CIM.24 - Reasons

91.8K 3.3K 571
                                        

           

"What happened to you, Tia?"

Iyon ang unang lumabas sa bibig ko pagbaba namin ng sasakyan ni Percy. Hindi naman siya umiiyak pero alam na alam kong hindi siya mapakali. We're close and I can read her like a book and this façade she's trying to sell to us won't work. I know her.

"Leave me alone, Mazikeen!" She yelled. I grabbed her arm. "Don't touch me! You had no idea what you did to me today! You have no idea what I feel!" Itinulak niya ako. Hinayaan ko naman na siya. Naiwan akong nakatayo sa may fountain sa harapan mismo ng mansion nila. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya kagalit sa akin – ginawa ko lang naman ang akala kong tama. Zalo needs help and I am trying my best to help him at alam kong si Tia lang ang magpapahina sa kagaguhan ng Eos na iyon pero mukhang lalo lang gumulo ang lahat.

"What the hell happened to your car, Percy?"

Napanganga lang ako at nawala sa iniisip ko nang makita ko ang pulang Jaguar F Type ni Percy na basag ang hood at sira ang side mirror. Nagkibit balikat lang siya. He was still wearing that ridiculous Joker costume.

"We're filthy fucking rich. I can buy one again tomorrow. Ino's gonna pick that up later. How's Uncle Ares?"

"Still breathing." I looked at him. "You look like death." His empty eyes met my gaze.

"I'm already... inside." He sighed. "Night, Ikeng. See you around."

"Pahiram nitong Ferrari mo!"

"Take whatever."

I left after that. Ang weird talaga ng mga tao sa bahay na iyon. Muli akong bumalik ng Metro at dumiretso sa unit ni Gonzalo. Natagpuan ko siyang may kausap sa phone habang may hawak na tasa ng kape. When he saw me, tinapos niya kaagad iyong tawag at bumaling sa akin.

"Where have you been?" Punong-puno ng pag-aalala ang boses niya. "H'wag kang aalis nang walang paalam – lalo na ngayon, Mazikeen!"

"I tried... but he's heartless..." Oo heartless siya – gagamitin ko ang salitang iyon kahit ma-bash pa ako dahil iyon talaga si Eos Demitri! He's heartless!

"Nagpunta ka kay Eos Demitri?" Kunot noong tanong niya.

"Yes. I brought Tia but it didn't do me any good. Nagkagulo lang lalo. I'm sorry. I really wanted to help you." Nagyuko ako nang ulo. Si Zalo naman ay lumapit sa akin. He made me look at him.

"You are the only thing I need right now." He said in a sincere and very truthful tone. "I love you, Mazikeen. Mawala man ang lahat ng ito, basta dito ka lang. Hindi naman mahala ito. Hindi rin naman ako natatakot magsimula ulit. You're bigger than everything else in my life... You are enough..."

Napaluha ako tapos ay niyakap ko siya nang napakahigpit. Hinagkan naman niya ako sa noo pagkatapos ay niyaya na niya akong mag-almusal. He cooked pancakes. Napansin kong habang kumakan kami ay panay ang tingin niya sa phone niya at habang tumatagal ay nawawala ang ngiti niya. Napapalitan iyon ng pag-aalala.

"Alright..." Bulong niya tapos ay tumingin siya sa akin. "We're going on a date today." Masayang sabi niya. Nagulat naman ako. Kakaiba ang ipinapakita niya ngayon sa akin sa dapat niyang maging reaksyon. He's losing everything he had worked hard for and yet he wants to go out today.

Ano bang tumatakbo sa isipan niya ngayon?

"Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

"Ikaw. Saan mo gusto? Gusto mo ba sa langit?" He asked me. He's being naughty again. I shook my head.

"Dito na lang tayo sa bahay. Mag-movie marathon na lang tayo. Miss ko na iyon eh." Wika ko pa. Isa pa kung mawawala kay Zalo ang lahat, mas maigi nang magtipid na kami sa ngayon pa lang.

Crash into meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon