*Linus's POV*
"Dude, bumalik na si Honey after her month long vacation sa Japan." banggit ni Andrew, isa sa mga tropa ko dito sa school.
"So?" walang gana kong banggit habang nakayuko lang dito sa table ko.
"You haven't seen her yet?" tanong ni Raiko, isa ko pang tropa.
"Not yet."
"She's stunning. She's way more prettier now." komento ni Andrew.
"Ah. Good for her."
"Best friend mo yon di ba? Ayos lang ba kung ligawan ko siya? Matagal na kong may crush sa kaniya eh." banggit ni Raiko.
"Bakit ka sakin nagtatanong? Di naman ako si Honey." iritable kong sagot.
Wala kasi kong pakialam sa kanila. Bahala sila sa buhay nila. Ang iniisip ko ay paano na kami nang mga kapatid ko. Zeph is not in his usual way. Knox went out of the country for business a few days ago. Nero the bullshit is nowhere to be found. So ako ang panganay na naiwan ngayon. That's why I'm worried.
Ang isa pang inaalala ko ay kung kamusta na ba si Jannie. Di na din kasi siya pumapasok dito sa BEU. Talaga nga atang sigurado na siya sa pag-alis niya.
"Hi, Linus." bati nang isang pamilyar na boses sakin.
Nilingon ko ang tabi ko at wala na yung dalawang kasama ko. Naiwan na pala ko dito. Tiningala ko naman yung nagsalita.
"Honey?"
Si Honey nga ba to? Baka nga siya. Nagpagupit pala siya. Bagay sa kaniya ang apple cut.
"Nasaan mga kasama mo? Si Jannie?" tanong niya.
"Nakabalik ka na pala. Bagay sayo ang apple cut." puri ko sa buhok niya.
Mas gumanda siya lalo. I said it because it's true.
"Ah. Thanks." she blushed.
I didn't mean to make her blush. Kahit gago ako, di ako paasa. Let me clear myself from that.
Bumalik na lang ako sa pagkakayuko ko pagkasabi ko non.
"Anong problema?"
"Wala." pagsisinungaling ko.
"Kilala kita. Alam kong may problema ka. Huwag kang mahiyang magsabi sakin. Kaibigan mo pa din ako. I know medyo awkward kasi ni-reject mo ko. Pero tanggap ko na ang lahat. Nandito ko sa harap mo ngayon hindi na bilang si Honey na may gusto sayo kundi si Honey na best friend mo."
"Honey,"
"Wala kang dapat ikahiya sakin, Linus. Maaari ka pa ding magshare nang mga problema mo sakin." paniniguro niya.
Ikinuwento ko naman ang lahat kay Honey. She's still my best friend after all. Only she will be able to understand me.
"Ganun pala. Umalis siya at ngayon ay namumroblema ka dahil sa pag-alis niya."
"Yeah. Ayos lang naman yung mga family matters. Ang hindi maayos ay yung wala na siya samin. I mean parang pamilya na samin si Jannie." paliwanag ko.
"Ano bang balak niyong gawin?"
"Ha?"
"Sabi ko, ano bang balak niyong gawin? Susundan niyo ba siya?"
"Bakit namin gagawin yon? Magagalit siya panigurado. Sasabihin lang niya samin na ang kulit namin at sinusundan pa namin siya."
"Sa pagkakakilala ko naman kay Jannie, di siya ganon."
"Uh yeah. Hindi nga siya masyadong nagagalit."
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGS
Romance[COMPLETED] HIGHEST RANK ACHIEVED: #10 IN TEEN FICTION 🌟 #3 IN FUNNY 💜 Jannie, a nun-in-the-making, was forced out in the convent to have a temporary leave due to a family crisis. Being a loving daughter, she accepted the deal of a wealthy busines...