XXX

280 6 0
                                    

Star...

"Hi Tita! Musta na po?"

"Pamangkin! Namiss kita!"

"Ako ba namiss mo o si Troy?"

"Ikaw syempre pamangkin!"

Naku ang lakas mambola ng Tita ko ah.

"Sabi na nga ba't hindi mali ang narinig kong boses eh."

"Hey Joana!!!"

Agad akong tumakbo at yumakap sa kanya. Sa lahat ng pinsan ko ay siya ang pinaka-close ko. Siya lang naman kasi yung malapit dito eh.

"Musta na insan kong bitchesera?"

"Maganda pa rin as always!"

"Mandiri ka naman sa sarili mo please."

"Bakit, maganda naman ako ah?"

Nakita ko ang pagsulyap niya kay Troy.

"Oh, may bisita pa pala tayo ah."-Joana

"Yes. He's Troy Hance Montellano, Star's boyfriend."-Tita Kiza

"O-oh really? Di ko inaasahang magkakaboyfriend ka pa!"-Joana

"Ano ako, pangit? Duh di ako katulad mo."

"Ichosera. By the way, I'm Joana Ramirez, Star's beautiful cousin."

"Duh, maganda ka? Maganda ka?"

"Of course! Mas maganda ako sayo."-Joana

"Ahm, nice to meet you, Joana."-Troy

At nagshakehands sila. Baliw talaga tong pinsan ko. Ang saya sakalin.

"So, anong sadya niyo rito?"-Tita Kiza

"Mag i-stay lang po sana ng tatlong araw dito. Nakakasawa na doon sa bahay Tita eh."

"Nakakasawa rin naman mukha mo ah?"-Joana

"Shatap Joana mamata (laki mata)! Maganda ako."

"Nagsama na naman ang magpinsang akala'y magaganda sila."-Tita Kiza

"Ipagtanggol mo ako Ma! Anak mo ako!"-Joana

"Mana ka sa tatay mong pangit."-Tita Kiza

"I hate you Mama."-Tita Kiza

"Dont worry anak, I hate you too."-Tita Kiza

Ang sweet talaga ng mag-nanay na ito -_-

Dinala kami ni Tita Kiza sa aming magiging kwarto.

"Pagpasensyahan niyo na mga pamangkin. Iisa lamang ang available na kwarto sa aming munting pamamahay." At nakakapit na naman siya kay Troy.

"Okay na po ito Tita. Salamat."

"O sige, iwanan ko muna kayo ha? Magluluto lang ako ng tanghalian natin."-Tita Kiza

"Salmat po Tita."-Troy

Bumitaw na siya kay Troy at saka lumabas ng kwarto bago niya isara ang pinto.

"Sa sahig na lang ako matutulog mamaya."

"Tabi tayo Mahal. Baka malamigan likod mo diyan."

Lumapit siya sakin at yumakap sakin.

Biglang bumukas ang pinto namin kaya nakita kami ni Joana na magkayakap.

"Gosh, my eyes."

"Arte mo Joana. Wala ka lang love life eh."

"Che! Pangit mo."

"Tsaka usong kumatok."

"Sorry po Ms. Star baliw. By the way, Troy, nakapasyal ka na ba dito sa baranggay namin?"

"Ahm, hindi pa eh. Balak nga namin ni Star mamasyal mamaya."

Nakita ko ang paglukot ng mukha ni Joana at sinabing "Okay, maybe next time pwede na" bago siya umalis.

"Anong meron sa pinsan mo,  Star?"

"Ewan ko sa babaeng yun. Nababaliw na naman ata."

Napatango na lamang si Troy bago mag ayos ng gamit.

Anne...

"Sweetie, bakit ang tagal mo naman atang maligo?"

"Sorry Sweetie, m-masakit kasi yung... yung puson ko."

"H-huh? Bakit? Okay ka lang ba Anne?"

"Okay na ako Jacob. A-ahm... Sweetie, pwedeng paabot saglit?"

"Ng ano?"

"Ng... Napkin... Hays!"

At narinig ko ang tawa ng walang hiya kong Boyfriend. Di ko alam na may dalaw pala ako ngayon.

"Saan dito Sweetie?"

"Sa ano... Argh di ko na maalala! Basta hanapin mo dyan nilalamig na ako!"

"Okay okay! Chill sweetie."

Ang tagal naman! Para na akong tanga dito sa loob ng cr -_-

"Oh sweetie."

Binuksan ko ang pinto, sapat na para makalabas ang kamay ko at maabot ang napkin bago isara muli ito.

"Thanks Sweetie."

"I found it under your pink undies."

"JACOB!!!!"

At narinig ko ang nakakabwisit niyang halakhak. Argh!!! Bakit ko ba nilagay doon?!

Pagkalabas ko ng cr at nakita ko siyang nakaposing habang nakahiga sa kama. Malawak ang ngisi sa mga labi habang kumikinang.

"Anong tinitingin tingin mo diyan?!"

"Wala naman." With matching ngisi.

"Kahit hindi mo sabihin, alam. Maligo ka na nga!"

Narinig kong muli ang paghalakhak niya hanggang sa makapasok siya sa cr. Arrggh!!! Nakakainis!

"I saw a napkin, under the pink panty! Lalalalala!"

At aba! Kumanta pa ang loko!

"I took a look at it and its cute cute cute!"

"Manahimik ka na nga dyan Jacob Noel Sarjento!!!"

At humagalpak ng tawa ang gago. Pasalamat talaga siya at mahal ko siya.

Naagaw ang atensyon ko ng nagvibrate ang akin phone. A message from Star.

From Star:
        Hey Anne! We're here ni Troy sa Tita ko. Stay muna kami ng three days here bago tumuloy dyan. Ingat sa inyo! Have a nice day! :)

To Star:
       Oh sige. Ingat din sa inyo diyan :)

Nang ilapag ko ang aking cellphone ay saktong kakalabas din mula sa banyo ng lalaking ubod ng kamanyakan.

"I saw a nap---"

"Stop Noel... Its not funny."

"---kin under the pink undies!"

"STOP YOU LITTLE TITS!"

At ako naman ang natawa sa itsura niya!

Agad naman siyang lumapit sakin at inihiga sa kama. Dinaganan niya ako at kiniliti. Nang mapagod ay ipinatong niya ang kanyang noo sa aking noo at tumitig.

"I love you so damn much Anne... You're mine, only mine sweetie."

And he kiss me passionately. I smiled.

I love this boy too. The man of my dreams. My everything...

Napakasaya ng turing sa atin ngayon ng tadhana. Kaya nakakakaba ang sususnod nitong hakbang...

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon