Troy...
"Star..."
Lumapit ako kay Star ng dahan dahan. Nasa rooftop kami ngayon. Tinitingnan ni Star ang mga estudyante mula sa ibaba.
"Bakit... Bakit ganun? Maganda naman ako, mabait, maalaga... Pero pinagpalit pa rin?"
Nanatili akong tahimik sa likuran niya. Ipinamulsa ko ang aking mga kamay.
"Ok lang sana kung... Kung paghiwalayin kami ng tadhana, basta may magandang pag uusap, may buong kalooban, at may pagtatanggap..."
Nakita kong nanginginig ang kanyang balikat, tanda na siya'y umiiyak...
"Kanina... Nung nakita ko sila... Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakita ko na siya, o magagalit ako dahil kasama niya si... Si Anne..."
Nakita kong bumuntong hininga siya at pinunasan ang kanyang mga luha.
"Troy, kung ikaw... May mahal tapos... Ipinagpalit ka lang sa iba... Anong mararamdaman mo?"
"Syempre... Masasaktan din."
"Hay..."
Lumapit ako sa kanya at tumingin sa mga estudyanteng nagsisi uwian na.
"Hindi man ako ang pinili niya. Hindi man ako ang minahal niya. Dahil mahal ko siya... Magpaparaya ako..."
"Ganun na lang ba sayo yun Troy? Madali lang ba yun sayo?"
"Hindi. Hindi madaling magparaya lalo na't mahal mo pa siya. Pero kung talagang masakit na, oras ng bumitaw at magparaya..."
Natahimik kaming dalawa. Naramdaman ko ang patak ng aking luha sa aking pisngi. Hinayaan kong umagos ito na parang pagpapalaya ko kay Anne...
"Sana makayanan ko..."
Tumingin ako sa mga mata ni Star at makikita mo ang lungkot dito. Nilapitan ko siya at niyakap. Yumakap din siya sa akin at isinandal ang ulo niya sa aking dibdib at umiyak. Hinagod ko naman ang kanya g likod upang tumahan siya.
"Everything will be ok..."
Pinili na lang naming tumingin sa kalangitan at panoorin ang paglubog ng araw.
-----
Araw ng sabado ngayon kaya walang pasok. Wala ring magawa rito sa bahay at tahimik.
Ayoko ng tahimik sa ngayon dahil maaalala ko na naman ang mga nangyari kahapon. Ayoko ng masaktan. Mahal ko siya at handa akong magparaya para sa ikasisiya niya. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagbabago ng ugali niya ng dahil sa pag ibig. Nagiging martir na siya at handa niyang ibigay ang lahat para lang sa mahal niya...
*knock! Knock! Knock!
"Pasok ho."
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Manang.
"Apo, may nag hahanap sayo. Nasa sala siya ngayon."
"Si Anne po ba."
"Hindi eh. Sige Apo, siputin mo na yung bisita mo at ako ay maghahanda ng merienda niyo."
"S-sige po..."
Akala ko naman si Anne na. Nakakamiss din kasi yung mga araw na magkasama kami, yung nakikitulog pa siya dito sa bahay, yung nanghihiram ng shirt kong malaki sa kanya, at yung pagkain niya ng Peanut butter with Toasted bread.
Bumaba ako ng hagdan at nakita ko agad si...
"Star?"
"Good morning Troy."
BINABASA MO ANG
From Best Friends To Sweet Couple
RomanceMinsan, hindi mo maiiwasang mainlove sa bestfriend mo. Dahil sa closure, moments, at tiwala sa isat isa, may isang mafafall at isang lilisan. Dahil pag nangyari ito, masisira ang relasyon nila pati na ang friendship nila. Mababago ang lahat ng meron...