XIX

287 8 5
                                    

Troy...

Nandito kami sa kwarto at nanunuod ng action movie. Nakasandal ako sa headboard habang si Star nakahiga at ginawang unan ang aking hita habang ginagamit ang kanyang cellphone.

"Mahal, nagugutom ako."

"Ano bang gusto mong kainin Mahal?"

"Kung ano man ang meron dyan, Mahal. Basta mabusog lang."

"Sige Mahal. Para di rin magutom si Baby."

"Anong Baby ka diyan?! Suntok, gusto mo?!"

Humagalpak ako ng tawa ng makita ang kanyang reaksyon. Napagtripan ko na naman ang Mahal ko.

"Hi Mom!"

"Oh, napaka hyper ng anak ko ah. Where's Star?"

"Nasa taas Mom. Nagugutom daw sila ng Baby namin."

Nangunot ang noo ni Mommy bago magets ang ibig kong sabihin.

"Ikaw bata ka ha, aral muna okay?"

"Opo naman Mom. Makakapag hintay pa ako sa ganyang bagay."

"That's my boy."

Ginulo ni Mom ang buhok ko bago siya naghanda ng makakain.

"Im here na Mahal."

Agad na naagaw ang atensyon niya at lumapit sa akin na may napakalapad na ngiti sa mga labi. Why so cute, My love?

Pinanood ko lang siyang kumain habang sinusubuan niya naman ako.

"Akala ko ba action movie ang gusto mong panuorin. Bakit ako yung tinititigan mo?"

"Iniimagine ko lang yung buhay natin pah kinasal na. Feeling ko action star ako. Baka kasi bugbog sarado ako sayo."

"Che! Ewan ko sayo."

Tumawa na lang ako at kinurot ang kanyang pisngi.

Pagkatapos niyang kumain ay humiga na rin siya sa tabi ko. Ginawa niyang unan ang aking dibdib habang nakayakap sakin.

"I love you Star."

Nakatingin lang siya sakin at ngumiti. Hinalikan niya ako sa lips, smack lang naman, then sabay kindat.

Pagkatapos naming manood ng action movie ay bumaba na kami at dumiretso sa kusina para ibalik yung pinagkainan namin.

"Hi Tita! Ang sarap po ng hinanda niyong merienda hehe."

"Hello anak. Hahaha syempre naman, para mabusog si Baby."

Kumindat si Mom sakin at...

"Tita naman eh! Pati ba naman kayo?"

At napuno ng tawanan dito sa bahay. Napaka cute talaga ng Mahal ko...

"Bat nakasimangot ka?"

"Ikaw kasi eh, pinagtitripan mo ako. Pati si Tita dinamay mo."

Nandito kami ngayon sa mall at naglalakad lakad. Nakaakbay ako sa kanya habang siya naman ay naka sibangot.

"Ikaw naman parang hindi mabiro haha. Ice cream tayo?"

Tumingin siya sakin sabay kiss niya sa ilong ko. Sabi na nga ba't ice cream ang sagot eh.

At ngayon, naka yakap na siya sakin habang naglalakad. She's really cute!!!

"Mahal, gusto ko sanang magbakasyon kay Tita Kiza. Sa bagay malapit naman na ang mahal na araw."

"Kina Tita Kiza talaga? Di ka ba natatakot?"

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon