"Gonzalo, isasama ko si Mazikeen sa check-up ko."
Napabuntong-hininga si Gonzalo Mora habang nakatingin sa Mama niya. Nag-uusap sila sa dining area habang ako ay nassa kusina.
"Ma, uuwi na si Mazikeen sa bahay nila. Hindi naman siya pwedeng magtagal dito..."
Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin. Tumayo ako tapos ay sumilip sa dining area. Napatingin sa akin si Zalo. Ngumiti naman ako sa Mama niya. Lumapit pa ako at umakbay sa kanya.
"Okay lang, Mama. Sasamahan kita." Malambing na sabi ko. Napansin kong nawala ang ngiti ni Gonzalo habang nakatingin sa amin. "Naku, pero wala po akong dalang damit. Wala nga po akong panty at bra, Ma."
Natawa ang Mama ni Zalo. Namula naman ang mukha ko nang ma-realize ko kung anong sinabi ko at kung sino ang kaharap ko nang sinabi ko iyon. Gonzalo Mora sighed.
"I'll ask Liago and Sandra to buy her clothes, Ma." Tumalikod si Gonzalo Naiwan kami ng Mama niya. Yumakap sa akin ang Mama niya tapos ay hinalikan ako sa pisngi.
"Tuwang-tuwa ako at nandito ka na." Wika niya na para bang masaya talaga. "Tuwing pasko, bagong taon at kaarawan ni Zalo ay hinahanap kita, ang tanging sagot niya lang sa akin ay nag-aaral ka. O kaya man ay busy ka pa daw sa pagsakop ng mundo na nasa paanan mo. Mabuti at bumalik ka na. Sa tingin ko ay naging napakalungkot ng buhay ni Gonzalo habang magkalayo kayo. Akala ko nga hindi magtatagal ang long distance relationship ninyo."
Hindi ako sumasagot. Nag-iisip kasi ako ng sasabihin sa kanya na hindi ko mati-trigger ang na tumaas ang presyon niya o iyong mahilo siya.
"Ganoon po ba?" Sabi ko na lang. "Ano uhm... ano po bang sabi ni Zalo sa inyo?"
"Wala naman. Sabi niya sa akin noong napansin kong matagal ka nang hindi nagpupunta sa bahay ay nangibang-bansa ka na daw. Na nagkasundo kayo na siya na ang magpapaaral sa sarili niya at pagbalik mo ay magpapakasal kayo..."
Nakagat ko ang aking ibabang labi.
"Ah! I see. Naku, Mama, mabuti pa po at maupo tayo sa sala. Baka po mangawit kayo."
"Ano bang pinag-aralan mo sa Boston?"
"Actually, Ma, sa New York University po ako nag-aral. Nag-masteral po ako ng Business doon. Last year ko po natapos iyong thesis ko at noong May this year po, naka-graduate po ako."
"Oh? Bakit hindi nasabi ni Zalo iyon! Sana'y napagluto kita ng handa! Diba, gusto mo iyong escabeche? Ipagluluto kita noon!"
"Your clothes are here." Natigil kami dahil dumating si Gonzalo. Inabot niya sa akin iyong tatlong paper bag. Ang isa doon may lamang shoebox. "Magbihis ka na, para makaalis na tayo."
"Sir, sasama po kayo? Hindi ba't may lunch kayo ni Miss Harper?" Tanong ni Liago.
"Sinong Harper? Iyong umaaligid sa'yong babaeng puro kilay lang? Hay naku, Liago, walang lunch ang Sir mo sa babaeng iyon! Nandito na si Mazikeen ang fiancé ng Sir mo! Sabihin mo na ayaw ko na siyang makita,"
"Ma, ang presyon mo." Wika ni Zalo.
"Magbibihis na po ako, Mama." Natatawa ako kahit alam kong deep inside of him, naghuhurumentado na ang kaululan niya. Umakyat na akong muli sa silid kung saan ako nagising kanina. Hindi ko alam kung kaninong kwarto iyon. Basta doon ako nagising kanina, kiber lang.
I took a shower tapos ay ibinalot ko ang sarili ko sa puting tuwalya na nakita ko roon. Lumabas ako ng bathroom kasi nakalimutan ko iyong mga paper bag na dala ko kanina.
Binuksan koi yon. Nakita ko ang isang pares ng jeans tapos ay long sleeves na polo shirt na kapag sinuot ko mukha akong muslim dahil ang haba talaga. Iyong isa ay dress na blue na three-fourths at hanggang tuhod. Naisip kong iyon na lang ang suotin kasi baka mapagkamalan akong nagtitinda ng bibilya sa haba ng sleeves na suot ko kung iyong polo nga ang isusuot ko.
BINABASA MO ANG
Crash into me
General FictionMazikeen Maia Consunji COURTED her high school crush. Yes, she was the one who courted him dahil naniniwala siya na kung maghihintay lang siya na siya ang ligawan ng crush niya ay walang mangyayari sa kanila. That's why she did everything para mapan...