"Umalis? Bakit siya umalis tapos hindi naman siya nagpapaalam sa akin?"
Hindi mawala ang ngiti ni Achilles habang nag-uusap kami nang umagang iyon. Hinahanap ko sa kanya si Gonzalo pero iyon ang binungad niya sa akin - umalis daw si Zalo kaninang madaling araw. Madaling - madali ito at ni hindi daw nagawang magpaalam nang personal kay Achilles. Nagpasabi na lang daw ito kay Liago.
Iba tuloy ang pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam ko ay pinaasa ako. Akala ko pwede na ulit kami. Ako naman si tanga dahil nga nagpakita na ulit siya ng kabaitan, naniwala naman ako. Iyon kasi ang sakit ko, masyado akong mabikia magtiwala at maniwala sa mga sinasabi sa akin ng mga tao sa paligid ko.
Tapos naulit na naman iyong nangyari dati na ako na naman ang naunang nagsabi ng mahal ko siya. Kung tutuusin, sa duration ng relasyon namin noon, minsan lang siya magsabi sa akin ng I LOVE YOU. Akala ko noon, hindi lang siya affectionate masyado but then I found out that he didn't really love me, and I suddenly understand why.
"Bakit naman siya magpapaalam sa'yo? Kayo ba?" Tudyo ni Tia sa akin. Nasa cabin kami ni Ma Hera at doon nag-almusal. Wala si Ma Hera dahil kasama niya si Pa Hades sa Scotland. Nakausap ko si Nay kanina at sinabi niya na pupunta sila ni Tay sa Scotland para makipagkita sa mga ito. Hindi na ako kinausap ni Tay mula nang gabing aminin ko aa kanya na despite everything that Gonzalo did to me ay mahal ko pa rin siya.
Siguro ay nagtampo siya sa akin.
Matampuhin kasi talaga iyon.
"Pwede ba, Tia? Tuktukan kita ng takong sa mata makita mo ang hinahanap mo. Panget." Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Ngumisi naman si Percy. Maya - maya ay dumating si Ate Tel nang mag-isa. Nakangiti siya habang naglalakad pagtabi niya sa akin ay tinanong ko si Kuya Mon. Pabulong naman niyang sinagot na si Kuya Mon daw ay nakabalik na sa Metro.
Tahimik kaming nag-almusal. Iyong kambal lang ang bumabangka. Paminsan - minsan ay sumasabat si Ate Wewe at si Ate Betchay. Hindi ako nakikinig sa kanila, iniisip ko kasi si Gonzalo - ano nang mangyayari sa amin?
Matapos ang almusal ay naglakad na ako pabalik ng cabin namin pero hindi pa ako nakakalayo ay tinawag na ako ni Tia.
"Ikeng, samahan mo ako."
Hindi naman na ako nagtanong. Pareho kami ni Tia na may pinagdadaanan sa buhay. Two years ago, thd man she loved died. Medyo hindi pa siya nakakamove on hanggang sa ngayon. Alam kong dinadamdam niya pa rin iyon dahil halos kasuklaman niya si Mama Hera but now, she was very regretful sa mga bagay na nagawa niya noon. Ngayon naman ay halos yakapin niya nang husto si Ma Hera wag lang itonv mawala sa kanya.
Sumakay kami ni Tia sa kotse. Tahimik lang naman siya. Medyo nabawasan ang pagkamaldita niya. Hindi na rin niya binubully panay si Perseus o kahit ako. Bully kasi siya at noon walang umuubra sa kanya.
I only realized where we were going when arrived at the cementery. Bumaba na si Tia kaya sumunod ako. Kinuha ng driver niya ang bulaklak sa likod ng kotse at nauna na. Magkapanabay kaming naglakad papunta sa puntod ni Eos Demitri.
"Napaniginipan ko siya kagabi. Ewan ko ba kung bakit. Basta nasa dream ko siya, Ikeng. Nasalubong ko daw siya sa CLPH and then we ranaway."
"Mahal mo pa? Sabagay ako eight years niya akong iniwan heto ako mahal ko pa rin siya kahit na ginago niya ako. Ikaw naman kasi iba naman sa'yo kasi namatay siya, wala kayong closure. Siguro iyon lang iyong kailangan ko para mawala na itong feelings ko para kay Zalo, closure."
Daldal ako nang daldal kaya hindi ko napansin na nakahinto na si Eleithiya, inches away from Eos Demitri's grave. May nakatayo kasing lalaki roon. Medyo mahaba ang buhok niya tapos naka shirt na gray at khaki pants. Lumingon siya sa amin.

BINABASA MO ANG
Crash into me
General FictionMazikeen Maia Consunji COURTED her high school crush. Yes, she was the one who courted him dahil naniniwala siya na kung maghihintay lang siya na siya ang ligawan ng crush niya ay walang mangyayari sa kanila. That's why she did everything para mapan...