"What were you thinking, Gonzalo?"
Iyon ang unang tanong sa akin ni Harper pagpasok ng condo unit ko. Galit na galit siya sa akin at tila hindi mapakali. Ibinato niya kung saan ang bag na dala niya at hinarap na naman ako.
"Did you already forget what her father did to you and your dreams? Nakalimutan mo na ba ang pagtalikod niya sa'yo? Na hinayaan ka niya at naniwala siya sa ibang tao at sinaktan ka niya? Na pinabayaan ka niya? She didn't listen to you! Instead she believed what they fucking said about you!"
"Shut up!" Sigaw ko sa kanya. Natigilan siya at tumingin lang sa akin. "I know what her father did to me! Hindi ko makakalimutan iyon! I know what she did to me and it fucking hurts that is why I want to avenge myself!" Galit na wika ko sa kanya. Gusto kong maghiganti. Itutuloy ko ang plano ko at hindi ko sasayangin ang pinaghirapan ko sa nakalipas na walong taon.
Whatever happens, I will make Ares Consunji pay.
"He took away all my dreams and I am taking them back. Hindi ko nakakalimutan kung anong dapat kong gawin, Harper!"
"Pero ano? Nagbabago ang isip mo dahil sa babaeng iyon? She's in your life again, Gonzalo, nanghihina ka ba? Natutunaw baa ng mga defenses mo? Fuck you! You've worked so hard! Ang sabi mo, once na makuha mo ang lahat sa kanila at mabawi mo ang lahat ng dapat sa'yo ay magpapakasal na tayo, ano, paghihintayin mo na naman ba ako?"
Tiningnan ko siya. I took my coat and left her. Narinig ko siyang sumigaw at napapadyak. I don't need this right now. I need to breathe.
Hindi ako makahinga, kaya nga umalis ako ng CLPH dahil kailangan kong humiga. Kailangan kong lumayo kay Mazikeen, kailangan kong pag-isipang muli ang dapat kong gawin dahil sa totoo lang tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko iyong babaeng minahal ko noon.
It is clear to me now that she's not the girl I was in love before. Ibang-iba na siya ngayon. I missed the old her, iyong taong tanggap ako sa kahit na ano pa mang kadahilanan. Iyong minahal ako kahit na mahirap lang ako.
She loved me, I know she did pero sa tingin ko ay hindi naging sapat ang pagmamahal na iyon para paniwalaan niya ako.
I found myself going home. Alam kong naroon pa si Mama. Ang sabi niya sa akin ay bukas na lang siya uuwi. Inaasahan kong naroon talaga siya ngunit ang ikinabigla ko ay ang presensya ni Mazikeen sa bahay ko.
"What are you still doing here?" I asked her. Siya lang ang nasa sala noon. Nakaupo at nagbabasa ng kung ano.
"Hindi ko siya pinauwi ahil kailangan ninyong mag-usap." Narinig ko si Mama. "Hindi k aba nahihiya, Gonzalo na nandito na ang nobya mo pero sinamahan mo pa rin si Harper sa kung saan? Mabuti nga at hindi umiiyak si Maze ngayon kundi lagot ka sa akin! Ayusin mo iyang babaeng iyan! Mahiya ka sa nobya mo! Hindi kita pinalaki para manloko ng tao at manakit ng babae!"
Umalis si Mama. Umakyat na siguro siya sa silid niya. Naroon pa rin si Mazikeen. Tahimik siyang nakaupo. Wala naman akong masabi dahil hindi ko talaga naisip na narito pa rin siya.
"Oh well!" Tumayo siya bigla. "Uuwi na ako. Salamat sa pagpapatulog sa akin dito kagabi. Tapos ibabalik ko na lang itong damit at sapatos na galing sa'yo."
"Keep it. Ano naman ang gagawin ko diyan?"
"Ewan. Ipantulog mo. Uuwi na ako. Salamat."
"Paano ka uuwi?" Tanong ko.
"Nagpasundo ako." Matipid na wika niya. She faced me. "I know that it won't matter but Gonzalo, you mother doesn't like your girlfriend because I think she was still rooting for you and I, so I guess you really have to tell her the truth. Tell her what happened to us. Hindi ka naman siguro niya huhusgahan. Mama mo siya, mahal ka noon kahit anong mangyari."
BINABASA MO ANG
Crash into me
General FictionMazikeen Maia Consunji COURTED her high school crush. Yes, she was the one who courted him dahil naniniwala siya na kung maghihintay lang siya na siya ang ligawan ng crush niya ay walang mangyayari sa kanila. That's why she did everything para mapan...