"Argh!"
Biglang may lumipad na libro pagpasok ko ng cabin na tinutuluyan ko. Masaki tang mga kamay ko kaya nagpunta ako sa infirmary ara ipatingin iyon. The doctor – Ave Maria Consunji – put bandage all over my hands and told me that she knew someone that can erase all the scars pero tumanggi ako.
Nakita ko si Harper na nakatayo sa gitna ng silid at nakapamaywang. Galit na galit ang mukha niya. Napansin kong may mga bag sa ibabaw ng kama. Kasama roon ang akin.
"We are leaving this place right now! Hindi ka bagay sa lugar na ito! Do you see yourself, Gonzalo? Pilit mo na namang inaabot ang imposible! We're leaving!"
"I'm not leaving." Mahinahong wika ko. Lalong nagalit ang ekspresyon ni Harper. Lumapit siya at sinampal ako.
"Ang kapal ng mukha mo!" She hissed. "Lumalambot na baa ng puso mo dahil sa babaeng iyon?! Tang ina, Gonzalo! Baka nakalimutan mo na ang ginawa ng Tatay niya sa'yo? Na alam niya kung anong ginawa sa'yo pero hindi ka man lang niya tinulungan! Nagpapakatanga ka na naman ba?! Iniyakan ka lang niya, nadala ka naman!"
"Hindi iyan totoo! Hindi niya alam ang ginawa sa akin ng tatay niya! Hindi siya iiyak nang ganoon kung alam niya! She's Mazikeen and everything about her is genuine!"
"Ang kapal ng mukha mo!" Napaiyak na si Harper. "Ang kapal mo! Iniwanan mo ako sa ere! Ako! Ako na kasama mo mula nang magsimula ka sa wala! Ako na karamay mo sa kabiguan at sa kama tapos naiyakan ka lang ni Mazikeen Consunji, nawala na sa direksyon ang utak mo!"
"Shut up!" I hissed at her. "Kung aalis ka, umalis ka. I don't care about you, Harper. Alam naman natin pareho kung bakit ka nandito ka. It's because of money. Ano pa bang gusto mo?"
"Ikaw. Pero masyadong abala ang mundo mo sa paghihiganti noon, kaya hinayaan kita, ngayon naman masyado kang abala kay Mazikeen. You promised me marriage, Gonzalo!"
"I was drunk!" Sinabi ko na ang totoo. Natigilan si Harper tapos ay kinuha niya ang mga gamit at umalis na. Hindi ko na siya pinigilan. I stood there looking at the nothingness of the room and enhjoying the silence.
Right now, I have no idea what to do next. All I know is that my heart beats fast whenever Mazikeen's around and that it breaks whenever she cries in front of me.
Dumiretso ako sa shower. I took a quick one and got out. Gusto kong magpahinga. Kung hindi lang tumawag si Achilles Vejar ay hindi ako lalabas ng bahay. Ang sabi niya ay na Marien Ville sila at niyaya niya ako para sa isang maliit na hapunan. Celebration ng pagkatalo nila sa basketball at ayon din sa kanya, naroon ang ilan sa mga players ko.
Agad akong nagbihis. I wore my favorite blue shirt and pants. Matapos iyon ay tinawag ko si Liago para samahan ako roon. He told me that Harper left already, wala naman akong kibo.
Narating namin ang Marien Ville. It was a place with so many restaurants and bars. Ang sabi ni Achilles ay nasa Red Base daw sila – nang naglalakad na kami ay naisip ko kung bakit red base ang tawag doon – sa red base matatagpuan ang bars, grills and sport clubs. Napakaraming tao doon.
"Sir, ayon po sila." Tinuro ni Liago ang kinaroroonan ng mga Consunji. Nasa isang bar sila na ang pangalan ay Casiel's.
I saw them, Apollo and his girl, Achilles and Alerica, Yael and Alyza, Perseus and Mazikeen – they are cousins so she's safe – katabi rin ni Mazikeen ang pamangkin niyang lalaki – si Yohan. I joined them.
"Good evening..." I greeted them. Mazikeen smiled.
"H'wag kang masyado." Narinig ko si Perseus.
"Ulol!" Sukat binatukan ba naman ni Mazikeen ang pinsan niya.
"Nasaan si Harper, Mr. Mora." Tanong ni Alerica.
BINABASA MO ANG
Crash into me
General FictionMazikeen Maia Consunji COURTED her high school crush. Yes, she was the one who courted him dahil naniniwala siya na kung maghihintay lang siya na siya ang ligawan ng crush niya ay walang mangyayari sa kanila. That's why she did everything para mapan...