Troy...
"So, paano kayo nagkakilala ni Star?"
Naputol ang katahimikan dito sa hapag kainan ng nagtanong si Joana.
"Ahm, nakilala ko siya sa Canteen. Nilapitan niya ako dahil baguhan pa lamang siya sa school namin."
"Eh paanong naging kayo?"-Joana
"Ay wow ha, hinuhusgahan mo ba kami?"-Star
"Hindi naman. Nagtatanong lang no."-Joana
"Naging kami dahil mahal namin ang isa't isa. Naging kami dahil minahal ko siya higit pa sa meron sakin. Nandyan siya always. Walang mintis niya akong inalagaan. Mahal niya ako at mahal ko siya."
"Ah, okay. That's good. Stay strong." At nakita ko ang nakakalokong ngiti ni Joana. Hindi ko nagugustuhan ang ugali niya.
"Ahm, Mahal... Saan pala tayo pupunta mamaya?"
"Siguro sa palengke? Marami kasing street foods doon, nakakamiss kumain ng street foods."- Star
"Pwedeng sumama? May bibilhin din kasi ako sa palengke."-Joana
"Ano namang bibilhin mo dun? Kakapalengke lang natin kahapon ah?"-Tita Kiza
"Basta Ma, may nakalimutan ako."-Joana
Hindi ko talaga gusto ang babaeng ito. Though pinsan siya ni Star, ayoko pa rin siya. Parang may karisma siyang hinding hindi mo magugustuhan.
Pagkatapos kumain ay nag volunteer si Star na samahang mag hugas si Tita Kiza. Pumunta ako sa sofa at umupo. Inilabas ko ang aking cellphone para icheck ang aking social media.
"Hi Troy."
Umupo sa tabi ko si Joana at idinikit sa akin ang kanyang hinaharap. Agad naman akong tumayo at ibinulsa ang cellphone ko.
"Anong sadya mo?"
"Gusto ko lang makipag kaibigan." Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ngumiti.
"Sorry, I have a lot of friends already." Tsaka bitaw sa kamay niya. Sabi na nga ba eh...
"Hmm, di na ba pwedeng sumingit?"
"Hinding hindi. Excuse me."
Agad akong umalis sa harap niya at dumiretso sa kwarto. Naabutan ko si Star na nag aayos ng kanyang mga gamit. Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likuran.
"Hmm, Mahal. May problema ba?"
"Wala naman. Namiss lang kita."
Humarap siya sakin at ipinatong ang kanyang mga braso sa aking balikat.
"Mahal na mahal kita."
"Alam ko."
"Wala man lang respond?"
Agad akong sumimangot ng hindi siya nagrespond. Humalakhak siya at yumakap sa akin ng mahigpit.
"Kahit hindi ko naman sabihin, ramdam mo naman di ba?"
"Oo, pero gusto kong marinig."
Naramdaman kong tumawa siya kaya mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.
"Mahal na mahal na mahal din kita, Love."
"Talaga ba?"
"Oo naman. Nadala mo kasi ako sa "say yes, and I'll court you forever" mo eh."
Natawa ako sa sinabi niya at hinalikan siya sa noo.
Napag desisyonan naming matulog muna dahil maya maya pa kaming alas-kwatro aalis ng bahay para mag libot.
BINABASA MO ANG
From Best Friends To Sweet Couple
Roman d'amourMinsan, hindi mo maiiwasang mainlove sa bestfriend mo. Dahil sa closure, moments, at tiwala sa isat isa, may isang mafafall at isang lilisan. Dahil pag nangyari ito, masisira ang relasyon nila pati na ang friendship nila. Mababago ang lahat ng meron...