Nagkulong ako sa kwarto ng gabing iyon. Iyak lang ako nang iyak. Bakit ba napaka-unfair ng mundo sa taong tulad ko? Ang sabi nila sa akin, mabait daw ako – that I don't possess the traits of a Consunji. I love my family but not because I love them, I have to deal with all their actions. Hindi ko naman kasi masikmura kung minsan ang ginagawa nila.
They are ruthless businessmen and women and they do everything just to get what they want. Madumi silang lumaro – matagal ko nang alam iyon pero hindi ko lang talaga maisip na pati si Tay ay kayang gawin iyon - ang sumira ng buhay ng ibang tao para lang makuha ang gusto niya.
It's so unfair.
"Mazikeen, we have to talk." It was him. Kahit na balot ako ng unan ay alam kong boses ni Tata yang naririnig ko. Ayokong makipag-usap sa kanya. Ni ayoko siyang tingnan. Ngayon ko naiisip ang mga bagay n asana ay mangyayari kung hindi niya ginawa iyon. Siguro ngayon, nakailang- MVP award na si Gonzalo. Siguro nakalaro na siya sa Olympics. Nabigyana na siguro niya ng karangalan ang bansa. Kung sana hindi niya iyon ginawa, Gonzalo is a different person now.
I hate it.
"Ayokong makipag-usap sa'yo." Imik ko. Naramdaman kong tinanggal ni Tay lahat ng unan na nakapatong sa likod ko at pilit akong tinayo. Napaiyak ko. "You can at least let me be alone! I don't want to talk to you! I hate you! You trashed my dreams away! You killed that part of me! You broke my heart!"
Sinampal ako ni Tay kaya lalo akong napaiyak pero sa totoo lang manhid na ang buong katawan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Sige! Sampalin mo ako! Kulang pa diba? Hindi ka pa masaya na sinaktan mo iyong lalaking minahal ko, kailangan masaktan din ako!" Inilapit ko iyong pisngi ko sa kanya. "Sige! Sampalin mo ako! Sampalin mo ako! Itakwil mo akong anak!"
"Oh baby..." He said. Bigla niya akong niyakap. Umiyak ako habang pilit siyang tinutulak paalis. Ayokong hawakan niya ako. "Mazikeen, I did that to protect you. I don't want to see you hurting."
"Why? Do I look like I'm not hurting now? Do I look like I'm happy?"
Hindi siya nakasagot. I sarcastically grinned at him.
"That's the point, person who calls himself my dad!"
Tumayo ako at umalis sa silid na iyon. Tumakbo ako pababa ng hagdan. Nakita kong naroon si Heph, si Ate Tel at si Mama Nina. She was crying habang nakatingin siya sa akin pero wala naman siyang sinabi. Si Uncle Hermes ay nasa may pinto. Lumabas ako pero sinundan niya ako.
"Mazikeen," Tawag niya.
"Please, ayoko pong makipag-usap sa kahit na kanino Kahit sa inyo..." Umiiyak na sabi ko.
"I know you're very disappointed with your father."
"Well that's the understatement of the year." I said. He laughed. Tinapik niya ang ulo ko tapos ay hinayaan akong umalis. Naglakad lang ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero alam kong dapat akong umalis ng CLPH. Masyado nang magulo sa lugar na ito. Puno ito ng galit at paghihiganti. Hindi ako makahinga, I need to leave.
Nagpatawag ako ng taxi. Sumakay ako doon. Hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta. Tinatanong din ako ng driver kung saan ako dadalhin pero hindi ako nagsasalitya hanggang sa nakarating na kami sa mismomg siyudad at umabot ang bill ko ng halos dalawang libo.
Nagpababa ako sa sakayan ng Genesis sa Cubao. Nagpasalamat sa akin ng driver. Tumayo ako roon ng ilang minuto hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa bus na papunta ng Bataan.
Umupo ako roon at humilig sa bintana at saka umiyak. I haven't been in Bataan for a long time. Huling uwi ko roon ay noong grade six ako. Bakasyon lang iyon tapos ay nakipaglibing kami dahil namatay ang Nanay Bulak nila. Dalawang linggi lang kami noon sa Bataan pero alam kong maraming magandang memories si Nanay noon at isa pa, hindi pa nababahiran ng kahit na anong dumi ng galit, paghihiganti o ng pagiging Consunji ko ang lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Crash into me
General FictionMazikeen Maia Consunji COURTED her high school crush. Yes, she was the one who courted him dahil naniniwala siya na kung maghihintay lang siya na siya ang ligawan ng crush niya ay walang mangyayari sa kanila. That's why she did everything para mapan...
