XVll

371 6 0
                                    

Troy...

"Good morning Mahaaaaaaaaaaaaaal!!!!!!!!!"

Nagising ako ng biglang sumigaw si Star at pumaibabaw sa akin.

"Gising na!"

"Argh, sakit ng ulo ko..."

"Hang over."

Inabot ni star ang baso na may lamang juice sa mesa.

"Dapat inumin mo to."

Umalis si Star sa ibabaw ko at hinayaan niya akong umupo. Inabot ko ang baso at ininom ang laman.

"Feeling better? Wait, dito na lang tayo magbreakfast para di ka na mahirapan."

"By the way Mahal, sinong naghatid satin dito?"

"Hinatid KO kayo. Buti na nga lang eh hindi ako nagpakalasing ng todo dahil alam ko na ang mangyayari."

"So wise, my love."

Kinindatan niya ako bago lumabas ng kwarto. Sakit pa rin ng ulo ko. Ihihiga ko muna.

Inabot ko ang phone ko sa mesa at binasa ang message ni Mom.

From: Mom
     Good morning anak. Ipinaalam ka pala ni Star kagabi na dyan ka matutulog. If may Hang over ka, uminom ka ng gamot okay? I know Star will take care of you naman. Have a nice day swretie :)

I'm so glad to have these girls. They're so sweet. Wala na akong hahanapin pang iba...

Nakita kong dala dala ni Star ang pagkain namin. Inilapag niya ito sa mini table na katabi lang ng kama at inihanda ito.

"I love you, Mahal ko."

Tumingin siya sakin at ngumiti.

"I love you too, Mahal ko. Kain na tayo?"

"Mamaya na."

Hinila ko siya kaya napahiga siya sa kama at niyakap ko siya. Yumakap na rin siya sa akin at tinitigan ako.

"So lucky to have you, My love. Panghabang buhay na ito... Sana mukha mo na lang lagi ang nakikita ko pagkagising sa umaga. Nahuhulog at nahuhulog ako sayo araw araw, bawat oras, bawat minuto. Walang labis, walang daplis."

Natawa siya ng marinig niya ang salitang "daplis".

"Kung pwede lang kitang pakasalan ngayon na mismo, ginawa ko na."

"Ano ba yan Mahal. Corny ka na hahahahaha."

"Sayo lang ako corny, Mahal."

Natawa na lang siya at yumakap pa ng mahigpit. Siningit niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

Mga ilang minuto pa kami nakahiga bago kami kumain.

"Sino palang nagluto? Di ba hindi ka marunong magluto?"

"Yup, pinaluto ko kay Dad bago siya pumasok sa trabaho. Nagpaturo na rin ako parang maipagluto naman kita."

"Nakakahiya naman kay Tito naabala ko pa siya."

"Its okay lang naman Mahal. Siya nga yung nagsabi na siya daw ang magluluto for us."

"Ganun ba? Sige, babawi na lang ako sa inyo. I love you, My love."

"I love you too, My love."

And I kiss her lips.

Anne...

Argh! Hangover's really sucks!

"Yan, inom pa more anak. Oh, heto. Inumin mo para mawala yung sakit ng ulo mo."

Ang lakas ko talaga kay Mommy. Akalain mo yun, di ako pinagalitan ng todo kahit uminom ako.

Ininom ko ang ibinigay sa akin ni Mommy at inihiga ulit. Ang sakit talaga...

From Sweetie:
        Good morning to the prettiest and sweetest sweetie in the world. Alam kong may hangover ka kaya mag pahinga ka lang. Uminom ka ng gamot para mawala. I miss you, bumalik ka na sakin.

Agad naman akong nakaramdam ng lungkot at pagsisisi. Di ko alam sa sarili ko kung bakit kailangan ko pang makipag cool off kay Jacob eh. Ang tanga mo self!

"Hmm, hulaan ko kung sino yang katext mo. Si Jacob ba?"

"Yup. A-ahm, sige po Mommy. Iiglip lang ako."

"Anak, di ka pa nag bebreakfast. Baka manghina ka niyan. Tsaka may examination ka pa di ba?"

"Mamayang 9:30 a.m. pa yung examination namin Mommy. Ang aga pa po. Bababa na lang po ako."

"Oh sige... Bumaba ka na lang ha."

Lumabas na ng kwarto si Mommy habang ako, tinititigan ang message ni Jacob. Tanga na ba ako nun? Yung taong nagmamahal sa akin ng lubos eh pinapalayo ko? Binabale wala ko? Sinasaktan ko?

Troy...

"Mahal, pagdating ng future, gusto ko pumunta tayo sa Paris!"

"Of course, as you wish My Love. I really want to travel the world with you and our children."

Nandito kami sa school campus. Hinihintay namin ang 9:30 a.m. para makapag take na kami ng examination. Wala kasing magawa sa bahay.

"Hey..."

And look who's here.

"Where's Anne? Di mo kasabay? O sadyang hindi mo sinundo?"

" She's sleeping pa. Masyado pa namang maaga eh. Don't worry, I'll fetch her later."

"Chill my Baby babes."-Star

" So, anong plano niyo?"-Jacob

"We'll just wait here and you should go and fetch Anne. Text her you're on your way."

Nagkibit balikat na lamang si Jacob at umalis.

"Bakit parang ang rude mo naman sa kanya Mahal?"

"Ewan ko, naiinis lang ako sa kanya. I don't know why."

"Para kang ewan Mahal. Tara kain na lang tayo."

"May napapansin ako sayo, ang jolly mo. Siguro meron k-".

" WALA! TARA NA KAIN NA TAYO! -_-"

Star...

At narinig ko ang malakas niyang halakhak. Arggh!!! Nakakainis naman eh -_-

"Halika na, bili na tayo."

Hinawakan niya ang kamay ko at tumungo sa cafeteria.

"Anong gusto mo? Mangga, malamig na softdrinks, ice cream or lumpia na may suka?" Sabay halakhak ng wala hiya.

"Troy! Iiwan kita dito! -_-"

Ngumiti lamang siya at umakbay sakin.

Umorder na lang siya ng fries, softdrinks, at sandwiches.

"Masyadong malamig yung softdrinks Mahal. Papalitan mo."

"Huh? Hayaan mo na lang mag defrost Mahal."

"Eh nauuhaw na ako eh."

"Just wait Mahal."

"Palitan mo na!"

"O-oo na! Papalitan ko na!"

"Sinisigawan mo ako ha?!"

"Hindi po. Papalitan ko na po yung softdrinks."

Tumingin siya sakin na kabado.

"Anong tinitingnan tingnan mo dyan ha?!"

"Wala po. Wala."

Yup, My Boy is endanger right now and that's because of me 😉

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon