I

794 13 3
                                    

"Bilisan mo na! Hinihintay na tayo sa venue eh!"

"Sandali lang! Tapusin ko lang tong assignment ko tapos punta na tayo."

"Hay naku Troy! Pupunta na nga lang tayo sa party, mag aaral ka pa! Magpahinga ka muna! Just chill!"

"Anne, alam mo namang hindi ako sanay na hindi ko natatapos ang assignments ko."

"Naku! Bilisan mo na nga lang!"

Masyadong atat ang bestfriend ko. Maya mayang isang oras pa ang party eh. Ngayon kasi ang pagpapakilala ng restau namin dito sa Pilipinas. Business partners sila ng parents ko at parents ni Anne.

Nandito pala kami sa study room ko. Si Anne? Ayun, lakad ng lakad. Ikot dito, lapit sakin. Sisilip, tapos mag lalakad ulit. Hay, nakaka inis naman oh! Pawisan na siya! Mamaya magmukha siyang si Harley Quinn sa party.

"Hoy, halika nga rito."

"Bakit?"

Lumapit siya sakin na may pagtatanong sa mukha. Tumayo ako at pinunasan ang mukha niya gamit ang tissue na nasa tissue box.

"Pawis ka na. Hay, lakad ka kasi ng lakad eh. Naku, pumunta na nga tayo sa party."

"Yes! Hahahaha lets go!!!"

"Hoy! Kakapunas ko lang sa pawis mo eh!"

Paano ba naman, nagtatatakbo pababa sa hagdan! Iniwan ako?!

Nag ayos ako ng tuxido ko at inayos ang buhok ko. Iniligpit ko ang gamit ko at inayos ang salamin bago bumaba.

Pagbaba ko, nasa loob na ng sasakyan si Anne at nagmemake up. Tss... Girls...

"Bat ang tagal mo?! Naku naman eh!"

"Relax Anne! Inayos ko lang ang gamit ko."

"Hayst!"

Iniligpit niya ang make up niya at lumapit sakin. Inayos niya ang buhok ko at tinanggal ang salamin ko.

"Anne! Malabo!"

"Eh mas bagay mo yan eh!"

"Anne..."

"Fine! Oo na."

Ibinalik niya na ang salamin ko at umupo ng maayos.

"Troy, picture tayo."

Humarap na kami sa camera at ngumiti. Actually, nagpapicture lang ako kay Anne at sa school lang, kung magpapa Id or Graduation.

Nakarating na kami sa Venue at agad namang tumakbo si Anne papunta sa pinto. Bago pa niya buksan ang pinto, hinatak niya ako at inayos ang itsura ko. Inayos niya rin ang suot niyang Maroon cocktail at ang buhok niya. Binuksan na niya ang pinto at nagsitinginan ang mga bisita namin. Dumiretso kami sa isang table para mag attendance.

"Troy, Anne. Masyado pang maaga ah?"-Mommy

"Paano ba naman kasi Mom, si Anne kasi excited."

"Eh tita Nervia, naeexcite lang po ako kasi ito ang first branch ng Royalty Caff here in the Philippines! Eh lahat ng branch ay nasa Africa, New Zealand, USA, at Mexico!"

"Hahahaha naku anak. Oh siya, nandoon na ang mother and father mo."-Mommy

"Yey! Hahaha tara Troy! Thanks Tita Nervia!"

Tumakbo na naman kami papunta sa table nina Tita Minerva at Tito Ricardo, parents ni Anne.

"Good eve po Tito , tita."

"Good eve anak. Saan pala si Pare Milandro?"-Tito Ricardo

"Ah, on the way na po siguro. Sinundo niya po sina Lolo at Lola."

"Ah ganun ba? Salamat anak. Anne?! Bakit ganyan ang itsura mo?!"-Tita Minerva

"Paano ba naman tita. Eh masyadong excited pumunta rito kaya takbo rito, takbo roon. Di ko po lalo natapos yung assignment ko."

"Kasi naman Mom, gusto ko bago magsimula ang program, nandito na ako."

"Hay naku anak. Naabala mo pa si Troy. Kung gusto mo pala pumunta rito ng maaga edi sana hindi ka na nagpaiwan sa bahay nina Troy."-Tito Ricardo

"Eh gusto ko sabay kami eh."

"Hay, ewan ko sayo nak! Mag ayos ka ng itsura mo! Mukha ka ng basang sisiw!"-Tita Minerva

Nagpout si Anne at natawa na lang ako. Hinila niya ako at pinaghintay sa harap ng cr. Naku! Ayaw kong ganito eh!

"Ano, ok na itsura ko?"

"Oo. Mukha ka ng tao. Halika na nga! Libutin natin itong place para naman alam natin ang pasikot sikot dito."

Naglakad na kami ni Anne habang inililibot ang mga mata sa buong venue.

Anne...

"Tingnan mo Troy oh! Ang ganda nung fountain!!"

"Parang di ka naman nakakakita ng Fountain ah."

"Che! Puntahan natin dali! Picture tayo!"

Naglakad kami papunta sa fountain at pinicturan ang fountain. Hinila ko rin si Troy para magpicture. Umakbay siya sakin tsaka ngumiti. Then,click! Ang ganda!!!! Hahahaha best pic evah!!!

"Bumalik na tayo. Magsisimula na ang Program."

"Sige, baka kasi hinahanap na rin tayo nila mommy."

Pabalik na kami, hindi ko na hinawakan ang kamay niya, medyo naaabuso ko na ata eh. Medyo lumayo na rin ako ng unti at tumahimik.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papalapit sakanya. Kaya napaharap ako sakanya.

"Oh? Bat ka tumahimik kanina lang...... Bat ka nagblublush?" Sabay ngisi niya.

Biglang napadilat ako at napalingon sa ibang direksyon. Di ko kasi kayang takpan mukha ko dahil hawak niya yung isang kamay ko. Medyo mahigpit din kasi ang pagkakahawak niya.

"Hindi ako nagblublush medyo nahihilo lang ako at naiinitan. Balik na tayo baka kasi mag start na yung program, walang kwenta yung pagiging maaga natin di ba?"

"Sige, sayang din yung pagsantabi ko ng assignment ko di ba?"

"Che! Halika na nga! Oo na ako na tamad mag aral!"

Hinila niya na ako papunta sa table nina Mommy.

"Sakto, nandito na kayo. Magsisimula na ang program."-Tita Nervia

"Nasaan si Daddy?"-Troy

"Wala pa anak. Traffic eh."-Tita Nervia

"Mom, si ate Liana?"

"Di raw makakaunta eh. Busy masyado sa paper works."-Mommy

"Troy, anak."-Daddy

"Yes ho Tito?"-Troy

"Sigurado bang hindi kayo ng anak ko?"-Daddy

"Po?!"-Troy/Me

"What? Kasi, masyado na kayong close. At may holding hands pa."-Daddy

"Daddy?!"

Bigla namin binitawan ang kamay ng isat isa tsaka lumayo.

Nagtawanan lang ang parents namin. Kami? Nganga! Bakit kasi tinanong pa ni Daddy eh!

"H-hindi po tito."-Troy

"Bestfriends lang kami Daddy!"

"Ok fine! Hahahaha!"-Daddy

Nagtawanan sila ng nagtawanan at nakatingin pa sila samin. Argh! Buset -_-

Tumingin ako kay Troy. Nakatingin siya sa floor at... Nagbablush?!

"Hoy bat ka nagbablush diyan?!"

"Nakakahiya lang kasi eh! Sa bagay, ikaw wala kang hiya."

"Che! At ako pa talaga ang walang hiya?! Magsama kayo ng sahig mo!"

Tumawa lang siya tsaka nagsalita na ang Emcee. Magsisimula na ang Program!!!

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon