"Jannie, bago ka kumuha nung parang vow of celibacy, pwede bang mangatulong ka muna sa pamilya ni Don Villamayor sa Maynila?" tanong ni Inay.
"Nay, ayos lang po. Kahit po labag yun sa loob ko, gagawin ko po basta para sa pamilya natin." sagot ko.
"Salamat anak. Patawad kung kailangang ikaw pa gumawa nito. Kung kaya ko lang, ako na lang sana." paghingi ng paumanhin ni Inay.
"Wag niyo na isipin yun Nay. Wala lang to sakin. Wag na po kayo mag-alala ha? Sandali lang naman po ang isang taon at maiintindihan naman po ng mga kapwa madre ko ang sitwasyon. Makakabalik naman po kaya wag po kayo mag-alala kung yun po iniisip niyo. At isa pa Nay, ako dapat gumawa talaga nito. Nahihiya na din naman ako kay ate kasi siya na nga ang sumusuporta sa inyo simula ng magmadre ako." paliwanag ko.
Pagkatapos ng usapan naming yun ay naghanda na ko sa pagliligpit ng mga gamit ko at paghahanda para sa pag-alis ko papuntang Maynila.
Ilang oras matapos yun ay sinundo na ko ng driver ni Mr. Villamayor papunta sa kanyang opisina.
Nang nasa opisina na ko ay iniabot niya sakin ang paunang allowance ko. Mabait si Mr. Villamayor at alam niya na kailangan ko din ng pera sa pagsisimula ko.
"Jannie, I'm sorry I can't accompany you and personally introduce you to my sons. I have a lot of work loads here in Laguna. But don't worry, soon I'll get to drop by there." pageexplain ni Mr. Villamayor.
"Okay po Sir."
"I hope matulungan mo mga anak ko. I have problems with them kasi. Sana kahit anong mangyari, you won't give up on them, Jannie."
"Ako na po bahala Sir."
"May mga tanong ka pa ba?" he asked.
"Wala na po." sagot ko.
"Kung ganun, here are the keys of the house. You'll be the head mistress and I've explained that to them already. Do what is needed para madisiplina sila. I entrust them to you."
"Salamat po Sir. Di ko po kayo bibiguin."
Habang nasa sasakyan ako, di ko alam kung bakit parang kinakabahan ako na medyo natatakot. Natatakot kasi baka hindi ako magustuhan nung mga anak ni Mr. Villamayor. At baka sungitan nila ko. Mayayaman pa man din yung mga yun. Mga sosyal at mga maaarte siguro yun. Pero wag naman sana.
Pinahinto ko si kuyang driver sa bilihan ng phone at sim card. Kakailanganin ko kasi to para i-contact si Mr. Villamayor at ang pamilya ko.
Pagkabili ko ay nagpatuloy na kami sa biyahe. At makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa Forbes Plains. (Forbes Park + White Plains) Sosyal naman dito sa exclusive subdivision na to.
"Kuya, sobrang yaman ba ni Mr. Villamayor?" tanong ko.
"Dati hindi naman. Pero nang magkaroon siya ng anak na artista, dun na siya yumaman. Kaya din sila napalipat dito ay dahil nga dun." paliwanag ni kuyang driver.
"Ganun pala. May artista pa lang anak si Sir."
"Ah Jannie, nandito na tayo." biglang sabi ni kuya ng makaliko kami sa pangatlong kanto. Ibinaba na lamang ako ni kuyang driver sa harapan ng gate ng napakalaking bahay na may matataas na pader.
Agad akong bumaba at binitbit ang gamit ko.
"Napakalaki naman dito at nakakapanibagong walang mga tao sa paligid. Mukhang mga nasa loob lahat sila ng kani kanilang bahay."
Magdodoorbell na sana ko ng may narinig akong boses mula dun sa maliit na machine sa gilid.
"Sino ka?" boses ng isang babae.
"Ako po si Jannie. Ako po yung head mistress na ipinadala ni Mr. Villamayor. Eto nga po at dala ko yung mga duplicate ng susi." paliwanag ko.
"Okay. Ilapit mo sa screen yung mga susi ng makita ko."
Inilapit ko na lamang at maya maya'y may nagbukas na ng pinto.
"Pumasok na daw po kayo sabi ni Madam. Dun po yung daan." sabi ng guard.
"Sige po. Salamat po."
Hindi ko maiwasang titigan ang paligid dahil sa ganda ng bahay na gawa sa glass. Grabe. Napakaganda naman dito.
Nagtuloy pa ko ng lakad hanggang sa may katulong na nag-assist saking makapasok. Sinabihan niya ko na intayin na lang si Madam. Sino kaya yun?
Nagulat na lamang ako ng may biglang manghipo sa pwet ko.
"Aaahh!" tili ko.
Agad kong hinabol ng tingin yung nanghipo sa pwet ko. Manyak na yun!
Nakita ko siya't nahagip ng tingin. Lalapitan ko na sana siya ng may mga ilang tao na sa paligid, mga binatilyo at isang babae na mukhang nasa mid 40s na maganda't balinkinitan pa din.
"Oh my God. What happened? Are you okay?" tanong nung babae na yung tono ay mala-Kris Aquino. Siya siguro si Madam.
"Ayos lang po ako. Yun nga lang po. Ano kasi..." Dapat ko bang sabihin? Baka kasi baligtarin lang ako ng lalaking yun at baka mapalayas pa ko dito ng wala sa oras.
"What?"
"Nakakita ako ng daga. Yun lang po." palusot ko.
"Are you sure na daga lang? Oh my God may daga." tanong niya. Di ko alam kung sasagot ako kasi pakiramdam ko matatawa ko gawa ng kuhang kuha niya yung tono ni Kris Aquino.
"Opo. Pasensya na."
Humanda sakin ang manyak na yun. Patawadin sana ako pero kailangan niyang maturuan ng leksyon.
"Anyway, are you Jannie? The maid Rich had told me?" tanong nung babae.
"Opo. Ako nga po." sagot ko.
"Oh. I see. Ako nga pala si Farrah Villamayor. I'm Richmond's younger sister. Nice to meet you, Jannie."
"Nice to meet you din po Madam."
"Jannie, today, I'll introduce you to Rich's kids. Wait lang. I'll just call them ha?"
Nagstepforward siya sabay sigaw,
"COME DOWN BOYS!"
Nagulat ako sa ginawa niya dahil nawala yung poise niya nung sumigaw siya.
Pagkatapos nun ay bumaba na yung mga bata, no, mga binata. Ay grabe. Di naman ako nainform na mga binata na sila. Ang tatangkad. Mga 6 footer ba to? Parang nagtayo ng football team si Mr. Villamayor. Ang lalaki ng mga katawan nila na ang tatangkad. Mapuputi din at mga gwapo. Nakakagulat. Mga mukhang pangmodel ng Calvin Klein yung iba. No wonder na artista ang isa sa kanila. Pero ang dami nila. Anim na mga binata. Oh. May kambal pa.
"Ayan. Nandito na sila. Jannie, actually wala yung tatlo. Kanina nandito yung isa kaso biglang nawala. Hayaan mo na nga yun."
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGS
Romance[COMPLETED] HIGHEST RANK ACHIEVED: #10 IN TEEN FICTION 🌟 #3 IN FUNNY 💜 Jannie, a nun-in-the-making, was forced out in the convent to have a temporary leave due to a family crisis. Being a loving daughter, she accepted the deal of a wealthy busines...