I was waiting for Eos Demitri at the lobby of his mansion. Habang nakaupo roon ay iniisip ko ang mga sinabi sa akin ni Mazikeen kagabi. Imbes na habulin ko siya papunya sa CLPH ay dumiretso ako sa mansion ni Eos Demitri sa Laguna. Napag-alaman kong wala siya roon.
I sighed. Ngayon ko iniisip kung ano bang gulo ang pinasok ko. Hindi nga yata ako dapat nagtiwala sa kanya noong nakilala ko siya. I met him two years after the Ares Consunji chaos in my life. Nasa parking lot ako noon at kababa lang sa kotse ng isa kong parokyanong matrona. Habang naglalakad papasok sa bar na iyon ay nakarinig ako ng putok ng baril I saw him, he was standing tall pero bigla na lang siyang bumagsak. Instinct ang gumana sa akin kaya iniligtas ko siya ay dinala sa ospital.
Doon nagsimula ang lahat. He helped me get through everything. Una ay kinuha niya akong assistant sa kompanya niya. Tinulungan niya akong mag-aral at nang makapagtapos ako ng college noong taon na iyon ay ipinadala naman niya ako sa London para mag-aral ng MBA. When I got back to the Philippines, binigyan niya ako ng capital para makapagsimula ng negosyo and the the ZaMora Industries was born.
Pinaghirapan ko ang lahat ng iyon. Nabayaran ko na rin sa kanya ang capital na ibinigay niya sa akin noon. Akala ko noong una ay gusto niya lang talaga akong tuungan dahil naagrabyado ako ni Ares Consunji. Ang akala ko, he was just being a supportive friend, but after hearing what Mazikeen had to say about him, bigla ay nag-iba ang iniisip ko tungkol sa kanya.
Napatayo ako nang makita ko ang cane niya na nasa tapat ko na. He shook my hand and smiled evilly. Alam na alam ko na ang ibig sabihin ng ngising iyon.
"I was in CLPH. I saw what happened to Ares Consunji's daughter." Tinapik niya ang balikat ko. "You're doing a good job. My brother's life will be rattled again. Hera Consunji – Vejar will too."
"Why are you doing this?" I asked him. "Walang ginawang masama sa akin si Hera Vejar. Ni hindi ko kilala ang kapatid mo. Ni hindi ko alam na nagpanggap kang patay."
He laughed. His green eyes were projecting a deeper shade now. Kinabahan ako ngunit hindi ko ipinahalata.
"Ares Consunji wanted me dead." He seemed so dark now. "Siguro dahil kay Tia but I don't care. Uunahan ko sila. Hindi ko sila papatayin but I will make sure they will suffer just like how my brother will suffer when he finds out that I am back."
Binalingan niya ako. "Continue the plan, Gonzalo. Break Ares and then break Mazikeen. The sight of her daughter crying and hating him will kill him. And then, I will be laughing on the side while watching them."
Iniwan niya ako. Napalunok ako. Hindi ko alam na ganito ang plano niya. Hindi ko alam na sagad sa buto ang pagkamuhi niya sa pamilya ni Helios Demitri at ni Hera Vejar. Hindi ko alam na sinubukan siyang ipapatay ni Ares Consunji. Hindi ko alam ang dahilan pero alam ko rin na hindi ko kayang gawin ang sinasabi niya – I can break Ares Consunji's heart but do I have the guts to break Mazikeen's heart?
Yes, it was all a part of the new plan.
But can I really make her cry? Can I really break her this time?
Maraming pagkakataon na ang dumating at pinalagpas ko iyong oras na iyon para sabihin sa kanya ang totoong nangyari sa mga kamay ko. I planted it all – the pictures, the cheque. Gusto kong siya ang magbigay niyon sa ama niya para mas masakit but that moment I saw her crying, I changed my mind. I wanted to talk it all back but she was too determined to talk to her father. Hindi ko na siya napigilan. Hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon dahil napakataas ng emosyon niya.
Tuwing nakikita ko si Mazikeen ay nararamdaman ko ang emosyong akala ko ay nalimutan ko na noon. Hindi ko naman inaasahan na ganoon pa rin ang epekto niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Crash into me
General FictionMazikeen Maia Consunji COURTED her high school crush. Yes, she was the one who courted him dahil naniniwala siya na kung maghihintay lang siya na siya ang ligawan ng crush niya ay walang mangyayari sa kanila. That's why she did everything para mapan...
