"Bilisan niyo na mag-empake ng gamit!" sigaw ko sa kanila.
"Yes, my amore!" sagot ni Knox.
"Shut up, Knox. Nagmamadali na tayo. Sumakay na kayo sa kotse."Papunta kami ngayon sa isang beach, napagdesisyunan kasi ni Mr. Villamayor na magbakasyon at makasama ang pamilya niya kaya naman nagpa-outing siya. Kasama ang lahat ng mga anak niya maliban kay Nero. Ilang araw na namin siyang tinatawagan pero di siya sumasagot. Nag-aalala na nga si Mr. Villamayor dun sa adik na yun. Nasan na nga ba siya?
Ngayon ay papunta na kami sa Aloha beach.
Nahati ang grupo namin sa dalawa. Yung unang lima dun sa Audi ni Zephyr, at yung natitirang apat naman ay dun sa Ferrari ni Niven.
Unfortunately, ang naging hatian ay, dun sa kotse ni Zephyr, ang magkakasama ay si Zephyr (driver) at sina Bran, Lenin, Knox at Nixon. Samantala, ang nasa kotse naman ni Niven ay ako, si Niven (driver), at sina Linus at Lanier. Si Niven ang driver kasi sa kanyang kotse yun. May student license naman siya and nasa tabi naman niya si Linus na marunong din namang magdrive na.
Bakit nga ba sila pa kasi sama ko? Dapat dun na lang ako sa kabila e. Makukulit yung mga nandito.
"My amore! Why are we parted? We're so near yet so far!" sigaw ni Knox mula sa kabilang kotse.
Ang baliw niya talaga. Inilalabas niya yung kamay niya. Para siyang tanga.
"Bleh! Kawawa ka naman Knox! Samin na ang 'amore' mo! Nyahahaha!" pang-iinis ni Linus kay Knox.
"Huhuhu! Mi amore! Wag mo sila hayaang kuhanin ka! You're mine! I love ya!" sigaw niya.Hay nako Knox. Baliw ka talaga.
"Wala daw pakialam sayo si Jannie! Ako daw mahal niya! Ahahahaha." pantitrip pa ni Linus.
Ang kulit ni Linus. Teka, bakit parang ang tahimik ata nitong katabi ko? Si Lanier nga pala katabi ko dito sa back seat.
"Lanier, ayos ka lang?" tanong ko.
"Ah oo, Jannie."
"Sigurado ka? Namumutla ka, Lanier."
"Ayos lang ako. Never mind me."Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa beach. Napakadaming tao. Sunday kasi.
Nagpatulong ako kay Zephyr at Lenin na ayusin yung built in tent na siyang nirentahan nila. Nakapwesto ito malapit talaga sa mismong dalampasigan kaya naman maganda ang napili naming pwesto. Pero may mga sarili pa din kaming kwarto dun sa hotel. Halos lahat ng gamit namin ay dun nakalagay.
Since kakadating lang namin, ngayon pa lang nagbibihis yung iba kaya kami lang nila Zephyr ang nag-aayos.
"Mi amore! Kamusta naman ang swimming trunks ko? Ayos ba?" tanong ni Knox habang ipinakita ang trunks niyang bulaklakin.
Actually, okay naman, yun nga lang ang awkward. Bakit ba kasi floral yung napili niya?
"Bakit floral napili mo?" tanong ko.
"Because I love nature! Ayos ba, Jannie beybe?"Sana di na ko nagtanong.
Bumalik na ko sa pag-aayos at nakita ko namang nanakbo palayo si Knox na umiiyak. Para talaga siyang tanga. Hahaha.
"Onee-chan! Can you put me a sun block?" tanong ni Bran.
"Sure. Akin na."Iniabot niya sakin yung sun block at saka ko pinahiran yung buong katawan niya. Medyo matagal din ang paglalagay kaya naman kinakausap ko na lang si Bran.
"You look cute on your trunks, Bran. Blue suits you." puri ko sa kanya.
"Thank you!"
"Bran, ang haba na ng buhok mo. Aren't you getting irritated?"
"Just a bit." sagot niya then gumawa siya ng sign sa daliri niya na nagdedenote ng 'kaunti'. Ang cute niya lang. Kapareho na niya ng buhok yung anak ni Richard Gutierrez, yung si Zion. Kulot din kasi tong si Bran.
"Pero parang ang untidy mong tingnan. Wait, ah!"
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGS
Romance[COMPLETED] HIGHEST RANK ACHIEVED: #10 IN TEEN FICTION 🌟 #3 IN FUNNY 💜 Jannie, a nun-in-the-making, was forced out in the convent to have a temporary leave due to a family crisis. Being a loving daughter, she accepted the deal of a wealthy busines...