Xlll

305 8 0
                                    

Troy...

Nakaupo kami sa isang bench dito sa park. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat.

"Ahm... Okay ka lang ba?"

"Okay lang naman ako. I-ikaw?"

Hindi ko gusto ang nangyayari... Parang nasasaktan ako...

"Mabuti naman. May sadya ka ba?"

"Meron... Ikaw."

Bigla niya na lamang hinawakan ang aking kamay.
Ramdam ko na parang may maling nangyayari sa mga oras na ito.

"Anong sadya mo?"

"Di ko alam... Gusto lang kitang makita..."

"Sa tagal na nating di nagsama, ngayon ka pa babalik kung kailan masaya na ako?"

Ramdam kong humigpit ang kanyang hawak sa aking kamay na tila'y nanginginig ito.

"Sorry..."

"Sorry? For what? For leaving me without any words? For hurting me like Im nothing to you? For keeping secrets na dapat ay alam ko?"

"Sorry dahil binale wala kita... Sorry dahil nagpakamartir ako... Sorry kung iniwan kita..."

"Sorry is not enough, Anne. For goodness sake you made me insane!"

Nakita ko ang pag nginig ng kanyang mga balikat. Dahan dahan niyang binitawan ang aking mga kamay at ipinantakip niya ito sa kanyang mukha.

"Ginamot ko ang sugat na natamo ko sayo Anne... Na kasama si Star na kahit ano mang nangyari ay hindi ako iniwan."

"Alam ko, Troy... Alam ko..."

Muli niyang pinunasan ang kanyang mga luha bago tumingala sa langit at nagbuntong hininga.

"I know it's not easy to forgive, Troy. I know it hurts you a lot. But Love is the traitor here. Love made me a martyr. Love set us apart. Love hurt us. Love... Love broke us..."

"But if you really want to be with me, LOVE will be our strength, not our catastrophe..."

Dahan dahan siyang lumingon sa akin at tinitigan sa mga mata. Makikita mo ang lungkot at sakit na kanyang nadarama.

Oo, galit ako sa kanya. Hindi dahil sa hindi niya ako mahal, kundi dahil sa pambabale wala niya sa akin noong mga panahong siya lang ang pinagkukuhanan ko ng lakas. Nagagalit ako dahil sa paglilihim niya sakin na isang beses ko lamang ginawa sa kanya, ang paglihim ng tunay kong nararamdaman para sa kanya. Nagagalit ako dahil trinato niya ako na parang wala lang ang pinagsamahan namin. At nagalit ako dahil nagbago siya simula ng makilala niya si Jacob.

Kahit na galit ako ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya  bilang kaibigan. Nandyan pa rin ang care ko sa kanya kahit na napakatagal niya akong iniwasan. May pake pa rin ako sa kanya.

Hindi sa mataas ang pride ko. Sadyang nasaktan lang ako ng husto. Sino ba naman ang hindi masasaktan sa ginawa niya? Pero kahit gaano man kasakit ang ginawa niya, still, she's my bestfriend. Kahit na iniwan niya ako, kaibigan ko pa rin siya. Simula pa lang nung mga bata pa kami ay nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwan. Ituturing ko siyang prinsesa na aalagaan ko at puprotektahan.

"I'm really sorry, My Prince... I'm really sorry..."

Pinunasan niya ang kanyang huling luha bago tumayo at umalis... Pero bago pa man siya makalayo ay hinawakan ko siya sa braso tsaka siya niyakap.

"Na miss kita, My Princess... Subukan mo ulit akong bale walain, iuuntog kita."

At muli kong narinig ang tinig ng kanyang halakhak. Niyakap niya rin ako ng napakahigpit.

"Once na umalis ka, wala ka ng babalikan okay? Okay lang sa akin na maging boyfriend mo si Jacob pero sana sinabi mo sa akin noon pa lang na nililigawan ka na niya. Alam mo bang masakit yung ginawa mo? Iniwan mo lang ako para sa kanya."

"Hindi na mauulit Troy, Promise."

Niyakap pa niya ako ng mahigpit at isiningit ang kanyang mukha sa aking dibdib.

"Kamusta na pala kayo ni Star?"

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at muling naupo sa bench.

"We're okay naman. Actually we're in a relationship."

"Wow naman. Kaya pala wala na yang glasses mo."

Napatawa na lang ako sa sinabi niya.

"How about Jacob? Di ka ba niya sinasaktan?"

"Ahm, hindi naman. He always give me his time at kung busy naman siya, bumabawi siya sa akin."

Hindi ko maintindihan pero parang napakalungkot ng kanyang tinig. Batid kong may nangyaring hindi maganda sa kanila.

"Okay lang ba kayo?"

"Okay lang naman."

"Eh bakit ka malungkot?"

"It's just... Ahm, nagtatampo lang ako sa kanya. Tsaka okay lang, maliit na bagay lang naman."

Pinaglaruan niya ang kanyang mga daliri at tinitigan niya ito.

"Maliit nga bang bagay?"

"Y-yeah..."

Napabuntong hininga na lamang ako. Kung ayaw niyang sabihin, I'll give her time.

"Remember what I've told you? Kapag may nanligaw sayo, ililigaw ko siya. But this time, kung sinaktan ka niya, mawawala na siya."

"Troy talaga, di ka pa rin nagbabago. You're still my prince."

"'Cause I promised to you. Ang promises, tinutupad. Hindi pampaengganyo lang."

Narinig ko ang kanyang halakhak na parang walang taong nakakarinig dito sa amin. Baliw pa rin talaga itong babaeng ito.

"Napaka matalinghaga mo pa rin talaga Troy."

Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang buhok.

"Troy!!! Ano ba!!!"

Hanggang ngayon pala ay inis na inis siya kapag ginugulo ko ang kanyang buhok.

Humalakhak ako ng humalakhak hanggang sa nainis siya sa akin at kinurot ang ilong ko.

"Ouch! Ang sakit nun ah!"

Kiniliti ko siya ng kiniliti hanggang sa napagod siya at sumandal sa balikat ko.

"Namiss kita Troy... Sobra..."

"Namiss din kita, Anne. Huwag mo na ulit gagawin yun ah?"

"Opo. Hindi ko na gagawin yun."

Niyakap niya ako bago kami umuwi sa bahay.

Bagong pagkakataon, bagong istorya. Nang dahil sa pagmamahal bilang kaibigan, handang mag patawad. Aayusin ang lahat, walang sekretuhan. Magiging masaya ng walang iniinda...

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon