Xl

325 5 0
                                    

Star...

"So, anong lasa? Masarap ba?"

"Yeah! It's super yummy! Bakit ang sarap mong magluto?"

"Bata pa lang kasi ako, tinuruan na ako ni Mommy na magluto."

"Wow naman! Magpapaturo nga rin ako kay Tita."

"I think you should call her Mommy too."

"Che! Kumain na nga lang tayo."

Narinig ko ang pagtawa niya kaya't napatawa na rin ako. Iba rin ang kabaliwan ng lalaking ito no? Pasok na pasok sa banga!!!

"So, uuwi ka na?"

"Pinapaalis mo na agad ako?"

"Wala akong sinasabi no."

"Pwede bang... Dito ako matulog?"

"What?! Are you out of your mind?"

"Nope. Actually nagpaalam na ako kay Tito."

"Hays... Di ka lang pala corny, makulit ka rin."

Pagkatapos naming kumain ay inilagay ko sa lababo ang mga ginamit namin para hugasan. Habang naghuhugas ako ay naramdaman ko ang kanyang mga braso sa aking tiyan at ang kanyang dibdib sa aking likod.

"Troy?"

"Hm?"

"Anong ginagawa mo?"

"Tinutulungan ka."

"Nakakatulong ka kaya?"

"Yup. I can motivate you."

"Che! Corny."

Natawa na lang ako ng hinawakan niya ang plato at naghugas na rin. Ang resulta? Naghuhugas siya ng plato habang nakayakap sakin.

Pagkatapos naming maghugas ay nanood kami ng movie sa room ko.

"Sa dinami rami ng pwedeng panuorin, horror movie pa?"

"Ayaw mo yun, exciting kaya."

"Ayoko ng horror movies eh."

"Ang handa kaya. Hindi boring. Kaya lang... Baka may mumoo na tumabi sayo mamaya!"

"Troy naman eh!!! Iiwanan kita dito Troy!"

"Kaya mo ba?"

"O-oo!!!"

"Sige nga... Iwan mo ako..."

Napatitig ako sa kanyang mga mata. Kakaiba nga ang taong ito. Ngumiti na lamang siya at lumapit sa akin sabay yakap.

"Ano bang gusto mong panuorin?"

"Kahit ano basta wag horror movies. Ikaw ah nakakahalata na ako. Yakap ka ng yakap eh nanliligaw ka pa lang."

"I cant handle eh. Feeling ko kasi, pag yakap kita, nararamdaman kong buhay pa pala ako. Nang dahil sa pagmamahal ko sa iyo, kailangan ko pang mabuhay para marinig ko pa ang mga katagang
"Oo" at "mahal kita" mula sayo."

Niyakap niya ako ng mas mahigpit at isinayaw. Niyakap ko rin siya at pumikit.

At sa huli, nanood kami ng romantic movie. Sabi niya kasi, yun yung madalas panoorin ng mga babae.

Habang nanonood kami ay nakaakbay siya sakin at ako nama'y nakasandal sa kanya.

"Troy, sigurado ka ba?"

"Sigurado saan?"

"Sa feelings mo. Sigurado ka bang hindi na si Anne ang laman niyan?"

Itinuro ko sa kanyang kaliwang dibdib kung saan naroroon ang kanyang puso. Ngumiti na lamang siya at hinawakan ang aking kamay.

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon