Chapter 16 - Daddy Duties

3.3K 87 22
                                    

May asawa na pala si Knox. Di ako makapaniwala. May nagkagusto dun kay Johnny Bravo? Joke.

Nakakagulat lang na malaman na may pamilya na siya. Kung sa bagay, 23 na din naman na siya. Kaya na ding magtaguyod ng pamilya.

Di naman ako masyadong apektado nung katotohanang nalaman ko tungkol kay Knox. Mas apektado ako dun sa mga reaksyon ng mga tao dito. Di sila mapakali. Para bang aligaga silang lahat at di malaman ang gagawin.

Inayos na nila lahat ng gamit dito. Nakakagulat nga. Di naman sila ganito kasipag. Why all of a sudden?

"Nixon, bakit ba tense na tense kayo? Ano bang problema? Kakaiba kasi mga kinikilos niyo ngayon."
"Kasi dadating nga yung mag-ina ni Knox."
"Oh ano naman ngayon-"

"Good afternoon assholes! Nasan na ang magaling na ama ng anak ko?!" Sigaw nung bagong dating na babae.

Kapag tinignan mo itsura nitong babae, mamamangha ka sa ganda. Kaso, basura yung ugali. Halata kong masyado siyang manipulative at bossy. Hindi siya magandang ehemplo sa magkakapatid. I wonder if talaga bang asawa siya ni Knox.

Oh well. Who knows? Love is blind, they say. Let's just leave it at that.

"Hey maid, kindly call my husband. Tell him I'm fucking here." utos niya. Is she referring to me?

"I?"
"Oo. May iba pa bang katulong dito? My gosh ha. Bakit ba kasi naghahire sila ng mga tanga tangang maid. Sayang bayad sa inyo."

Tanga tangang maid? Ah ganun.

"Sandali lang madam." Sagot ko.

Lumabas ako't dumiretso sa garden at kinuha yung hose na ginagamit sa pagdidilig nung mga halaman. Nagpatulong ako kay manong hardinero para sa pagbukas nito sa tamang oras.

"Madam, heto na." Sabi ko.
"Okay-"

Saktong pagharap niya sakin ay saka ko itinapat sa mukha niya yung hose.

Hayun. Naligo tuloy siya ng wala sa oras. Mura nga siya ng mura habang di ko pa din inaalis yung nakatutok na tubig sa kanya.

"Stop it ano ba!!!" Iritable at naiinis niyang pagsigaw na tila mangiyak ngiyak na din.

Hulas na yung make up niya at basa na din sa loob.

Kita ako ng magkakapatid pero di nila ko pinipigilan.

Napatigil na lamang ako ng dumating si Knox at sinampal ako.

*pak*

Napatulala ako sa ginawa niyang yun.

Seryoso ang mukha niya ng ginawa niya yun. Hindi ako makapaniwalang nagawa ni Knox yun.

Walang sali salita ay nilapitan niya ang asawa niya't ibinigay ang jacket niya dito.

Pakiramdam ko, ang sama sama ko. Mali ba yung ginawa ko? Nasaktan niya ko sa mga sinabi niya.

*pak*

Muli akong nagulat sa narinig kong yun.

This time, yung asawa naman niya ang sinampal niya. Pero bakit? I thought, galit siya sakin sa ginawa ko sa asawa niya?

"Say sorry to her. She's not just a maid here. She's part of the family." striktong sabi ni Knox dun sa babae.

"Why should I?" pagmamatigas nung babae.

*pak*

Kasunod na sampal dun sa babae.

Seryoso si Knox at tila hindi na makareact pa yung babae. Under siya ni Knox.

BABYSITTING THE 9 VILLAMAYOR SIBLINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon