*Linus's POV*
Haaaaay. Nakakainis late na ako! Bakit di ako ginising ni Jannie-
Wala na nga pala si Jannie. Ano ba yan. Parang di na ako sanay. Noon naman sanay ako na walang gumigising sakin. Naging dependent na ako kay Jannie.
Kakaiba yon si Jannie kumpara sa mga nauna naming kasambahay. Usually nauuna si Jannie sa alarm clock ko. Ganon siya kaaga gumigising. Mas nakakagulat pa ay nakahanda na ang pagkain, may pabaon pa. Kakaiba siyang mag-alaga kaya naman walang duda na lahat kami ay inspired pumasok dahil sa mga efforts na ginagawa niya.
"Linush! Gishing naaa!" sigaw ni Hana.
Ay nako. Nakakairita ang boses niya. Taas nang pitch.
"Gising na ko wag kang sumigaw."
"Okay!"
Nagbihis na muna ko bago nagpunta sa banyo para magtoothbrush.
Hmm. May facial hair na pala ko, di bagay sa pogi kong mukha. Nagmumukha akong matanda. Haha. Tinatamad naman akong alisin.
Ewan ko ba. Sadyang tinatamad ako ngayon marahil dahil wala na nga si Jannie.
Dumiretso naman ako sa kusina since nagugutom na ko.
"Linus ikaw na lang magluto! Walang alam si Hana na matinong pagkain! Bilisan mo na gutom na kami! Wag mo na siyang intayin makabalik!" pabulong na bulyaw sakin ni Nixon.
"Tawagin mo muna kong kuya. Hahaha." pang-aasar ko.
"Ulol. Yoko nga." sagot naman niya.
"Pakyu. Kuya lang eh. Haha. Tapos pabebe ka para magluluto na ko." pang-iinis ko pa. Pikon kasi yang si Nixon. Hahaha.
"Oy Nixon gawin mo na gutom na din ni ako." gatong ni Lenin.
"Ako na lang magpapacute Linus!" sabi ni Lanier.
"Tangna di na. Haha. Panget mo di bagay." sagot ko kay Lanier.
Yan naman ayaw ko sa kambal ko. Bihira lang mapikon. Kaso may pagkaweirdo. Mas malala pa kay Lenin. Haha. Si Lenin masungit lang e. Ayang kupal na yan malakas tama niyan. Minsan seryoso minsan parang gago. Hahaha. That's Lanier for you.
"Si Zephyr?" tanong ko.
Siya lang wala dito eh. Ay mali. Wala pala si aso. I mean, si Nero. Lagi namang wala yon anong bago. Aso kasi half breed yon nang bulldog at shih tzu. Bullshit. Nero is a bullshit. Oh di ba nice. HAHAHA.
"He's still in his room. He doesn't want to get bothered." sagot naman ni Niven.
"Ah ganun ba."
Broken siya eh. Saming magkakapatid, siya talaga yung sobrang seryoso kay Jannie. Mahal na mahal niya si Jannie kasi siya lang yung babae na naiintindihan siya. Kaya di ko naman siya masisisi kung nagkakaganyan siya. Yun nga lang, pag pinagpatuloy niya yan, baka kung anong mangyari sa kaniya. Haays.
Di man pinapahalata nang mga to, alam kong nasasaktan sila sa pag-alis ni Jannie at walang ibang magawa kundi tanggapin ito. We all have feelings for her so we're all affected. We even miss her. She's really like no other.
Funny how we like and love her and is not even mad at each other because of that. Usually kasi there's competition. But sa part namin we respect each other kasi alam naman naming talo na kami bago pa man ang lahat. We know na may nanalo na sa puso niya. She just doesn't want us to know about it coz she thinks she might hurt us. We're all hurt already seeing how she falls for that jerk. Okay naman kahit sino samin wag lang sa gagong yon. Kaso wala eh, siya talaga eh. Speaking of which, what's his plan now?
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGS
Romance[COMPLETED] HIGHEST RANK ACHIEVED: #10 IN TEEN FICTION 🌟 #3 IN FUNNY 💜 Jannie, a nun-in-the-making, was forced out in the convent to have a temporary leave due to a family crisis. Being a loving daughter, she accepted the deal of a wealthy busines...