Star...
To Troy:
Punta tayo ng park, Mahal.From Troy:
What Time Mahal? Nandito kasi si Anne ngayon sa bahay eh.Oh... Okay na pala sila ni Anne? Kailan pa?
To Troy:
Ah ganun ba? Sige daan na lang ako diyan.From Troy:
Are you sure? Sunduin na lang kita?To Troy:
No need na Mahal. Ang laki laki ko na haha. Sige I'm on my way na. See yah.From Troy:
Sige Mahal. Mag ingat ka.Ilang minuto ko pang tinitigan ang phone ko pero di pa rin siya nag rereply ng "Padangat ta kang maray". Dati rati naman kahit anong topic namin sinasabi niya sa akin iyon. Hay... Mukhang nakalimutan na agad ako ni Troy. Ni " I love you" di ma reply-
From Troy:
Padangat takang Maray, Mahal ko.Okay, I'm wrong. Mahal niya talaga ako! (Landi ko talaga!)
Agad akong naghanda at dumiretso kina Troy.
Anne...
Nanonood kami ng movie ni Troy ng may biglang nag doorbell.
"Ah, ako na mag bubukas Troy."
Binuksan ko ang pinto at nakita ko sa gate si Star...
"H-Hi Star... Nice to see you again."
"Nice to see you again too."
"P-pa-sok ka..."
Pumasok naman siya at dumiretso kay Troy. Bumeso siya bago umupo sa kanan ni Troy. Umupo na rin ako sa kaliwa ni Troy.
"Anong Movie yan Mahal?"-Star
" Space between Us Mahal."-Troy
Okay, I think, Im out of place...
"What time pala tayo papasyal sa Park?"-Troy
" Di na lang Mahal. Let's watch that movie. Mukhang maganda di ba Anne?"-Star
"A-ah oo naman."
Nanood lang kami ng movie at saktong naubusan kami ng kinakain.
"Magluluto lang ako ah."-Troy
Tumayo siya at dumiretso sa kusina. This moment is awkward...
" Musta ka na pala Anne?"
"Okay lang naman. K-kayo ni Troy?"
"Okay lang din naman. Parang dati lang pero ngayon, we're in a relationship na hehe."
"Ah..."
"How about you and Jacob?"
"Were... Okay..."
"Are you sure? May problem ba?"
"Ahm. Maliit lang na bagay."
"I'm willing to listen..."
"Ah kasi--"
"Anong meron?"-Troy
Nagulat na lang ako sa pagsulpot ni. troy sa harapan namin.
" A-ahm... Kasi--"
"Wala Troy, girls talk Haha!"-Star
Hoo! Thanks for saving me Star...
Ayoko kasing malaman niyang may problem between me and Jacob. Alam ko kasi ang mangyayari...
" Since malapit ng matapos yung movie, saan niyo gustong mamasyal?"-Troy
"Ikaw Anne. Saan mo gustong mamasyal?"-Star
"Ahm... Mall?"
"Pwede rin. Kunin ko lang yung susi ng sasakyan ko."
Umakyat na sa taas si Troy at naiwan na naman kami ni Star dito.
"So... Ano pala problema?"-Star
Akala ko pa naman nakalimutan nila na yung kanina.
"Ahm... Let's say na... We're cool off?"
"What?! Bakit humantong sa ganyan?"
"Di ko rin maintindihan Star eh. May something na kulang sa akin kaya humingi ako ng space from him."
"Nahanap mo na ba ang " kulang" na hinahanap mo?"
"Oo naman..."
Ngayon, nahanap ko na talaga ang kulang sa buhay ko. Pero hindi ko masasabi na babalik na ako agad agad kay Jacob.
"Ano naman?"
"Hindi Ano, Star. Sino..."
Nakita ko ang pagtataka sa kanyang ekspresyon.
"Kayo... Kayo ang kulang. Troy at ikaw, Star. Ang mga kaibigan ko ang kulang. Hindi ko kayang mabuhay ng wala kayo. Lalo na si Troy... Na Bestfriend ko..."
Star...
Kaya pala nandito siya...
Hinahanap niya ang presensya, lambing, ngiti, at pasensya ni Troy. Hinahanap niya ang bestfriend niya.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Saya, takot, at kaba. Masaya ako dahil masaya siya at naalala niya pa kami. Natatakot dahil baka bumalik ang nararamdaman ni Troy kay Anne. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari.
"Thank you dahil... H-hindi mo ako inaway."
"Bakit naman kita aawayin?"
"K-kasi... Sinaktan ko si Troy at... At naging boyfriend ko pa yung Ex mo..."
"Don't worry Anne. Wala na yun no. Past is past. Naka move on na kaming dalawa ni Troy ngayon kaya okay na ang lahat. Maging kontento na lang tayo sa kung anong meron sa atin ngayon."
Nakita ko ang ngiti sa kanyang mga mata at nakaramdam din siya ng pagkaginhawa.
"Thank you for accepting me again."
"Walang anuman Anne. Ikaw pa ba?"
Nagtawanan kami at sabay na niyakap ng napakahigpit ang isa't isa.
Hinawakan ni Anne ang kamay ko at tsaka pa nangamusta kung ano na bang stage ng pag-iibigan namin ni Troy.
"Stage? Ano yan cancer? Hahaha!"
"I mean kung ano na Status niyong dalawa ngayon! Kainis ka rin no?"
"Pasensya na Anne. Baliw lang talaga ako. Nasa punto na kami ng buhay namin na kapag di kami nagkita sa isang araw ay namimiss na namin agad agad ang isa't isa."
"Meaning super deep na ang love?"
"Yeah haha."
Nagtawanan pa kami at natigil na lamang ito ng bumaba na ng hagdan si Troy.
"Mukhang masya kayo ah?"-Troy
" Syempre naman! Nandito na ulit si Anne eh."
"At okay na tayong lahat."-Anne
" One of the memorable moments. So, lets go na?"-Troy
"Lets Go!"-Me/Anne
Lumabas na kami at sumakay na sa sasakyan.
Forgiveness leads us to a better relationship. We should learn how to forgive. But we should always remember that It is easy to forgive, but it's hard to forget.
BINABASA MO ANG
From Best Friends To Sweet Couple
RomanceMinsan, hindi mo maiiwasang mainlove sa bestfriend mo. Dahil sa closure, moments, at tiwala sa isat isa, may isang mafafall at isang lilisan. Dahil pag nangyari ito, masisira ang relasyon nila pati na ang friendship nila. Mababago ang lahat ng meron...