Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. I ended up lying beside Ate Telulah. Siya ay tulog na tulog na at malamang sa malamang ay nananaginip na pero ako, gising ang lahat ng diwa ko.
I couldn't take Gonzalo Mora out of my mind. Ang tagal ng panahon na iginugol ko para lang makalimutan siya at ang sakit na idinulot niya sa akin but here he is now, he's shaking my world and it's not a good thing.
I was intrigued on how he lived his life for the past eight years na wala na akong narinig mula sa kanya o kahit ano tungkol sa kanya. Ang balita noon sa university ay nag-drop siya matapos ma-injured ang kanyang mga kamay. I cried because of that, iniisip ko na hindi niya pinahalagahan ang pangarap ko para sa kanya.
He just gave it up and become someone else. Ayos na sana na ginamit niya ako para makamit ang pangarap niya – kung naabot naman niya ito, ang mas masakit, ginamit niya nga ako but then he threw everything I worked hard for him.
"You have to sleep no..." Nagulat ako nang magsalita si Ate Tel. Tumagilid ako para harapin siya. She smiled. "Did you see him, Ikeng?" Tanong niya sa akin. I nodded. "I recognized him. He said that it was a fun time with you pero dry. 'Wag mo na siyang pakaisipin. Remember what Tay told you before?"
"Yeah. He's a great man." Ang tinutukoy ko ay si Tatay. "He's my superman."
"He's mine too."
Kahit na-divert na ang usapan namin ni Ate Tel kay Tay ay naiisip ko pa rin si Gonzalo.
"Paano kaya siya yumaman?"
"I don't know. Maybe he worked hard. People can do that. Just like Uncle Adan."
Hindi ko na ni-push ang usapan namin. Tumagilid na lang ako ulit para matulog na lang. Nang magising ako kinabukasan ay wala na si Ate sa tabi ko. Bumaba na agad ako sa kama. Hindi na ako nagbihis. I was wearing my jammies. Naghilamos at nagsepilyo lang ako. Habang nasa kusina ay napansin ko ang note ni Ate. Ayon sa note niya ay kailangan daw niyang umalis ng maaga para kunin ang mga gowns na susuotin namin mamaya sa Masquerade ball. Hindi ako excited sa ball na iyon. Ano bang makikita ko doon kundi puro maskara. Kakain na lang magsusuot pa ng gown. I don't really get rich people sometimes.
Dahil na rin sa gutom ay naisip kong magpunta sa restaurant para kumain. Hindi na ako nag-abalang magbihis pa. Why bother? I own the place, I can walk here naked even if I want to. No one will bat an eye – if they do, I will fire them.
Sakay ng golf cart at suot ang sponge bob pajama ko na terno ay lumabas ako ng Territorio para kumain sa isa sa mga restaurants doon. I parked the cart in front of Valentino's – my cousin's restaurant. Pagpasok ko pa lang ay pinagtitinginan na ako. Tinaasan ko na lang sila ng kilay.
Dumiretso ako sa kusina to find Valentino inside, half naked, while cooking pancakes.
"Wow!" Natawa ako bigla. "So, kapag nagluluto kailangan may abs show?" I giggled. Valentino just grinned at me. Nakatali ang mahaba niyang buhok habang hawak ang mga spatula at kung ano-ano pang ginagamit niya para hubugin ang pancakes niya.
"Kailangan daw nila ng pan de sal. How are you, Ikeng?" I just shrugged.
"Okay lang. Makikikain ako." Wika ko. "Natatamad akong magluto."
"Sure. Sabayan mo na rin ako."
"Do you really have to be half naked? It's disturbing," I giggled again. He made a face.
"Doon ka sa itaas. Doon tayo mag-almusal."
"Oki doki!"
Tumawa ako bago lumabas ng kitchen niya. Dumiretso ako sa rooftop ng Valentino's. Medyo natigilan pa nga ako nang marinig ako ng mga boses na nag-uusap. Nang sumilip ako ay nakita ko si Achill, kasama niya si Gonzalo at ang isang babae – I know the woman, her name is Angela Escalada. She's a model. Maybe she's with Gonzalo. Hindi naman pwedeng si Achill ang kasama niya dahil may asawa na ang pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Crash into me
General FictionMazikeen Maia Consunji COURTED her high school crush. Yes, she was the one who courted him dahil naniniwala siya na kung maghihintay lang siya na siya ang ligawan ng crush niya ay walang mangyayari sa kanila. That's why she did everything para mapan...
