Vlll

302 5 2
                                    

Anne...

Mahigit isang buwan na mula noong mangyari ang pag aaway naming apat. Kamusta na kaya sila ngayon?

"Jacob, saan tayo pupunta?"

"Let's have a dinner date. I really missed you. Lagi kasi akong busy eh kaya it's time to have a quality time for my love."

He's always sweet to me. Hindi ko maisip na sa iba ako sumasama para makipag date. I'm really inlove with this cutie brad.

Pinagbuksan niya ako ng pinto para makalabas. Agad niyang hinawakan ang akin kamay at sabay kaming pumasok sa restaurant.

Inalalayan niya akong umupo bago siya umupo.

"What do you want to order?"

"Ikaw na ang bahala."

Nag order na siya bago humarap sa akin at hinawakan ang kamay.

"I'm really lucky to have you."

"Me too. Ang saya ko dahil hindi ka pa rin nag babago. Lagi kang bumabawi kung nawawalan ka ng time sakin. I love you."

"I love you too."

Ngumiti siya akin at inangat ang aking mga kamay upang halikan ito.

Dumating na rin ang aming inorder kaya kumain na kami.

Simula noong naging kami, hindi ako nawawalan ng ngiti sa mga labi. He always makes me happy. He always makes me feel like I'm his Queen...

Every sunday, bumibisita siya sa bahay para makisabay sa amin papuntang church. Ang tawag niya na nga kay Mom at Dad, Mommy and Daddy na eh.

Alam ko na kung bakit nainlove talaga si Star kay Jacob. He's very generous at malapit sa mga  bata.  He has a beautiful eyes.

"Hey, malalim ata ang iniisip mo?"

"Iniisip ko lang kung bakit ka napunta sakin."

"Because you deserve me and its because I love you. Kahit tumanda man ako, ikaw pa rin. Kahit na mag iba ang itsura mo, ikaw pa rin. Kahit nasaan ka, ikaw pa rin. Kahit na tinotopak ka, ikaw pa rin. Kahit pabilihin mo ako ng libo libong napkin at panty liners diyan, ikaw pa rin."

Natawa ako sa sinabi niya. Pero in fairness, ang cute niya, nakakakilig.

"Talaga?"

"Yes po. Ikaw lang at wala ng iba."

Inangat ko ang akin kamay at hinaplos ang kanya mukha. Hinawakan niya rin ang kamay ko na nasa kanyang pisngi at pinakiramdaman ito.

Then suddenly, the music caught my man's attention. He ask me if he can take this dance with me. Syempre, alangan namang aayawan ko ang taong mahal ko?

Ipinatong niya ang aking mga kamay sa kanyang balikat at ipinulupot din niya ang kanyang mga braso sa aking balakang.

"You're always beautiful my dear. Hindi ko ineexpect na... Na mapapasakin ka... Akala ko hindi mo ako mapapansin."

"Ikaw na nga ang nagsabi, di ba? Na kaya ako napunta sayo because you love me and and I deserve you. Naniniwala akong, we're meant for each other. Jacob, hindi ko alam kung paano pa mabubuhay kung mawawala ka sakin."

Tumulo ang mumunting luha na nangilid sa aking mata. Nakita ko ang matatamis na ngiti na nagmula sa taong nagbigay ng kulay sa aking buhay.

"Hinding hindi ako mawawala sayo, Anne. Basta't ipangako mong ako lang. Ako lang ang mamahalin mo." Pinunasan niya ang aking pisngi at hinaplos ito.

"Pangako, Jacob. Ikaw lang..."

Yumakap ako ng napakahigpit at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Ito na siguro ang isa sa pinaka masayang araw ng aking buhay.

Habang magkayakap ay patuloy pa rin sa pagsayaw at sa kalagitnaan ng pagsasayaw ay naaninag ko ang dalawang taong nagsasayaw habang may ngiti sa mga mata.

Pinagmasdan ko lamang sila at agad akong nagtaka ng makita ko ang gulat sa mukha ng isa sa mga nakita ko. Naluluha ngunit masaya.

At ngayon, magkayakap ang dalawa habang sumasayaw. Bigla na lang akong napa isip...

Anong meron? Bakit parang may kakulangan akong naramdaman bigla sa buhay ko?

Natigil ang pag iisip ko ng hagurin niya ang aking likod.

"Upo na tayo?"

"Sure..."

Naglakad kami papunta sa aming table at muling naupo. Sumulyap akong muli sa dance floor ngunit wala na sila.

"May hinahanap ka ba?"

"A-ah... Wala. May nahagip lang yung mata ko."

"So, saan mo gustong pumunta ngayon?"

"Ahm, I think sa park. I want to spend my time with you habang di pa masyadong busy."

"Sige. Sakto may blanket ako diyan. Lets go?"

"Sure."

Lumabas na kami ng restaurant at hindi ko na muling nilingon ito. Hindi ko alam kung namimilik mata lang ba ako. Basta, ayaw kong maguluhan ngayon. Ang mahalaga, magkasama kami ni Jacob.

Nandito kami sa park, nakaupo at nakatingala sa kalangitan.

"Jacob, paano kung dumating sa punto ng buhay mo na... Mawala ako sayo..."

"Alam ko namang hinding hindi yan mangyayari."

"Pero paano nga pag nawala ako?"

"Hahanapin kita. Kahit saan, hahanapin kita. Kahit mawala lahat ng meron ako, hahanapin kita."

"Bakit?"

Alam ko naman kung anong isasagot niya. Pero ngayon, gusto ko muling marinig ito sa kanya.

"Dahil mahal kita. Ikaw ang buhay ko. Hinding hindi magiging ganito kasaya ang buhay ko kung wala ka. Gagawin mo rin ba yun para sakin?"

"Oo naman. Mahal kita. At hindi ko nakikita ang sarili ko na kasama ang iba. Sayo lang ako, Mr. Jacob Noel Sarjento."

Nakita kong kumislap ang kanyang mga mata sa aking sinabi. At sa ilalim ng buwan, naramdaman ko ang kanyang mga labi sa akin.

From Best Friends To Sweet CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon