Nang gabing iyon ay magkatabi kaming nakahiga ni Nanay sa kama. Si Kuya Heph ay nasa couch at tulog na tulog, naghihilik pa nga siya. Si Nanay ay hinahaplos-haplos ang buhok ko.
"Nak, bakit ka nagpa-rebond, nagpakulay ka pa ng buhok, tapos ang ikli masyado." Bakas sa himig niya na nag-aalala siya sa akin. Nanay touched my cheek, my nose and my lips and then she sighed. "My sweet little demon Mazikeen..." I pouted my lips.
"Nag-usap na kayo ni Tay?" I asked her.
"Hindi niya alam na nandito ako." Napaawang ang labi ko. "Ang alam ng Tatay mo nasa London ako kasama si Hera at Hades."
Napabangon ako. "Pero paano mo ba nalaman na nandito ako?"
"Tumawag ang Ate Tel mo sa akin at sinabi niya na umuwi ka dito sa Bataan. Noong narinig ko ang Bataan, alam ko na kaagad na may nangyaring hindi maganda. Kaya sinabi ko sa Ate mo na sabihin kay Andres na sunduin ako sa airport kinabukasan. Si Andres ang nagsabi sa akin ng lahat ng nangyari. Anak, hindi ko sasabihin sa'yo na intindihin mo ang ama mo kasi kahit ako hindi ko siya maintindihan at alam kong galit ka sa kanya..."
"Galit ka rin sa kanya?" Tanong ko pa.
"Hindi. Pero nayayamot ako sa gungong na iyon. Kapag nagkita kami, itim lang ng mata niya ang walang latay!" Naningkit ang mga mata ni Nanay. Napatawa naman ako tapos ay bumalik ako sa braso niya at muling yumakap sa kanya. She hugged me back tightly. Itinago ko ang mukha ko sa collar-bone niya tapos ay pinilit kong matulog. Para akong dinuduyan sa haplos ni Nanay sa buhok ko. Dama ko ang pagmamahal niya. Lumuluha ako.
"Nay, kung sakali ba gusto mo si Gonzalo para sa akin? Kasu love ko siya eh."
"Kung saan ka masaya... pero hindi ko rin nagustuhan na ikaw ang gumastos para sa kanya. Maling-mali iyon, anak. Maraming paraan para matulungan mo siya noon."
Humigpit lalo ang yakap ko. "Pero gagawin mo ba iyong ginawa ni Tay?"
"Hindi. Makatao ako. Alam mo naman siguro iyon. Iyan ang ikinagagalit ko sa ama mo. Talagang kapag nagkita koi yang ama mo, ise-shave ko lahat ng buhok niya sa katawan!"
"Nay naman! TMI iyon!" Umingos ako.
"Matulog ka na. Bukas mag-uusap tayo ay h'wag kang masyadong maingay at nakakahiya sa transient nating si Rafael."
"Nay, kamo bakat titi noon sa towel." I looked at my mom.
"Oh? Ga-santol ba, nak?"
"Ewan ko po. Siguro iyong eggs pero iyong titi baka talong Baguio!"
"Naku! Dako iyon!"
We both giggled. Muli na namang hinaplos ni Nanay ang ulo ko hanggang sa nakatulog ako.
Nang magising ako kinabukasan ay wala na si Nanay at si Heph sa couch. As usual, ako na naman ang huling nagising. Agad akong bumaba ng sala para hanapin sila. Pagdating ko roon ay nakita ko si Hephaestus na nagpu-push up habang nanonood ng tv. Naka-short lang siya kaya kitang-kita ang tats niya.
May tattoo siya sa bandang left part ng torso niya. Puno iyon ng mukha ni Nay, Ate at mukha ko. Iyong likod naman niya ay tats ng big deeper. Iyon daw kasi ang favorite constellation niya sa lahat.
"Maze, gising ka na pala." Humihingal na sabi niya. "Tara, upo ka muna sa likod ko." Sabi niya sa akin. "Si Nay, nasa kusina kasama si Tita Eva at si Ate Lagring." Naupo nga ako sa likod niya habang nagpupush-up siya.
"Nasaan iyong bago kong friend na si Rafael? Kasama ko siyang bumili ng panty kahapon."
"Aakyat daw ng Mt. Samat."
BINABASA MO ANG
Crash into me
Fiksi UmumMazikeen Maia Consunji COURTED her high school crush. Yes, she was the one who courted him dahil naniniwala siya na kung maghihintay lang siya na siya ang ligawan ng crush niya ay walang mangyayari sa kanila. That's why she did everything para mapan...
