CIM.02 - Ground Breaking

140K 3.6K 503
                                    

"Tita Ikeng! Tita Ikeng! Gising na ikaw! Tita!"

I was pushed down the bed by a little monster. I know that. Masaki tang balikat ko at medyo inaantok pa ako dahil sa jetlag. I just came back from Amsterdam. Inihatid ko doon si Tay at si Nay. Anniversary kasi ng parents namin. Hephaestus was with Tay and Nay, si Ate ang nandito sa Pilpinas dahil may mga inaasikaso siya para sa legalities ng bagong kompanya ni Uncle Hermes.

I opened my eyes to look for that little monster who pushed me down the bed and I found my favorite little Yana Consunji giggling on the side while holding my favorite yellow scarf.

"You!" I playfully yelled at her. Napasigaw siya kaya lumabas siya ng kwarto. I am staying at Yael and Alyza's cabin. Ayoko kasing umuwi sa cabin ni Ate Tel dahil wala namang tao doon kaya umuwi ako sa pinakamalapit na cabin na mapupuntahan ko nang gabing iyon at mala slang ni Yael dahil sa kanya ako umuwi – hindi yata natuloy ang sexy time nila ni Ate Alyza.

Bumaba si Yana sa hagdanan. She was giggling like hell. I was running after her.

"Get back here, you little cooking monster!" I exclaimed. Naghabulan kami hanggang sa makarating kami sa kitchen kung nasaan si Ate Alyza at si Nautica kasama ang girlfriend nitong si Ate Raspberry.

Ate Alyza was cooking pancakes.

"Maze! You're so kulot!" Humagikgik si Nautica.

"I know! Hindi ko kasis naplansta. Kagigising ko lang ito kasing si cookie monster, ginising ako."

"I want to go biking Tita Ikeng." Yakag niya sa akin. I giggled. Hinalikan ko siya sa noo tapos ay sinabi ko na mag-aayos lang ako. Muli akong umakyat sa itaas para mag-shower at magbihis. Hindi ko na ni-blower ang buhok ko, hinayaan ko na lang na lumabas ang natural curls noon. Sa dulo na lang naman siya kulot noon, hindi tulad dati na mula tuktok hanggang dulo kulot ako. Sabi ni Nay, ganoon daw talaga – it's my super powers.

I wore a pair of khaki shorts and a black sando. Magba-bike lang naman kami ni Yana, hindi naman kami lalayo kaya ayos na ayos na ako.

"Yana, let's go!" I called her. Tumatakbo siyang humawak sa kamay ko. She seemed very excited. Paglabas namin ng cabin ni Yana ay nasalubong ko si Kuya Yael na kasama si Yohan at Yuan.

"Morning, Tita!" Yohan kissed my cheeks. Magkasing – tangkad na kami. Fourteen years old na siya at ang gwapo! Kamukha siya noong Lolo Sancho namin.

"Bike lang kami, Kuya. Sasama ko si Yana."

"Alright! Yana, be careful ha!" Paalala ni Kuya Yael sa anak niya.

Tinulungan ko si Yana na sumakay sa bike niya. Wala nang training wheels iyon. Isinuot ko sa kanya ang helmet niya tapos ay hinagkan siya sa ilong.

"Mabagal lang baby girl ko ha." Sabi ko sa kanya. Sumakay na rin ako sa bike na kulay red. I guess kay Yohan iyon. Sinundan ko si Yana papalabas ng bakuran ng cabin nila.

It is a beautiful day in CLPH. This is the best place ever! Ito ang lugar na umampon sa akin noong panahon na nalulunod ako sa sarili kong panaghoy, noong kaunting kibot ko lang ay may masakit na sa akin. Si Tatay ang unang-unang sumaklolo noong nasasaktan ako. He embraced me when no one could, he made me feel complete when everything else were falling apart.

"Tita, uunahan kita!"

"Yana! Don't get too far!" I called out. Hinintay naman niya ako sa may gate ng Teritorio De Consunji. She was giggling.

"You're weird Tita Ikeng but I like you better than Tita Tia and Tita Tel. Tita Tel is stiff. Tita Tia is so maarte but this days she's very sad. Then Tita Haley, she's a fine girl but she's too tahimik."

Crash into meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon