"Sinabi ko naman sa inyo na idaan natin sa legal iyang lalaking iyan pero anong ginawa ninyo?"
Naabutan ko si Ate Tel sa infirmary na pinagagalitan si Apollo, Achilles at Hephaestus. Nauna ako kay Gonzalo kahit na gusto kong makipag-usap sa kanya dahil nag-aalala ako sa pwede pa nilang gawing tatlo.
Buwang kasi sila kapag magkakasama. Hindi pa nga sila kompleto, wala si Oliver, nasa Hong Kong yata siya. Baka naghahanap ng dirty pekpek doon.
"Hindi nga pwedeng idaan sa legal dahil ginago niya ang kapatid ko!"
"Eh kung tadyakan kaya kita, Hephaestus nang makita mo ang hinahanap mo?!" Sigaw naman ni Ate Tel.
"Tama na, please..." I said in a low voice. Doon lang sila natahimik. Hephaestus looked at me and sighed. Pinalapit niya ako sa kanya tapos ay ginulo niya ang buhok ko.
"May masakit ba sa'yo, Little Curly Tops?" He asked me. Umiling ako.
"Sa kanya maraming masakit." Biro ni Apollo na ang tinutukoy ay si Jake. Sinabunutan naman ako ni Ate Tel.
"Aray!" Daing ko.
"Ate!" Niyakap agad ako ni Kuya.
"Ang tigas kasi ng ulo mo! Sabi ko sa'yo h'wag kang inom nang inom dahil wala ka na sa America o sa Spain o sa New York. Delikado ang buhay dito, Mazikeen! Sana naman alagaan mo ang sarili mo, hindi iyang palaging ganyan?! Pang-ilan na ba iyan ngayong buwan na ito, ha?!"
Napanguso ako.
"Hindi ko pa ito sinasabi kay Nay pero kapag sinabi ko, lalo na iyang ginawa mo Hephaestus, naku! Titirisin kayong pinong-pino!"
"Ay naku, si Tel ang KJ!" Sabad ni Kuya Achill. Inirapan niya si Achilles tapos ay napabuntong-hininga.
"Babalik na ako sa cabin. Ayusin ninyo iyang gulo ninyo."
Ate walked out. Pag-alis niya ay kaagad akong binitiwan ni Kuya Hephaestus.
"Dapat hinayaan mo na ako na wakasan ang pangarap ng taong iyon para naman matuto siya ng leksyon."
Umiling ako. "Binugbog ninyo na siya diba? Hindi pa ba kayo masaya? Ang unfair – unfair niya. Hindi naman dapat ganyan. Bakit ninyuo aalisan ng pangarap iyong tao? Do you even have any idea how much he worked hard to reach for his dreams? Wag ganoon, very wrong kayo doon. Tapos kapag nakita ninyo siyang hindi na makagulapay dahil nga sa ginawa ninyo, how will you feel about yourself? Will you be happy? Huh?!"
Hindi sila nakakibong tatlo.
"Hindi naman kailangan panay kayo ang dominante. Kailangan ninyo rin namang isipin kung anong mangyayari sa inaagrabyado ninyo. Just because you can do something, gagawin ninyo!"
"Ang high blood mo." Wika ni Kuya sa akin. Bigla ay napakunot ang noo niya. Nakatuon ang tingin niya sa aking likuran. I looked back and I saw Gonzalo standing behind me. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal nakatayo doon. I swallowed.
"Sino naman iyan?" Kuya Heph asked me.
"Siya si... uhm Gonzalo Mora." Sabi ko. Naningkit ang mga mata niya. Walang ano-ano'y sinugod niya si Zalo at inambaan ng suntok pero masn mabilis si Zalo, nakasuntok agad siya kaya lalong nagalit ang kapatid ko. Pinigil siya ni Apollo at ni Achilles.
"Ang gago mo! Nandito ka na naman?! Ano? Gagatasan mo na naman ang kapatid ko?! Hindi ka pa ba masaya noon? Kulang pa ba?! Gago! Gago! Tang ina, bitiwan ninyo ako! Sasaktan ko ito!"
"Shut up!" I hissed at him. "This is my life and I will let people I want in my life! Wala kang sasabihin doon, Hephaestus! You don't have power over me, so shut up!"
BINABASA MO ANG
Crash into me
General FictionMazikeen Maia Consunji COURTED her high school crush. Yes, she was the one who courted him dahil naniniwala siya na kung maghihintay lang siya na siya ang ligawan ng crush niya ay walang mangyayari sa kanila. That's why she did everything para mapan...