Troy...
"Class Dismissed."
Agad na tumayo si Anne at dirediretsong lumabas ng classroom. Masakit mang isipin na makikipagkita siya sa lalaking yun.
"Troy, may gagawin ka ba ngayon?"
"Wala naman. Bakit?"
"Gusto ko lang sanang magpasama sayo sa mall. Ok lang?"
"Ok lang naman. Wala naman tayong homeworks kaya sure."
"Thanks Troy! So, tara na?"
"Sure."
------
"May napapansin lang ako..."
"Ano yun?"
"Bakit ganon si Anne? I mean... Bakit super busy niya sa phone niya tsaka lagi siyang wala? Alam ko kahapon lang kami nagkakilala pero di ba pag bestfriends, sabay kumakain at sabay din uuwi?"
"B-baka may tinatapos lang..."
"Sa bagay..."
"Tara, punta tayo sa ice cream parlor. Libre ko."
"Hindi kaya nakakahiya sayo Troy?"
"Hahahaha wag ka ng mahiya. Alangan naman ako ang ililibre mo."
"Hehehehe ok."
Naglakad na kami at nagkwentuhan. Masaya rin pala kasama si Star. Kwela siya at hindi boring kasama.
Nasa loob na kami at hinihintay na lang ang inorder namin.
"Troy."
"Hm?"
"Di ba si Anne yun?"
Agad akong napalingon sa likuran at nakita si Anne na nakangiti kasama si Jacob na nakatalikod sa amin...
Ang sakit...
"Ok ka lang ba?"
"O-ok lang ako. Pwede bang bilisan nalang nating kumain para marami pa tayong malibot."
"Ok."
Dumating na ang order namin at agad ko itong kinain. Nakikinig lang ako sa mga kwento ni Star at unti unti ko ring nakakalimutan na nandito lang sa loob si Anne. Star is a great distraction.
"So, labas na tayo?"
"Sure."
Lumabas na kami ni Star ng hindi nililingon si Anne. Dahil oras na masulyapan ko siya ay baka masaktan lang ako...
"Alam mo Troy, unang pagkikilala pa lang natin kahapon pero ang gaan na agad ng pakiramdam ko sayo."
"Ganon din naman ako eh. Alam ko kasi na mabait kang tao at hindi mang iiwan."
"Hala... Parang iba na yung sa "mang iiwan" part ah."
Naalala ko na naman ang kwinento niya sa akin sa canteen kahapon. Posible kayang mangyari yun?
"Star."
"Hm?"
"Ano ang feeling ng mafriendzone? Im sorry ah. Pero g-gusto ko lang namang malaman..."
"Hahahaha its ok Troy."
Pumasok kami sa isang department store tsaka siya nagkwento.
"Feeling ng maFriendzone? Ah... Ito... Imagine... Isang batang naghahangad ng candy. Akala niya bibigyan na siya pero hindi pala."
"Tapos?"
"Argh! Ang hirap iexplain eh! Basta feeling mo pagnakikita mo siya mahal mo siya pero bigla nalang tatatak sa utak mo na frinendzone ka niya. Parang ganun?"
BINABASA MO ANG
From Best Friends To Sweet Couple
RomanceMinsan, hindi mo maiiwasang mainlove sa bestfriend mo. Dahil sa closure, moments, at tiwala sa isat isa, may isang mafafall at isang lilisan. Dahil pag nangyari ito, masisira ang relasyon nila pati na ang friendship nila. Mababago ang lahat ng meron...