo ako at yumakap sa kanya.

"Padangat takang maray Mahal ko."

"Padangat ta kang Maray, Pinaka Mamahal ko."

Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya tsaka isiningit ang aking mukha sa kanyang leeg. Maya maya'y nararamdaman kong isinasayaw niya ako. Napakaganda ng umaga mo kung ganito ang bubungad sa iyo.

"Mahal... Kain na tayo sa baba."

"Sa isang kondisyon."

"Ano na naman yang pakulo mo Troy?"

"Say that You love me. Promise me You'll never leave me. Prove to me that  You love me."

Napatitig ako sa kanyang mata...

"I always Love you... I'll be forever happy with you..."

Hinawakan ko ang kanyang pisngi At hinaplos ito.

"And I'll prove to you that I really love you."

Hinalikan ko ang kanyang mga labi... Samu't saring emosyon ang namumutawi sa aking kalooban. Ramdam na ramdam ko ang kanyang malalambot na mga labi. Mahal ko ang taong ito.

Kumalas ang aming mga labi at pinagdikit ang mga noo. Tinitigan ang mga mata ng bawat isa.

"Napatunayan ko na ba?"

"*smirk* Mahal mo nga ako."

Niyakap niya ako ng mahigpit bago iginaya sa kusina.

Anne...

"Ano bang problema?!"

Nanatili akong tahimik habang pinapakinggan siya.

"Sabihin mo naman sakin para alam ko!!!"

"Hindi ko alam ang problema!"

"Eh bakit ka nagkakaganyan?!"

"Hindi ko alam! Parang may kulang eh! Hindi ko alam Jacob!"

Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang ekspresyon.

"A-ano pa bang kulang Anne? May nagawa ba akong masama?"

Lumapit siya sakin at hinaplos ang aking pisngi.

"Sabihin mo, Sweetie. May nagawa ba akong mali?"

"W-wala..."

"Pero bakit may kulang?"

"Hindi ko rin alam..."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago niya ako niyakap.

"What do you want?"

"Space."

Ramdam ko ang pagkagulat niya ng dahil sa mga sinabi ko.

"Are you serious sweetie?"

"Yes. And I need it now... I need space. Kailangan ko ng peace of mind. Kailangan kong magpahinga..."

Nakita ko ang lungkot at panghihinayang sa kanyang mga mata ng siya'y tumingin sakin.

"Babalik ka di ba?"

He caress my cheeks with his right hand. I touch his hand and all I can do is to feel it.

"I'll be back Sweetie... Just give me a... Time."

I can see the sadness and hurt to his face... Wala akong magagawa. Kailangan ko ng katahimikan sa buhay ko lalo na't hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Magsisimula akong muli at aalamin kung ano nga ba ang nararamdaman ko.

"Anne..."

Muli ko siyang tinitigan...

"Hindi ko kayang... Hindi ko kaya ang wala ka... Pero para sa kagustuhan mo at sa ikaliliwanag ng puso't isipan mo, maghihintay ako. Maghihintay ako at aasang babalik ka sakin. Anne, mangako kang babalik ka sakin..."

"Babalik ako Jacob. Maghintay ka lang... Babalik ako..."

Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang batok at hinalikan siya sa kanyang mga labi. Lumandas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan...

"Hihintayin kita. Ikaw ang buhay ko. Ikaw ang pangarap ko. Ikaw ang lahat sa akin. Maghihintay ako kahit gaano man katagal At aasahan kong babalik ka sa akin..."

Niyakap niya ako ng napakahigpit bago ko siya nilisan.

No texts, no calls, no chats, no date. Para sa ikatatahimik ng puso't isip ko.

Troy...

From Mahal:
   Nakauwi ka na ba Troy?

To Mahal:
   Yes po My Love. May gusto ka bang puntahan? Or ipabili sa akin? Or gawin?

From Mahal:
    Wala naman Mahal. Gusto ko lang magpahinga dito sa bahay.

To Mahal:
    Sige, magpahinga ka lang. Dont skip your meals okay?

From Mahal:
     Yes My Love.

To Mahal:
      Padangat takang Maray, Mahal ko.

From Mahal:
      Padangat ta kang Maray, Troy ko.

Humilata ako sa kama aymt tumitig sa kisame. Ang saya ko.

Mula ng dumating sa buhay ko si Star, napakalaki ang ipinagbago nito. Naging mas masaya at mas naramdaman kong buhay pa pala ako. Hindi ko suka't akalaing mapapasakin siya. Sa lahat ng oras, lagi siyang nasa tabi ko. Sa lahat ng pagkakataong malungkot ako, siya ang nagpapasaya sakin. Hindi niya ako iniwan...

*Ding! Dong!

Umayos ako ng upo at pinakiramdaman kung bisita ko nga ba or kabusiness partners lang ng aking mga magulang ang dunating.

"Anak, may bisita ka."

Agad akong nagbukas ng pinto at bumaba.

Pag tingin ko sa aming sala ay nakita ko siyang nakaupo ng maayos at hinihintay ako.

"Hi... Pwede mo ba akong samahan?"

Bakit siya nandito?

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon