CIM.17 - All good things are new to me

89.7K 3.1K 416
                                    

"Ano ba naman iyan, Ate Lagring, bakit hindi ninyo naman sinabi na may nangungupahan na pala dito sa bahay ni Bathseeba? Sana man lang ipinaalam ninyo para naman hindi nagulat itong si Mazikeen."

Napahaba na ag litany ni Ninang Eva kay Ate Lagring habang nasa sala kami. Namimilog pa rin ang mga mata ko hanggang sa ngayon dahil sa nangyari kanina sa dating silid ng Nanay ko. Apparently, Nay had turned the house into a transient lodge in – na hindi sinasabi sa akin o kay Ate Tel. Hindi ko rin sure kung alam ni Tay ito pero iyon nga, may nangungupahan dito sa bahay at isa siyang lalaking bakat ang titi.

Napalingon ako nang marinig ko ang mga yabag sa hagdanan. I saw him. He was wearing a blue shirt and shorts. Basa ang buhok niya tapos ay amoy na amoy ko pa ang after shave niya. I twitched my lips. Sa short niya, natago na ang titi niyang bakat kanina.

"Ayan na pala si Rafael." Sab ni Ate Lagring. The man smiled.

"Magandang gabi po." Bati niya sa amin. Tumaas ang kilay ko. Si Ninang Eva naman ay napabuntong-hininga.

"Ano nga ang buo mong pangalan?" Tanong ni Ninang.

"Rafael Sto. Domingo po. Dalawang linggo lang naman po ako dito sa lugar ninyo. Nagbabakasyon lang pero next week aalis na rin ako. Hindi ko naman alam na may tao pala sa silid paglabas ko. Pasensya na, Miss..." Tiningnan niya ako. I smiled a bit.

"Madlang-Tao." Kumabog ang dibdib ko nang sabihin ko ang pangalan kong iyon. Ayokong gamitin ang apleyidong nakakasakit ng maraming tao.

Umiling si Ninang Eva nang marinig ang sinabi ko. Hindi na rin naman niya ako tinanong. Siguro kasi ay may ibang tao. Wala rin naman akong balak pag-usapan ang nangyari sa akin sa CLPH o iyong tungkol kay Gonzalo at sa demonyong si Eos Demitri.

"Okay lang naman po ako. Pwede na po ba akong magpahinga?" Magalang na tanong ko. Tumango si Ninang Eva. "Doon na lang po ako sa kabilang silid." Binalingan ko si Rafael. "May Taser ako. Kukuryentehin kita sa titi mong bakat!" I hissed. Natawa si Ate Lagring at si Ninang Eva.

"Pagpasensyahan mo na ang inaanak ko. Isip bata talaga iyan."

"Pero hindi naman ako nagbibiro." Sabi ko at saka umalis na. Muli akong umakyat sa itaas at tinungo ang kabilang silid. Iyon yata ang kwarto ng lolo ko dati. Malinis naman iyon. Mukhang mabango ang mga beddings. Paghiga ko ay sinikap kong matulog kaagad kasi ayokong mag-isip.

They said that sleep is the only escape to reality and right now, I wanna skip my reality because it fucking hurts so badly. I hate it. I hate the people around me. Pakiramdam ko kinukuha nila ang goodness na nasa puso ko. I don't want to be ruthless.

I don't wanna be like them.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa amoy ng sinangag at tuyo. Napangiti ako. Bigla kong na-miss si Nay. Iyon ang palagi niyang niluluto kapag umaga noong nag-aaral pa lang kami ng mga kapatid ko.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan iyon. Tatawagan ko si Nay. Hindi ko naman sasabihin sa kanya ang nangyari pero gusto ko naman siyang makausap. Pagbukas ng phone ko, ida-dial ko pa lang ang number ni Nay ay pumasok na kaagad ang tawag ni Gonzalo. Natulala ako sa screen, apat na beses siyan tumawag at noong ikalima ay nagpasya na akong sagutin iyon.

"Maze, mag-usap tayo. Kailangan nating magkita." He sounded so lonely but I know better now.

"Parte na naman ba ito ng plano ninyo?" I asked him in a sarcastic tone. He sighed.

"Hurting you was never a part of my plan."

Tumawa ako ng pagak at napabangon.

"Maghihiganti ka sa ama ko tapos sasabihin mo sa akin that hurting me was never a part of your plan? Sa tingin mo ba kapag nasaktan ang Tatay ko tatayo ako sa isang tabi at matutuwa na lang? Oo masama ang ginawa niya sa'yo. Naiintindihan ko ang galit mo sa kanya ubut plotting revenge against him? Hurting him back? Using me? Sabihin mo sa akin Gonzalo, anong ipinagkaiba mo sa halimaw na nanakita sa'yo noon?" I growled. I found myself crying again. Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang makausap. Hindi ko pa kaya at sa tingin ko, hindi ko kahit kailan kakayanin ang harapin ang taong nanakit sa akin.

Crash into meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon