XXXIII

159 4 5
                                    

Star...

Ano bang nangyayari sa lalaking to at sunod ng sunod?

"May problema ba Troy?"

"Wala naman. Gusto lang kita laging kasama."

"Ang landi mo na naman ha."

"Atleast, sayo lang."

"Che, porket sinabi ko lang na mahal kita, bati na tayo?"

"Mahal naman. Di ka pa rin na niniwala sakin?"

"Abay malay ko!"

Tinalikuran ko siya bago lumabas ng bahay para magpahangin. Ito talaga ang gusto ko sa probinsya eh, yung sariwa ang hangin, tahimik... Pwede kang makapag isip isip...

"Hey bitch."

"Hey, bakit lumabas ka pa?"

"Eh ikaw bakit nasa labas ka pa?"

"Nagpapahangin lang Insan. Nakakamiss kasi yung sariwang hangin ng probinsya."

"Sa bagay, polluted na lugar niyo."

Sabay kaming napahalakhak ni Joana habang nakatingin sa kawalan.

"Ano palang nangyari kanina? Bakit parang nag away kayo?"

"Ah, si Troy kasi eh. Kanina nung umalis kami, habang kumakain kami may lumapit sa kanyang babae at ang sabi eh may nagpapabigay daw ng pag kain, galing sa isang babaeng parang karelasyon niya. Ewan ko ba kung paniniwalaan ko."

"Naku, grabe talaga mga tao nowadays no? Gagawa talaga ng paraan para makasira ng relasyon."

"Tama Jo, napakaraming handang magpaka martir para makasira ng relasyon."

"Pero Star, paano kung... totoo pala? What I mean is, natural na sa lalaki ang maattract pa sa iba, tsaka hindi naman oras oras eh magkasama kayo di ba?"

Napaisip ako sa sinabi ni Joana. May point siya, di naman maiiwasan yun eh.

"Pero hindi kasi siya yung tipo ng lalaki na kayang manloko ng babae. A-ako nga yung first girlfriend niya eh. Tsaka nerdy boy siya dati..."

"Hmm, always remember insan. People change. Sige, pasok na ako insan. Good night."

Bumeso siya sakin bago pumasok sa bahay. Bigla akong kinabahan...

Hindi kaya nagbago na si Troy? No no no NO.... hindi siya nagbago, hindi siya manloloko at hindi niya ako iiwan.

Sa sobrang lalim na ng pag iisip ko ay napatili na lang ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran.

"Shhhh... Mahal ako to..."

Agad akong napabuntong hininga...

"Bakit ang lalim lalim ng iniisip ng aking mahal?"

"Wala..."

"Iniisip mo na naman yung kanina no? Naniniwala ka ba talaga sa kanya Mahal? Kasi nasasaktan na ako..."

Niyakap ko ang kanyang mga braso na nakayakap sakin at isinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib.

"Promise me Troy na hindi ka mag babago. Hindi ka maghahanap ng iba, na hindi ka---"

"Shhh...... Promises are meant to be broken... hindi ako mag propromise dahil mas pipiliin ko pang gawin, kesa mangako. Ikaw lang ang Mahal ko..."

Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sakin kaya hinigpitan ko rin ang pagyapos sa kanyang mga braso.

Sa puntong ito, maniniwala ako sayo, Mahal ko...

Joana...

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay napahalakhak na lang ako ng napakalakas. Yan ang hirap sa mababait eh, madali silang maniwala. Mga uto uto..

Ewan ko ba kung bakit masyadong mabait yang si Star, eh iniwan naman siya ni Tita. Sa bagay, Daddy's girl ang isang yon. Bakit ba kasi kailangang agawin niya si Kevin sakin? Eh sa mas maganda ako sa kanya, mas mabibigay ko kailangan niya, may kabaitan naman ako pero nawala ng dahil sa babaitang yun.

And speaking of Kevin, kino-contact ko na siya ngayon.

"Hi Kevin! Its me, Joana."

"Hey Joana, napatawag ka?"

"I just want to invite you sana na magbakasyon doon sa resort nina Jacob. Dont worry, sinabi ko na kay Jacob and he said na free na daw tayong dalawa."

"Ahm... tignan ko muna sched ko ha? Si Dad kasi may pinapaasikaso sa company namin. Alam mo na, kahit college student pa lang ako, tinetrain na agad ni Dad."

"Oh, okay. By the way, nandito pala si Star--"

"Star? Anong ginagawa niya dyan? Kamusta naman siya? Dyan na ba siya titira?"

Ayan na naman si Lover boy, naexcite ng narinig ang pangalan ng bitchesera.

"Kasama niya yung boyfriend niya, actually kasama sila doon sa pagbabakasyon kina Jacob."

"May boyfriend na pala siya.... wait, okay na ba sila ni Jacob?"

"Yes, okay na sila. Friends na ulit." Duh

"Okay... oh, by the way, karereceive ko lang ng text mula sa secretary ko, free ang sched ko this bakasyon. Baka naawa sakin si Dad at nastress na ako masyado dito."

Kunwari pa eh, di ka talaga pupunta kung hindi ko sinabing nandito ang bwisit kong pinsan.

"That's Good! See you then."

"Yeah see you, thanks."

"You're always welcome, Kevin." And i dropped the call.

Feeling ko talaga mananalo ako this time. Ireready ko na ang sandamakmak na tissue para iregalo ko sa pinsan kong talunan...

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon