lX

320 7 2
                                    

Troy...

Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula nung araw na nag away kaming apat at nung araw na pinakilala ako ni Star sa kanyang Ama. Napakasaya ko nung araw na iyon. Kahit papaano ay nakalimutan ko kahit sandali ang mga ala-alang pumupunit ng aking puso. At sa isang buwan na iyon ay marami na rin kaming nagawang ala-ala ni Star.

"Oh anak. Bakit di ka pa tulog?"

"Maaga pa Mom. 7:30 pa lang."

"Eh Bakit hindi na pumupunta dito si Anne? Napakatahimik na ng bahay natin."

"Baka busy lang siya Mom."

"Busy ba o... Nag-away kayo?"

Sasabihin ko ba?

"Busy talaga siya Mom. Sinabihan ko kasi na mag-aral siya para tumaas pa ang grades niya."

"Ah... Okay."

Nginitian ako ni Mom bago umalis dito sa room ko.

Bling!!!

Sino naman to?

*Unknown Number*

Musta ka na? Okay ka lang ba?

Huh???

Hindi ko nireplyan ang text na nagsend sa akin. I dont talk to strangers.

*Riing!!! Riing!!! Riing!!!

"Hello?"

"Hey Troy! It's me, Star."

"Oh, Hi star. Napatawag ka?"

"Nakakaistorbo ba ako? Magpapasama sana akong mag libot libot eh."

"Di naman. What time ba?"

"Ahm, sunduin na lang kita."

"No need Star. Ganito na lang. Give me your address then ako na lang pupunta. Ahm, by the way. Ikaw ba yung nagtext sa akin kanina? Yung nagtanong kung okay lang ba ako?"

"Ahm, nope. Di pa naman kita tinetext."

"Ah ganun ba? Sige. Sunduin na lang kita."

"Oh, Okay. Thanks Troy."

"You're always welcome Star."

Napangiti na lang ako ng walang dahilan at dali daling naghanda.

"Oh Troy, saan ka pupunta? Mukhang excited ka ata ah?"

"Kay Star lang po Mom. Sige Mom, Bye!!!"

Agad akong tumakbo papunta sa kotse tsaka ito pinaandar bago umalis.

Sa mahigit isang buwan naming pagsasama ay mas nakikita ko ang pag uugali niya. Napakaganda.

Hindi ko inaakalang may gusto pala sakin si Star. Yep, may gusto siya sakin.

Flashback...

Nandito kami ngayon sa isang fast food chain.
Ang tagal ng order namin.

"Troy?"

"Yes?"

"May sasabihin sana ako."

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon