CIM.25 - Fears

96.7K 3.1K 700
                                    

           

It was pretty obvious that Mazikeen is really excited upon this meeting. Pagdating namin sa bahay na ito kanina ay halos matatalon siya sa tuwa nang ipakilala niya ako sa Uncle Simoun niya. Nang sabihin pa nga ni Mazikeen na boyfriend niya ako ay ngumisi si Mr. Azul at sinabi sa akin na I have a gun collection and I really like torturing people.

Hindi ko alam kung sinabi niya iyon dahil ayaw niya sa akin para kay Mazikeen o kung dahil ba naroon si Eos Demitri. Ipinaliwanag ni Mazikeen kung bakit kami naroon. Hindi ako nagsasalita at nakikinig lamang sa kanila.

Sa sandaling iyon, nalaman ko na involved sa mga underground activities ang Uncle ni Mazikeen at ang mga kaibigan nito. I don't know how safe we are here pero pumasok sa isip ko nab aka may kinalaman sila sa nangyayari kay Eos Demitri. Si Eos Demitri naman ay may kausap sa telepono at hindi lang iisang beses kong narinig na sinabi niya na: Make sure, Chaos is safe. Look after him and his mom. Make sure Miss Vejar is alright and that no one is after her. If ever someone's after her, kill them.

Naisip kong may takot rin palang nararamdaman ang taong ito kahit na napakasama niya.

Nagpaalam ang Uncle ni Mazikeen. Naiwan kami sa living room. She seemed very comfortable sitting there. Tinawag ko siya.

"Naalala ko na kaya nga pala ako umalis sa unit mo kasi galit ako sa'yo dahil tinawag mo akong girlfriend mo lang. Bahala ka sa buhay mo, hindi na ako makikipag-sex sa'yo. Mabulok sana iyang titi mo." Binelatan niya ako. I sighed.

"Hindi ito ang tamang oras para mag-usap nang ganyan. Sigurado ka bang safe tayo dito? They deal with illegal things, Maze!"

"He is my favourite Uncle! Hindi niya tayo sasaktan! He's willing to help! Hindi mo ba narinig ang sinabi niya?!"

Napatayo ako. "I cannot deal with criminals, Mazikeen. Kung hindi ka sasama sa akin paalis dito, iiwan na kita." Humakbang ako. Napatayo rin siya.

"Seriously, ngayon pa kayo nag-LQ? My life is in danger." Wika pa ni Eos.

"Wala akong pakialam! In the first place wala kami dito ngayon kung hindi ka nangingialam sa buhay nang may buhay, Tang ina mo Eos! Bakit ba kasi hindi ka pa mamamatay?" Mukhang si Eos ang pinagbuntunan ni Mazikeen ng inis niya sa akin. Hindi naman sumagot si Eos dahil natuon ang mga mata naming sa entrada ng living room.

I saw five men – with age of course looking at us. Isa sa limang iyon ay ang Uncle ni Mazikeen. Hindi lang iyon, may mga kasama rin sila na ipinakilala naman ng Uncle ni Maze sa amin.

"Si Narcing, Si Red, Si Averee at si Elishua."

Napatango ako. Naupo na lang akong muli at maghahanap na lang ng pagkakataon na makaalis dito at isasama ko si Mazikeen.

"So, may gustong pumatay kay Eos Demitri and we're gonna help him?" Tanong noong Averee. "Diba kamag-anak niya si Heath? Iyong ulol na jowa ni Ate, Popsi?"

"Oo. Sabi naman ng lalaking ang pangalan ay Axel John. Kalagitnaan ng usapan nang may dumating na isa pang lalaking naka-itim na tshirt. Pagpasok niya ay ngiting-ngiti na siya.

"Sorry, na-late ako. Pinagkaguluhan kasi ako ng tao sa mall. Ang gwapo ko daw kasi. Hi, ako si Adonis Emilio. Ang hot ko diba?"

"That's my son." Wika noong Ido. "Mana sa akin. Pero ako ang pinak-gwapo."

Natawa si Maze. Napansin kong natigilan si Adonis Emilio nang dumapo ang mga mata niya sa aking tabi – kung saan nakaupo si Eos Demitri.

"What is he doing here?" He even asked. Si Mazikeen ang nagsalita.

Crash into meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon