Troy...
At ngayong araw na nga kami pupunta sa resort nina Jacob. Hindi ko pa rin tanggap na kasama namin ang babaeng ito.
"Star!!! Excited na akong makapunta sa resort nila! Ang tagal ko na ring hindi nakapag bakasyon eh."
"Same, Joana. Ah, si Kevin pala?"
"Susunod na lang daw siya."
Pinutol ko ang kanilang usapan upang sabihing kami'y aalis na.
"Mag-ingat kayo sa daan mga pamangkin. Bantayan niyo yang si Joana hay... Napakatigas ng ulo niyan."-Tita Kiza
"Opo Tita, kami na po bahala sa babaitang ito."-Star
Nagtawanan lang sila at halatang gigil si Joana kay Star. Dont you dare touch her. Ako makakalaban mo.
Habang nasa byahe kami ay nagkwekwentuhan lang ang dalawang mag pinsan. Ang galing din talagang umarte nitong si Joana no? Akala mo eh walang masamang plano para sa amin.
At ng sa wakas ay nakarating na kami sa resort, agad namang lumabas ang dalawa at dinamdam ang sinag ng araw.
"Sa wakas at makakapag langoy na rin!"-Joana
"Napakastressful kasi ng buhay kaya need natin ng ganitong bakasyon."-Star
Napabusangot ako ng narinig ko ang sinabi niya. So meaning nagdulot pa ako ng stress sa kanya?
Agad naman siyang lumapit sakin at hinalikan sa labi. Napansin niya sigurong napabusangot ako.
"Hi Star! Hi Troy!!!"
Agad na tumakbo papalapit sa amin si Anne habang si Jacob ay nakasunod lang sakanya.
"Hi Anne! Namiss kita! Hello Jacob, by the way, Anne, si Joana nga pala. Pinsan ko. Hmm Jacob, kilala mo naman na si Joana di ba?"-Star
"Yep, its nice to see you guys."-Jacob
"Hi Anne, Im Joana. Nice to meet you."-Joana
"Nice meeting you too Joana."-Anne
"Guys, ilapag niyo muna yung mga gamit niyo sa mga kwarto niyo para makapagpahinga na rin at ma enjoy ang vacation."-Jacob
"Salamat Jacob."
"No prob bro."-Jacob
Pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto at nagpahinga.
Nakahilata ako sa aking higaan ng biglang may kumatok.
"Hi Troy."
"Anong ginagawa mo rito?"
"Grabe, ang cold mo naman..."
Pumasok siya sa aking kwarto at naupo sa aking kama
"Ano bang gusto mo ha?"
"Gusto ko?" at humalakhak siya ng malakas.
"Gusto ko lang namang mapasakin si Kevin."
Tumayo siya at inilibot ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto.
"Mapapasakin naman talaga dapat siya eh. Kung hindi lang dumating ang hinayupak na Star na yan."
"Dont call her like that, Joana."
"Blahblahblah whatever! Tatawagin ko siya sa kung anong paraan ang gusto ko! She's my freakin cousin anyway. And this is my fuckin mouth!"
"Your mouth is dirty as your personality, Joana."
Nakita ko ang panggigigil sa kanyang mga mata.
"Cant wait to see you both suffering. Just wait and see..."
BINABASA MO ANG
From Best Friends To Sweet Couple
RomanceMinsan, hindi mo maiiwasang mainlove sa bestfriend mo. Dahil sa closure, moments, at tiwala sa isat isa, may isang mafafall at isang lilisan. Dahil pag nangyari ito, masisira ang relasyon nila pati na ang friendship nila. Mababago ang lahat ng meron...