CIM.05 - Oh Zalo!

106K 3.4K 358
                                    

"I'll be leaving. Babalik na lang ako kapag nasa kalagitnaan na ang construction noong gym."

Ngumiti ako kay Achilles Vejar. Nakaupo kami sa loob ng opisina niya. I needed to leave right away because I need to set my priorities straight again. Para bang habang nagtatagal ako dito ay nakakalimutan ko ang dahilan ng pagpunta ko ngayon.

"I will be sending Liago back from time to time to check on things."

"Walang problema, Mr. Mora. It's nice doing business with you." He smiled at me. Nagtanguan kaming dalawa. Matapos iyon ay umalis na ako sa opisinang iyon ay sumakay sa kotse pabalik ng hotel. Liago have fixed my things. Aalis na lang talaga kami - ako.

I sighed. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin dahil sa tuwing nakikita ko si Mazikeen ay para bang nagugulo ang mundo ko. Hindi dapat magulo ang mundo ko.

"Sir, alas nuebe nang gabi tayo makakabalik sa Metro. Tumawag po ang Mama ninyo at kinakamusta kayo."

"Sige, tatawagan ko siya mamaya." Wika ko. "Bumalik na tayo sa hotel. We need to leave this place immediately." I took a deep breath. Nakabalik kami sa hotel at dumiretso agad ako sa silid. Naroon si Angela at nag-aayos.

"Are we gonna have dinner now, Gonzalo?" She asked me.

"Have dinner by yourself, Angela." Malamig na wika ko. "Nagmamadali ako. I need to leave this place." Hindi ko na siya hinintay magsalita. Mabilis pa sa kidlat na lumabas ako sa silid na iyon. I can't stand this place. Everything here screams Consunji and it's bad for my judgment.

Sa ilang araw na itinagal ko dito, nagkaroon ng lama tang platado ko nang mga plano. I don't know what's with Mazikeen and her tears but it's penetrating right through me and it's not good for me.

"We have to move, Liago." Wika ko nang masalubong siya. Agad siyang sumunod sa akin. We rode the elevator. I'm barely breathing. I need to get out of here. Paglabas ko ng elevator ay halos takbuhin ko ang sasakyan nang bigla ko na lang marinig ang boses ni Mazikeen na tinatawag ako.

"Zalo..."

I automatically stopped.

"Pwede ba tayong mag-usap?" She asked me. Nasa likuran ko siya at wala akong balak na tingnan siya but it's Mazikeen, her voice means too much to me. Hindi na nga dapat ako magkaganito. Tapos na ang sa amin. Mas pinili niyang maniwala sa kasinungalingan pero hindi ko maiwasan na tingnan siya. She wanted to talk and I feel like I want to listen.

I turned to her.

Napaawang ang labi ko nang makita ko ang hitsura niya.

She was obviously drunk. May hawak pa siyang bote ng Tequila. Magulo ang kulot na naman niyang buhok. Wala siyang suot na sapatos. She looked pretty wasted.

"What have you done?" I asked her. Lumapit siya sa akin.

"We need to talk."

"You have to go home." I said. She shook her head. Nagkunyapit siya sa damit ko at tumitig sa akin. I can smell the tequila in her mouth.

"We need to talk! I'm a fucking Consunji and when I said that we need to talk we will fucking talk!" Nag-eeskandalo na siya sa lobby ng hotel. Dinuro-duro niya ako.

"We need to talk!" Nagpapadyak siya doon. "We need to talk! Talk! Talk! Talk!"

"Fine! Just shut up!" Hinatak ko siya papunta sa kotse ko. Aalis ako sa CLPH pero daldahin ko si Mazikeen. Pilit ko siyang ipinasok sa loob ng sasakyan. Hindi naman siya nagpumiglas. Pinausog ko siya para magkatabi kami. Napamura ako nang laklakin niya ang bote ng alak.

Crash into meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon