CIM.21 - Matters of the heart

93.4K 3K 335
                                    

                  

"Is it an open heart surgery?"

Nanginginig pa rin ang buong katawan ko habang nakaupo sa visitor's chair sa loob ng doctor's clinic. Good thing Uncle Hermes is already with me. Si Gonzalo ay nakaupo sa isang couch sa gilid habang nakikinig din sa mga sinasabi ng doctor.

"No. It's angioplasty. We are going to repair his arteries. Kung hindi kasi maagapa iyon, magra-rapture ang mga ugat niya sa puso – doon tayo magkakaroon ng open heart surgery kung saan kukuha kami ng veins sa binti ng pasyente or sa kahit saang parte ng katawan niya na may healthy veins at ipapalit sa mga raptured veins niya sa puso."

May ipinakita siyang 3d model ng puso ni Tatay. Ipinakita niya ang apat na damaged veins ni Tay at ipinaliwanag kung anong mangyayari sa kanya kung hindi siya maooperahan.

"Uncle, si Nay po?" Mahinang tanong ko.

"She's on her way. Nasaan ang Ate mo?" Hindi ako makasagot sa tanong na iyon. Hindi pa alam ni Uncle Hermes ang tungkol kay Ate Tel at Mon. I bit my lower lip. Muli ay nagsalita ang doctor sa amin.

They want to do the operation now. Si Tay ay nasa ICU. Hindi siya comatose but they had put him to sleep para hindi siya makaramdam ng kahit anong stress because anything will trigger his attack. May mga kasama siya sa loob ng ICU and they are taking extra care of him pero natatakot pa rin ako.

"Do everything you can to save him. Thank you, Doc." Tumayo si Uncle Hermes para makipagkamay sa doctor na iyon. Lumabas siya ng clinic ako naman ay sumunod na.

Si Gonzalo ay nakasunod sa akin. Habang naglalakad sa hallway ay nakahawak siya sa kamay ko.

"Stop shaking." He whispered to me. "Stop crying. Your father's doctor is very good." Sabi niya pa.

"How'd you know?" Tanong ko sa kanya. "Bakit? Naoperahan ka na ba? Pwedeng mamamatay ang Tatay ko tapos kasalanan ko. Sabi niya sa akin noon, I'm gonna be his biggest heart break – hindi ko naman alam na literal na mangyayari iyon." Napasinghap ako. "I broke his heart because chose to love you." My tears were falling. Hindi naman siya sumagot bagkus ay niyakap niya ako nang napakahigpit.

Lumayo ako sa kanya at lumakad para makasabay si Uncle Hermes. Pagdating namin sa family lounge ay naroon na kaagad ang Mama ko. I saw her and hugged her tightly. Naroon na rin si Ninang Cedes, Kuya Heph at si Eireen. Iyak ako nang iyak.

"H'wag kang umiyak." Nanay said. "Hindi pa mamamatay ang Tatay ninyo. Kapag namatay siya ngayon, bibigyan ko siya ng ibang dahilan para mamamatay talaga!"

"Bathseeba." Tawag ni Ninang. "It's okay. He's gonna be okay."

"Hindi siya pwedeng mamamatay. Hindi niya pa naaani ang bunga ng karma niya sa buhay!"

Natahimik ang lahat dahil basag na ang boses ni Nanay. Hinawakan niya nang napakahigpit ang braso ni Ninang Cedes.

"Nasaan si Ares? Kailangan ko siyang makita..." Nanay broke down. Lalo akong napasinghap. Kinuha siya ni Kuya Heph tapos ay pilit na pinakakalma. I sighed. Hindi ko kaya. Tapos hindi pa rin nila alam ang nangyari kay Ate. Naupo lang ako sa mahabang upuan doon at pinanood si Nanay na akay-akay ni Kuya papunta sa ICU. Si Nanay lang ang pwedeng pumasok roon.

I sat there thinking. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Mama Nina. Ang bungad niya sa akin ay darating daw si Mama Hera bukas ng umaga kasama si Uncle Hades. Pinipigilan ko lang talaga ang umiyak.

Naiwan akong mag-isa roon. Zalo was nowhere to be found. Kasalanan ko ito. Kung hindi ko sila ipinagpilitang kausapin ang isa't – isa. Hindi magkakaganito si Tatay.

Crash into meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon