XXXII

235 11 3
                                    

Argh... hindi ko alam kung bakit namanhid ang buo kong pagkatao. Gustuhin ko mang maniwala sa kanya ngunit may nagtutulak sa aking baka totoo ang sinasabi ng dalaga.

Siguro'y kailangan ko lamang ng oras para maintindihan lahag ng bagay.

"Mahal..."

Naramdaman ko ang pag galaw ng kamang aking hinihigaan. Nakatalikod ako sa kanya at hindi ko siya kayang harapin...

"Naniniwala ka ba talaga sa kanya, Mahal?"

"Hindi ko alam Troy."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago niya hinaplos ang aking buhok.

"Alam mo namang hindi ko kayang gawin sayo yun di ba? Nerdy boy lang ako, hindi chick boy."

"Tsss. Tigilan mo nga ako Troy."

"Mahal naman... Hindi ko alam kung paano nasabi ng babaeng iyon ang mga ganung bagay. Ikaw nga first kiss ko eh."

"Malay ko bang second siya?"

"Mahal naman, hindi naman ako papayag na hahalikan ng iba ang labi ko. Sayo lang to eh."

"Paano ko malalaman yun Troy? Kasama ba kita lagi ha? O baka totoo yung sinasabi nung babae na may condo pa kayo Troy?"

"Walang totoo sa sinasabi niya, Mahal. Lahat kasinungalingan Mahal. Si Anne nga lang yung kaibigan kong babae eh. At alam mo yun Mahal."

"Paano kung siya nga yun Troy? Hindi malayong mangyari yun di ba? Kasi may gusto ka sa kanya noon pa. Malay ko kung bumalik na yung nararamdaman mo? O di kaya'y hindi naman nawala?"

"Star, Mahal... Hinding hindi ko gagawin ang mangloko Mahal, lalo na ang gawin kang panakip butas. Mahal kita Star, totoo yan. At hinding hindi namin magagawa ni Anne ang mangloko dahil alam mo namang patay na patay si Anne kay Jacob di ba? Tsaka patay na patay ako sayo. Sayo lang ako Mahal. At akin ka lang."

"Bahala ka na nga dyan Troy."

"Ikaw lang ang aking mahal. Walang labis, at walang duda."

"Di ba, walang kulang yun?"

"Walang duda, kasi purong puro ang pagmamahal ko sayo kaya hinding hindi ka mag dududa. Sayo lang ako Star. At akin ka lang Mahal ko."

"Wag mokong dinadaan sa matatamis mong salita Mahal" sandali akong napaisip at ngayon ko lang narealize na natawag ko siya sa endearment namin at ngayon ko lang narealize na... Hindi ko natitiis ang lalaking ito.

"Troy ang sinabi ko."

"Parang hindi yan yung narinig ko eh? Paulit nga ako Mahal?"

"Troy naman ang sinabi ko- Che!!! bahala ka dyan!"

Agad akong tumayo sa kinahihigaan ko at lumabas ng kwarto habang rinig na rinig ang tawa ng loko. Nadulas ako dun ah -_-

Ako yung tipo ng babaeng madali lang mapaniwala, pero once na niloko at nasaktan, wala ng balikan pa.

Troy..

Ang  cute talagang magalit ni Star pero hindi naman magagalit sakin kung hindi dahil sa babaeng nagpabigay ng pagkain. Wala naman akong ginagawang kasalanan eh. Wala rin akong maisip kung sino ang-- , Joana...

Letse talaga ang babaeng yun. Subukan niyang paghiwalayin kami ni Star. Kahit babae pa siya, papatulan ko.

Lumabas ako ng kwarto para sundan si Star pero nakita ko si Joana na may dalang juice at sandwich at nakangiti sa akin.

"Troy! Nagugutom ka na ba? Oh, merienda ka muna."

"I dont have time for that. You should eat that one. Hindi ako gutom at hindi ko kakainin yan. Mas mabuti pang ikaw nanlang ang kumain, baka mabago pa ang pag uugali mo. Excuse me."

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon