CIM.12 - Aftershocks

94K 3.6K 676
                                    

Hindi ko alam kung kailan tumigil ang paghalik at ang paghaplos sa akin. Ang bigat - bigat ng ulo ko. Ayokong matulog pero antok na antok ako kaya hinayaan ko na lang na makatulog ako. I felt so helpless. I don't know what to do or how I will deal with this thing tomorrow.

Basta antok na antok ako.

Nagising ako kinabukasan na nananakit ang ulo at hubad sa ilalim ng kumot. Hindi ko na naman alam kung nasaan ako. Ilang beses na bang nangyayari sa akin ito? Kung nakikita lang ako ni Ate Tel, sasabihin niya sa akin na wala akong pag-iingat sa aking sarili.

Inaaninag ko kung nasaan ako. Hinanap ko pa ang salamin ko. Nakita ko iyon sa bedside table. Hindi ko pa rin mawari kung nasaan ako kahit na suot ko na ang salamin.

Nasaan nga ba ako? Inaalala ko kung anong nangyari sa akin kagabi at kung sinong kasama ko tapos naalala ko nga na kasama ko si Jake Del Carmen tapos pinag—uusapan naming si Gonzalo tapos nagpaalam akong umihi tapos pagbalik ko ay binigay niya sa akin ang baso ko tapos... tapos...

"Oh my god..." Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Hindi ako mapakali. "Oh my god, nakahubad ako! Oh my god hindi ko alam kung nasaan ako!" Gustong-gusto kong magsumbong sa mga kapatid ko. Pero kailangan ko munang malaman kung nasaan ako. Naramdaman ko ang mga halik at haplos sa katawan. Napapaiyak ako. Napatingin ako sa bedside table. Pagapang na kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang Kuya ko.

Iyak ako nang iyak. I was mumbling.

"Nasaan ka?!" He asked me. He was shouting. "What the fuck is happening, Mazikeen? Tang ina! Umayos ka!"

"I think I was molested last night." Pahingal kong wika. Lalo siyang napamura. Ako naman ay napaiyak.

"Nasaan ka?! Nasaan ka?! Sinong gumawa niyan sa'yo?!"

"Si Ja-Jake Del Carmen..." Napahagulgol na ako. Nawala ang kausap ko sa kabilang linya. Iyak pa rin ako nang iyak Natigil lang iyon nang bumukas ang pinto tapos nakita ko ang Mama ni Gonzalo na may dalang pagkain at may kasunod na mga maids.

"Oh my..." Paluhod na tumayo ako sa kama at niyakap ko ang Mama ni Zalo. Iyak ako nang iyak. Am I safe? Paano ako napunta dito? Nanginginig ang buong katawan ko. Hinahaplos naman ni Mama ang likuran ko. She was making me feel like it's okay and I was asking myself if I should be okay with that. Hindi ko naman kasi alam kung bakit ako nandito.

Pero siguro, mas okay na ito kaysa sa katotohanan na may nangyari sa amin ni Jake Del Carmen.

"Tumahan ka na, anak. Kasama mo ako at hindi ka mapapahamak dito."

Pinahid ko ang mga luha ko.

"Ano po bang nangyari?" Humihikbing tanong ko.

"Nakita ka ni Liago kagabi na kasama mo si Jake Del Carmen. Ang sabi lang ni Liago ay nag-alala siya sa'yo kaya kinuha ka niya kay Jake at dahil palabas naman na siya ng hotel ninyo, isinama ka na niya dito dahil hinahabol ka daw ni Jake Del Carmen, anak." Hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Nag-away ba kayo ni Gonzalo, Mazikeen? Kaya ka ba naglalasing? Kaya ba umalis si Zalo panandalian at sumama sa Harper na iyon? Ano bang nangyayari sa inyo? Ang buong akala ko ay maayos na ang lahat."

Natigil ang pagluha ko dahil sa narinig ko. Umalis si Zalo kasama ang Harper na iyon. I just shook my head because I can feel my heart breaking again. Bakit ba kasi hindi na lang ako maging normal tulad nang iba na kayang lumimot matapos masaktan?

"Hala, magbihis ka muna at saka tayo mag-usap. Kailangan kong maintindihan ang problema ninyong dalawa. Hindi naman pwedeng itapon na lang ang pinagsamahan ninyo. Halos isang dekada na kayong magnobyo."

Napaiyak na naman ako. Kinuha ko ang damit mula sa isa sa mga maids na kasama ni Mama at dahan-dahan akong tumayo papunta sa bathroom. There, I took a quick shower. Nararamdaman ko na naman ang halik ni Jake at ang haplos niya sa akin. Nandidiri ako sa sarili ko. Umiiyak ako habang nasa ilalim ng dutsa. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Crash into meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon