CIM.09 - The game

98.4K 3.7K 676
                                    

I feel bad. I really do. Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Hindi ko makalimutan ang nga peklat sa kamay ni Gonzalo. Matagal – tagal kong iiyakan iyon.

Anong nangyari sa kanya? Ang sabi sa akin ni Jake noon, nakipag-away si Gonzalo dahil nalaman niyang may ibang boyfriend si Kimberly at dahil sa away na iyon na-injured ang mga kamay niya. Hindi ko naman alam na ganoon kalala ang resulta ng nangyari.

His hands were damaged. Hindi siya nagkwento sa akin sa nangyari siguro dahil hindi ako tumigil sa kakaiyak kanina sa lake. Gusto kong tanggalin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Gusto kong akuin ang peklat sa mga kamay niya.

There and then, I realized that he didn't throw away my dreams for him, siguro ay hindi na pwede ang mga pangarap na iyon.

Talagang hindi ako makatulog kaya dahan-dahan akong bumangon para hindi magising si Ate. Kinuha ko ang phone ko and I video called Tay. I really need to talk to someone.

"Tay..." Kagat ko ang ibabang labi ko nang sagutin niya ang tawag. Maaga pa sa Amsterdam.

"Nagluluto ang Nay mo. Napatawag ka, Bunso?"

Hindi ko na napigilan ang damdamin ko.

"I saw his hands, Tay. I now know that he didn't throw away my dreams! It was taken away from him and I am really mad at myself for not being able to be with him sa mga panahon na kailangan niya ako. I'm sorry, Tay, I know I promised you but I am still very much in love with him. Sorry Tay, if I am your heartbreak. I didn't mean to... I just want to make him feel better."

Iyak ako nang iyak. Hindi ko na nga naintindihan kung anong sinasabi ni Tay sa akin basta ang gusto ko lang ay mailabas ang lahat ng nararamdaman ko sa ngayon. Ang sakit-sakit dahil nasaktan siya, nagdusa at nawalan ng napakaraming bagay pro wala man lang akong nagawa.

"Maze..." Tay called me... "Oh, baby..."

"Sorry po, Tay... Sorry..." Paulit-ulit kong sambit sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nawalan ng kuryente. Kuntodo iyak pa rin ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Napagpasyahan kong lumabas ng bahay. Kinuha ko iyong malaking flashlight para makapaglakad – lakad ako.

Habang nasa daan ay umiiyak pa rin ako. Nilabas ko ang phone ko para tawagan si Achilles para hingin ang number ni Zalo. Gusto ko siyang makita.

"Maze, wala ka bang kasama? Nasaan si Tel? Nasaan ka? Inaayos na namin ang generator."

"Akina ang number ni Gonzalo. Tang ina!" Sigaw ko.

"Bakit?"

"Wala kang pake! Send mo sa akin o lulumutin ang titi mo!"

"Ang harsh mo!" Tinapos ni Achill ang tawag tapos maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. Tinawagan ko siya pero hindi siya ma-contact. Inis na inis ako lalo. Pumunta na lang ako sa mismong cabin niya at doon kumatok nang napakalakas.

"Zalo! Tang ina ka! Lumabas ka diyan!" Sigaw ko. Hindi naman nagtagal ay lumabas nga siya. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. I was biting my lower lip.

"What are you doing here? Are you drunk again, Mazikeen?" He asked me. I took his bare hands. Wala siyang gloves ngayon. Siguro dahil matutulog na siya o baka nag-sex sila ni Harper – wala akong paki.

Kinusot ko ang mga mata ko. Tinitigan kong maigi ang mga kamay niya.

"Mazikeen, stop..." Piit niyang binabawi ang kamay niya.

"I'm so sorry. Sorry for not being able to be with you in the darkest moment of your life. Oh my... god..." I hugged him tightly. "Sorry, Gonzalo, sorry... if I knew, dammit! I knew it but I was too stubborn. I'm so sorry. I'm so sorry..."

Crash into meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon