Five months later...
"Hello, Tia!"
I put down the flowers that I bought earlier today in front of her grave. Inalis ko iyong mga lantang bulaklak doon. Araw-araw ay may bagong bulaklak si Eleithiya, araw – araw kasi siyang dinadalaw ni Kuya Apollo. Ang sabi ni Apollo, kung hindi daw siya naging mabuting kapatid kay Tia noong buhay pa ito ay susubukin niyang bumawi sa ngayon. He wasn't with her all the time in the past, ngayon daw ay susubukin niyang samahan araw-araw si Tia.
Sometimes he would text me just to tell me that Tia might be sad because she's alone but I know she's not. Siguro sa pagkakataong ito ay nasa isang loop na siya at masaya kasama si Eos Demitri. Their love was too much to handle on Earth, kaya siguro mas mabuting nagmahalan na lang sila sa kabilang buhay.
"Mama Hera's fine. She's getting well. May episodes pa rin siya pero palagi namang nandoon si Uncle. Hinahanap ka niya kung minsan..." I sighed again. Hinaplos ko ang pangalan niya. I miss her a lot. Siya pa rin ang isa sa pinakapaborito kong tao sa mundo.
"My hair is long and curly again..." Bulong ko. "And I wish you're here to see it. Plus I have a feeling Zalo's gonna propose tonight. Anniversary kasi naming tapos three months na kaming walang sex. Feeling ko iniipon niya lang para mabuntis na ako. Si Tatay, okay naman na sila ni Zalo. Nag-uusap. Tatay already apologized to him and his family. Ibinalik na rin ni Uncle Helios kay Zalo ang company niya... Tia... I wish you are here..."
My tears started falling again. Given the fact na wala na si Tia, hindi lang naman iyon ang nagbago sa buhay naming lahat.
Percy is in despair until now. Para bang naging napakasakit sa kanya ng pagkawala ni Tia. Naiintindihan ko siya. Alam ko ang nararamdaman niya. Si Kuya Achill nga lang yata ang standing still sa kanilang naiwan. May anak na si Kuya Achill ngayon, lalaki. Ang akala nga nila ay babae iyon kasi kung babae daw, Eleithiya ang ipapangalan nila. They named him Vulcan.
Si Apollo ay nasa Compostella kasama niya si Ate Wewe. Wala akong gaanong balita sa kanya dahil mula nang mawala si Tia lalong hindi na siya nagpupunta sa city.
Kung mayroon mang mabuting naidulot ang bagay na ito ay iyon ang pagkakabati ni Uncle Helios at Uncle Hades. Hindi na rin nialapitan ni Percy si Haley, finally natuto si Percy na igalang ang relasyon ni Theo at ni Hals.
Si Mama Hera, well she's Tia's mother. She's hurt but she's trying her very best to stand still and face reality. Ang pinaka-comforting na lang na sinasabi ni Mama Hera sa kanyang sarili at sa amin ay finally, nagkakilala na si Lola Mama at ang bunso niya. Finally, magkasama na si Apollo at si Eleithiya. Mama was so sure that Tia went to heaven. Hindi na lang ako kumibo.
Habang nakaupo ako roon ay ikinukwento ko kay Tia ang lahat ng nangyari sa akin sa mga nakalipas na buwan na wala na siya. Hindi naman nagtagal ay naramdaman kong hindi ako nag-iisa. When I looked back, I saw Lenos Demitri standing near the door, holding a bunch of pink roses for her. Ngumiti ako tapos ay inaya siyang pumasok.
"Sorry, I didn't want to disturb you." Magalang na wika niya.
"Okay lang. Paalis na rin naman ako. Magkikita kami ng boyfriend ko ngayon." I smiled at him. "Iiwan na kita."
"Thank you, Mazikeen."
"Yes. Ikaw, mag-ingat ka. Dalawa na lang kayo ni Uncle Helios. I'm sure, Eos wanted the two of you safe kahit ba one per cent lang iyon." Tumawa ako. Siya naman ay napailing. Paglabas ko ng mausoleum ay napansin ko ang isang katutak na bodyguards ni Lenos. Naiintindihan kong nag-iingat siya. The killer is still out there. Kung sinoman ang gusting mawala ang natitirang Demitri, they are very determined.
BINABASA MO ANG
Crash into me
General FictionMazikeen Maia Consunji COURTED her high school crush. Yes, she was the one who courted him dahil naniniwala siya na kung maghihintay lang siya na siya ang ligawan ng crush niya ay walang mangyayari sa kanila. That's why she did everything para mapan...
