Chapter 23 - New Found
"So anong pangalan mo miss?" tanong ni Zephyr.
"Alexis Isabella Lim." sagot nung babae.
"Totoo bang ikaw ang gf ni Nero?" tanong ni Linus.
"Ang ganda niya ha." banggit ni Nixon.Totoo nga. Napakaganda niya. Matangkad din siya at balingkinitan. Model type. Bagay sa kaniya ang suot niyang loose white dress at mataas na cream-colored heels.
"Model ka ba?" tanong ni Lanier.
"Yeah. Papa-autograph ka ba?" tanong niya.
"Ang haba ng pangalan mo eh. So anong pwede naming itawag sayo?"
"Belle na lang." nakangiti niyang sabi.Nakakaakit ang kaniyang ngiti. Panigurado ang mga lalaking to ay nagkakandarapa na sa kaniya. Napakaswerte naman ni Nero sa kaniya. Maganda siya at mukhang mabait naman.
"Belle, nagwowork out kami. Gusto mo sumabay?" tanong ni Knox na nagpapa-impress.
"Ah no. I'm here lang para kay Nero. Gusto ko lang siyang bawian sa ginawa niya sakin."
"Bawian? Bakit? Ano bang ginawa niya?" tanong naman ni Nixon.
"Iniwan kasi niya ko dun sa meeting. We're supposed to meet the investors for our family's business collaboration. Kaso iniwan naman ako ni Nero. Ibinilin ako ni Dad sa kaniya kaso he left me alone. Sabi ko nga wala ba siyang awa sakin. Look. Ang taas ng heels ko tapos paglalakarin niya ko pauwi. I currently don't have my phone with me so I can't call anyone else to pick me. Grounded ako kasi. And to get back my phone and my cards, I have to stick with this guy." pagkukwento niya.
"Guy, not boyfriend?" paglilinaw ni Linus.
"Ah yeah? I don't know. It's the same naman. He's my type naman so I have nothing against Nero. And soon we'll be engaged naman. He's the one who proposed that after all."
"What? Seriously?" halos sabay sabay nilang tanong.
"Why? Is there something wrong?" tanong niya.
"Ah wala naman. Nakakabigla lang na si Nero ang nag-initiate. Not so him." di makapaniwalang sabi ni Nixon.
"Anyway, where is he? He's just here lang ah! Can you please get him for me? Pagod na ko habulin siya. My feet hurts really." pakiusap niya.Inalalayan ni Knox at Nixon si Belle samantalang si Zephyr naman ay lumapit sakin.
"We'll take care of her. You may do your other things. I know that you're not well seeing her."
"Ano bang sinasabi mo Zeph."
"Don't fake it Jannie. I know you're affected." sabi niya sakin habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko as if sinasabing everything will be okay.Ganun na ba talaga kahalata ang reaksyon ko? Ano bang nangyayari sakin?
"Thanks Zeph."
Sinunod ko na lamang siya at nagtungo na lang sa kusina para maghanda nang merienda nila. Habang nandun ako ay inabot ko naman si Hana.
"Anong tinitingin tingin mo? Bakit ka nandiyan? Hindi na ito ang trabaho mo no." sigaw niya nang makita niya ako na nakatingin sa kaniya mula dun sa glass door.
Problema nito? Hindi ko naman siya ginagalaw.
Teka, ano ba yung hinahanda niya? Anong pagkain ba yon? Bakit ganun ang itsura? Atsaka teka. Bakit ganun yung amoy nang kusina? Galing ba yun sa oven?
Pumasok ako para silipin yung inihahanda niyang pagkain at para makumpirma ko yung amoy sunog na yun. Baka kasi mamaya sa appliances galing yon. Delikado.
Hinanap ko yung amoy sunog only to find out na yung cake or kung ano man yong hawak ni Hana ang amoy sunog.
"Hana amoy sunog yan."
"Anong pinagshashabi mo? Inggit ka lang!"
"Bakit naman ako maiinggit diyan sa sunog mong cake."
"Gushto mo din kashi ng cake pero shorry ka na lang kashi di kita bibigyan!"
"Di ko kailangan. Wag kang mag-alala. Ang sakin lang, baka sakitan ng tiyan ang sino mang kakain niyan. Nakakain pa ba yan?"
"Nakakain to no! Inggit ka lang talaga."
"Ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo. Mas maigi ngang makain nila yan para madali kang ma-fired." sabi ko sabay alis.

BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGS
Romantik[COMPLETED] HIGHEST RANK ACHIEVED: #10 IN TEEN FICTION 🌟 #3 IN FUNNY 💜 Jannie, a nun-in-the-making, was forced out in the convent to have a temporary leave due to a family crisis. Being a loving daughter, she accepted the deal of a wealthy busines...