Nagising ako kinabukasan na nakayakap ako akin si Gonzalo. Nakabaon sa leeg ko ang mukha niya at nakapalupot sa akin ang kanyang mga braso. Naghikab ako. I checked the time and realized that it was still early. Four am pa lang ng umaga at hindi ko alam kung bakit ako biglang nagising nang ganoong kaaga.
Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa akin. Nauuhaw talaga ako kaya lumabas ako ng silid para kumuha ng inumin sa kusina. Hindi ko pa alam masyado ang bahay na iyon kaya binuksan ko ang ilaw para maging malinaw ang daan ko patungo sa kusina. Naghihikab pa ako habang pababa ng hagdanan. Nakita ko ang daan patungo sa kusina. I was still a bit sleepy habang naglalakad ako papunta sa may ref. I stood there looking for something to drink. May nakita akong ilang bottled water, kumuha ako ng isa. Habang umiinom ay nagpalinga-linga ako.
Natigilan ako nang may mapansin ako isang taong nakatayo sa may entrada ng kusina.
"Zalo?" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Habang papalapit ako ay napansin ko ang kulay ng mga mata niya.
Green.
And those piercing green eyes seemed familiar to me.
"Uncle Helios?" I called out.
Biglang kumidlat. Lumiwanag sa parteng iyon ng kusina. My eyes widened when I saw Eos Demitri.
"Ahh!" Nagulat ako. Napaupo pa ako. Bigla ay lumiwanag ang kabahayan. Ang sumunod kong nakita ay si Zalo na humahangos papunta sa akin.
"What happened to you?!" He asked me. Itinayo niya ako. Napanguso ako.
"Nakakita ako ng multo." I sighed. "Multo ni Eos Demitri. Iyong ex ng pinsan ko. O baka nananaginip lang ako. Basta." Napakamot ako ng ulo. Napansin kong kunot ang noo ni Zalo tapos ay pinagpag niya ang pajama ko. Hawak niya ang kamay ko at umakyat na kami pabalik ng silid. Inupo niya ako sa kama tapos ay tiningnan niya ang binti ko tapos ay pinagpag ang talampakan ko.
"Kung bababa ka, sana ginising mo ako."
"Eh tulog ka nga. Saka nauhaw lang naman ako. Siguro namalik-mata lang ako. Patay na si Eos Demitri na ex ng pinsan ko."
Bigla ay tinitigan ako ni Gonzalo.
"Patay na si Eos Demitri?" Tila ba takang-takang tanong niya sa akin. "Are you sure he died?"
"Oo naman. Namatay siya two years ago. Nabaril. Kaya nga lalong nalungkot si Eleithiya. Maliban sa may Alzhiemer's si Mama, sad talaga siya kasi hindi siya maka-move on kay Eos Demitri."
Tumabi na siya sa akin sa pagkakataong iyon.
"Ex ng pinsan mo si Eos Demitri... pero diba magkamag-anak kayo?"
"Nope. Ang kamag-anak ni Eos si Uncle Helios. Galit si Eos ay Uncle Helios kasi hindi daw ibinigay ni Uncle Helios ang lahat ng mana niya, so he wants to get even, pero alam ko rin na may ibang dahilan pa iyon. Hindi naman magagalit si Eos kay Uncle Helios nang ganoon ng walang dahilan na dumating pa sa point na ni-seduce niya ang sarili niyang pamangkin just to hurt Uncle."
Gonzalo was listening carefully. Mukhang interesado siya sa mga sinasabi ko.
"How did he die?"
"He was shot. Tia was there kaya medyo na-traumatize siya noon. Ayon. Namatay si Eos Demitri na puro paghihiganti ang nasa puso. Buti may anak siya, may legacy siyang maiiwan."
"May anak siya?" Parang hindi siya makapaniwala.
"Yup. Si Trigger Chaos Demitri. Eleven years old na iyon ngayon. Green eyes din. Kamukha ni Eos. Hindi ko siya madalas makita pero panay siyang kinukwento ni Tia nitong huli."
BINABASA MO ANG
Crash into me
General FictionMazikeen Maia Consunji COURTED her high school crush. Yes, she was the one who courted him dahil naniniwala siya na kung maghihintay lang siya na siya ang ligawan ng crush niya ay walang mangyayari sa kanila. That's why she did everything para mapan...
