Sa totoo lang, gustong gusto kong sabihin sa kanila na wala akong pipiliin. Nakalimutan na ba nilang nagmamadre ako?
Pero kasi, ayaw ko namang masaktan silang lahat kahit pa alam ko na pagkatapos din ng lahat ng to ay ganun pa din. In the end, they'd still get hurt. Pinatagal ko nga lang.
I feel bad. Haaays.
Pero I don't want to see them get hurt dahil dun. Haays. Ewan ko ba. Parang kahit anong piliin ko, ang end result ay masasaktan sila.
Should I say it already bago pa man magsimula ang competition nilang yan? Siguro nga. It should be this soon. Baka kasi nabigla lang sila and nadadala lang sila ng kanilang mga damdamin dahil bigla silang nagkaroon ng mother figure o babae sa buhay nila na mag-aalaga sa kanila. Maybe it's just like that so I should make myself clear.
*Sayonara no mae ni let go, demo kokoro no meiro no nakade mayou~ (BTS - Let Go)*
Ay! May natawag pala sakin! Sino naman kaya?
Agad kong tinignan at nakitang si Mr. Villamayor ang natawag.
"Hello po sir. Bakit po kayo napatawag? Mabuti naman po ang lagay ng mga anak niyo." agad kong tanong at balita sa kanya.
"Ah. It's not that, Jannie. I just called because the maid I asked for is already coming over. I forgot to inform you kasi medyo naging busy ako last week. Pero dapat last week pa siya dyan nakapunta. Sadyang nakalimutan ko lang. Pasensya ka na. Paki pakilala na lang siya sa mga anak ko at ikaw na ang bahalang mag take over."
"Ah sige po sir. Ako na po ang bahala."
"Please don't forget to introduce them to her. And please take care of my sons, just as you usually do. Thank you. I have to hang up. May trabaho pa kasi ko. Tell them I'll vid call them later. Thanks." dagdag niya sa kaniyang paliwanag at pagbibilin ni Mr. Villamayor at saka na ibinaba ang tawag pagkasagot ko.May bago pa lang maid. Hmm. Ilang taon na kaya siya? Makakasundo ba namin siya? Sana.
Agad kong tinawag at ininform ang magkakapatid tungkol sa pagdating ng bagong maid. As usual, wala si Nero dito sa di malamang dahilan. Ilang araw ko na din nga atang di nakikita yun pamula nung tawagin niya kong Spice. Weird talaga nun.
"Jannie, talaga bang dapat natin siyang i-welcome pa? For sure katulad lang nila manang yun na mga coca-cola bodied nannies. Hahaha!" pagkokompara ni Linus.
"Coca-cola bodied? Yung may curves?" tanong ko.
"Oo Jannie. Yung maraming curves! Di joke! Hahahaha. Yung family size coke talaga yung tinutukoy ko! Hahaha." hagalpak sa tawa ni Linus na sinabayan ng pagtawa din ng lahat.
"Coke zero pre. Haha. Bilog! Hahahaha" dagdag ni Zeph na tinawanan din nila. Akala ko di makulit tong si Zeph. Di lang pala halata. Haha.
"Hahahahaha! Gago ka talaga." komento naman ni Nixon.
"Oh bakit? Hindi ba? Palibhasa type mo si manang Baby eh. Double XL! Hahahahaha!" dagdag pa ni Linus.
"Ulul. Haha. Baka ikaw. Pakyu!" sagot naman ni Nixon.At puro na naman sila kulitan, asaran at tawanan. Itong mga to talaga. Daming alam na kalokohan. Haha.
Maya maya pa ay pinapasok na ni ate Sarah yung bagong maid.
"Wow."
"Ang ganda niya."
"Sexy."
"Maid ba yan?"
"Wow. Gusto ko yang suot niyang yan."
"Hot. Hahaha"
Iba't ibang komento ang narinig ko mula sa magkakapatid dahil sa bagong maid na dumating. Gaya nga ng sabi nila, maganda siya at balinkinitan na makikita mo dahil sa suot niyang medyo mini-skirt na mga 5-6 inches lang ata ang haba. May blonde brown siyang buhok at nakafull make up. Bakit ganyan ang suot niya? Sasali ba siyang pageant? Naka-fitted white low neck sando siya na humahapit sa kaniyang pang-itaas na bahagi dahilan para makitang maigi ang malalaki niyang hinaharap na talagang nakapukaw ng pansin ng mga magkakapatid.
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGS
Roman d'amour[COMPLETED] HIGHEST RANK ACHIEVED: #10 IN TEEN FICTION 🌟 #3 IN FUNNY 💜 Jannie, a nun-in-the-making, was forced out in the convent to have a temporary leave due to a family crisis. Being a loving daughter, she accepted the deal of a wealthy busines...