Our Good Story
*Lenin's POV*
Nakakapagod ang training ngayon. Malapit na ang laban namin sa CAA (Collegiate Athletic Association) kaya naman halos dito namin inuubos ang aming oras sa school.
Akala nang iba madali lang maging varsity. Naiinggit yung iba dahil sa mga student privileges. Pero mali sila. Student privileges lang yun e, iba pa din kapag nag-reap off na yung mga pinaghirapan mo as student athlete. Kasi pag varsity ka, dapat dedicated ka sa lahat nang gagawin mo lalong lalo na sa training dahil yun ang susi para magtagumpay.
Pinili kong maging student athlete kahit pa may kaya ang pamilya namin. This is my passion. Sabi nga nang iba, "Ball is life." Hindi naman ako gaya nang iba na nakikisunod lang sa uso o nasa basketball field lang dahil sa gustong maging sikat sa mga babae.
Nandito ko dahil gusto kong mapabilang sa mga naging national basketball player. Gusto ko kasing lumaban sa FIBA world cup someday at maging isa sa mga representative nang bansa para dito. Para kasi sakin nakakamangha yon. Gusto ko ding magbigay inspirasyon sa mga kapwa ko players na kaya naming mapagtagumpayan ang sports na 'to. Naniniwala ako na ang pangalan nang Pilipinas ay malalagay sa hanay nang mga kampeon sa darating na panahon.
Nationalistic at patriotic mang pakinggan pero ganun kasi talaga yung pagnanais kong maiangat ang bansa natin kahit sa larangan nang basketball. Palagi na lang kasing Western ang nananalo sa FIBA. One day, makikilala din ang Pilipinas bilang lugar nang mga mahusay na manlalaro hindi lang sa larangan nang basketball. Para na ba kong politiko sa mga sinabi ko? Hehe. Sadyang yun lang talaga ang gusto ko para sa bansa ko.
Alam ko imposible yon sa tingin nang iba. Lalo na at kulang sa kagamitan at suporta ang mga athlete sa bansa natin. Pero hindi naman kulang ang mga Pilipinong basketball player sa tiyaga at determinasyon. At sa palagay ko ay yun ang pinakakailangan upang magtagumpay. We'll slowly reach for it kahit mahirap. Ngunit kung gusto naman talaga, posibleng mangyari di ba? We have to make things through. We will make it through. You don't let the dream work. You work for the dream.
"Bakit ba ang kulit mo? Nagttraining kami Allison! Bumalik ka na lang bukas." naiiritang salita nang captain namin, si Clay, dun sa babae sa may pinto.
"Eh kasi naman Clay! Ilang beses niyo na kong pinapabalik balik dito no! Mag iinterview lang naman ako para sa upcoming match niyo. Please naman oh payagan mo na ko. Kailangan lang namin para sa newspaper." pagmamakaawa niya na kulang na lang ay lumuhod.
"Ano ka ba umuwi ka na. Busy kami. Pag inabot kami ni Coach na nagsslack lang, doble ang parusa niya samin. Napabigyan na pati kita noon." salita pa ni Captain.
"Sige na please. Iffeature ko lang naman ang ginagawa niyong paghahanda. Sige na Clay." pangungulit niya.
Nako mas lalong ayaw ni captain nang ganiyan. Ayaw niya nang may nangungulit lalo na ngayong malapit na ang laban. Mas focused na dapat kami.
"Allison bumalik ka na lang bukas." final word niya.
At tama nga ako, final word niya nga yon. Inurong niya yung babae at saka isinara yung gym. Wala namang nagawa yung babae kundi kalampagin na lang yung pinto.
"Clay naman! Buksan mo to!" sigaw niya.
Pagkasara ni captain ay nanakbo siya papunta samin at bumalik na siya sa hanay namin na nagpapractice magshooting.
"Captain sino ba yun? Parang nakita ko din yun nung nakaraan ah." tanong ni Kiro habang pumoporma para magshoot.
"Aruy di nashoot. Next." komento ni Lev, na siyang tagapasa ngayon nang bola saming lahat. Turn niya na kasi ngayong araw, kahapon si Haruto.
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGS
Romance[COMPLETED] HIGHEST RANK ACHIEVED: #10 IN TEEN FICTION 🌟 #3 IN FUNNY 💜 Jannie, a nun-in-the-making, was forced out in the convent to have a temporary leave due to a family crisis. Being a loving daughter, she accepted the deal of a wealthy busines...