CIM.01 - Ripped Jeans

177K 3.7K 446
                                    

The Consunji Leisure Park and Hotel had gone through many changes for the last eight years. Tandang-tanda ko pa ang unang beses kong pagtapak dito – I was full of dreams and hopes, pero iba na ngayon. I am full of anger and my soul is screaming for revenge and justice.

Dumiretso kami ni Laigo sa main building kung saan makikita ang opisina ni Achiless Sanz Consunji – Vejar. Yes, I like addressing him that way dahil sa ganoong paraan naaalala ko na may relasyon siya sa taong sumira ssa buhay ko at kumuha sa pangarap ko.

"We have an appointment with Mr. Achilles Vejar." I heard Laigo. Ngumiti ang babae sa amin at iginiya kami sa opisina ni Achilles Consunji Vejar Pagpasok sa loob ay nakita ko na hindi iisang tao ang naroon. Dalawa sila – magkamukha. I realized that I was facing the Vejar Twin Towers. Si Apollo at si Achilles.

"Mr. Mora. Napaaga ka!" The man in the gray suit which I guessed was Achilles Vejar greeted me. Mukhang hindi naman ako nagkamali. Kinamayan ko siya. He turned to his brother – he was wearing a black shirt and rugged jeans. Mukhang magulo din ang buhok niya. I smiled at him too.

"That is my twin brother, Apollo Vejar. Apollo, si Mr. Gonzalo Mora, siya ang ka-meeting ko ngayon. He's supposed to be the supplier of our new sports equipment para sa bagong gym natin sa loob ng Dormitorio de Fabian.

"Nice to meet you, Mr. Mora."

"Please, call me Gonzalo."

Nagtanguan silang dalawa.

"So, shall we start the meeting?" I asked them. Naiinip na ako. Gusto ko nang simulant ang pagpapabagsak sa kanila.

"Yes, we can but we have a mass to attend to. If you want you can join us or you can just wait in the restaurant. Everything's on me."

Pinigilan ko ang pagkunot ng noo ko. They will be going to a mass? Hindi pwede ang demonyo sa simbahan, matutunaw sila. But then I realized na ibang breed ng demonyo ang mga Consunji at kaya nilang magkatawang tao para lang makapanakit.

"Sure. I'll join you." I smiled darkly. I want to see them burn alive while inside the church. Ganoon naman. Mga demonyo – iisa ang lahi, iisa ang pinanggalingan, lahat walang puso at walang kaluluwa.

Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa mga golf cart na naghihintay sa labas. Magkasamang sumakay ang kambal habang kami ni Liago ang magkasabay. Ilang ikot rin ang ginawa namin hanggang sa makapasok kami sa Cabin Area ng CLPH na tinatawag nilang Territorio De Consunji. Iyon ang lugar kung saan lahat ng cabin ay pag-aari ng nga kauri nila.

I was looking around. Getting myself oriented. Iba-iba ang hitsura ng mga cabins na iyon – magaganda, mukhang mamahalin at matibay. Dekalidad kung tutuusin pero alam kong sa bawat sulok niyon ay may anay na nagtatago tulad ng ugali nila.

Sa lahat ng cabin ay may isang kapansin-pansin sa akin. I asked Liago to stop the cart so I could look at that cabin near the Magnolia street.

Kakaiba dahil sa kulay nito. Red, black, and white... Parang iyong jersey uniform ko noong collage.

Biglay ay naikuyom ko ang mga palad ko. I was wearing a black gloves made of cloth. Panay kong suot iyon. I wasn't embarrassed of what happened to my hands, I just didn't want people to see the sign of my pain and agony.

Those scars, every broken bone in my hand signifies what that monster took away from me.

Finally we reached the church. I was kind of disappointed when I saw that it was just a garden with chairs, people and an altar. Hindi talaga simbahan na iniisip ko.

Everyone, I guess, were there. Mga Consunji. Nangangamoy lusak at pusali.

Pumwesto kamini Laigo sa likuran kasama ang kambal. Iniisip ko na pwede palang marunong magdasal ang lahi ng mga taong walang puso.

Crash into meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon