X

350 6 3
                                    

Troy...

"Troy!!!"

Napangiti ako agad agad. Nandito na siya.

"Yes Mahal Ko?"

"Che! Ikaw ah! Umagang umaga eh."

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Pasok na tayo?"

Sabay kaming pumasok ng classroom. And as usual... Busy na naman si Anne sa phone niya.

Nang makaupo na kami ay agad kong kinausap si Star.

"How's your sleep?"

"Ahm, di makatulog."

"Why? Something's bothering you? Or... SOMEONE..."

"Yeah, it's SOMEONE. It's you."

Napangiti ako at kinurot ko ang kanyang ilong.

Ginugol namin ang oras sa pag-aaral. Napakaraming gagawin. Baka mawalan ako ng time sa family ko at kay Star.

"Ihatid na kita."

"No need na, Troy."

"Bakit no need na? May maghahatid na ba sayo?"

"Naku tampo pa more. Sadyang mapapagod ka lang kaya wag na. It's better to give yourself a rest."

"But before that, let me ask you."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

"Can I court you?"

"Wh-what?!"

"Can I court you?"

"Seriously? I thought last night was a--"

"Last night was not a dream. It's all true."

"Y-you don't love her?"

"I moved on, so you should. Sa ilang buwan nating nagsama unti-unti na kitang minamahal. So this time, let me be the one to mend your heart."

"Eh paano na yan? Ngayon pa nga lang gusto na kitang sagutin eh."

Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata na nagbibigay ligaya sa akin.

"But, still, I'll court you."

"Pinayagan na ba kita?"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Joke lang! Ito naman! Oo na po!"

Agad niya akong niyakap at sabay halik saking pisngi.

"Bye bye Troy! See you tomorrow!"

"Bye Star! Text me when you arrive."

Sumakay na siya sa isang taxi at hinintay kong mawala sa aking paningin ang sasakyan bago umalis.

Pagkapasok ng bahay ay agad akong dumiretso sa garden para humalik sa aking Mommy.

"Oh, nandito ka na pala anak."

Ngumiti siya sakin at hinawakan ang aking kamay.

"Someone caught your heart. Am I right?"

"Yes Mom."

"So it means, magkaka girlfriend ka na?"

Natawa ako sa sinabi ni Mom. Makikita mo ang excitement sa kanyang mukha.

"Maybe Mom. Wish me luck."

"Such a silly boy. And who's the lucky girl?"

"It's none other than... Star Manansala."

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon